Obsession #48

17.7K 406 39
                                    

DENVER'S POV

I don't want to see Marinel crying for that bastard. Damn it, Neil! Nagpaubaya ako dahil ang akala ko ay mamahalin mo si Marinel pero anong ginawa mo? Ginawa mo lang siyang isang panakip-butas! Sa ginawa mo ay hindi na kita itinuturing na isang kaibigan.

Kung alam ko lang na ganong klaseng tao pala si Neil ay sana matagal ko nang inagaw si Marinel. Sobrang gago siya para saktan ang babaeng mahal ko!

Kasalukuyan na nasa condo ko si Marinel at sinasamahan ko siyang magpakalasing. Ayoko siyang umiinom nang dahil kay Neil pero kasama naman niya ako sa problema niya kaya okay lang siguro ito. Hindi ko naman siya gagawan ng masama dahil ayokong sirain ang tiwala niya sa akin.

Mahirap magpigil dahil mahal ko siya at matagal ko na rin siyang gusto pero hangga't kaya ko ay rerespetuhin ko siya at igagalang.

"Denver, pangit ba ako? B-bakit ayaw sa akin ng kaibigan mo? M-matagal ko na siyang gusto e, pero nagpapakatanga pa rin ako sa kanya kahit ginawa niya lang akong rebound!" Natatawang umiiyak na naglalabas ng sama ng loob si Marinel habang namumula na ang mukha niya dahil sa sobrang kalasingan nito.

Hinarap ko siya sa akin at hinawakan ang baba niya. "No. You're beautiful and smart. Tanga lang siguro si Neil kung bakit hindi ka niya magustuhan." Sabi ko habang nakatitig sa mga mata niya.

"Bakit ganon, Denver? Kung sino pa ang mahal natin ay sila pa ang may ayaw sa atin? Hindi ba puwedeng maging mutual na lang ang lahat para wala nang taong masasaktan?" Sabi niya.

Ako nga mahal kita pero iba ang mahal mo. Kailan mo ba ako mapapansin bilang isang lalake na para sa'yo? Bakit kailangan mo pang umasa sa lalakeng ni minsan ay hindi ka man lang binigyan ng atensyon at pagmamahal?

Bumuntong-hininga ako at nginitian siya. "Siguro ay nagkamali lang sila ng taong gugustuhin nila at mamahalin." sabi ko.

Sandali itong natigilan sa sinabi ko pero 'di kalaunan ay umiling lang siya at tinungga ang beer na hawak niya.

"Hindi, Denver. Ang sabi kasi ng mama ko na kadalasan na ang taong nagugustuhan mo ay ang taong pag-aalayan mo ng buong buhay mo. Natututunan rin ang pagmamahal lalo na kung nag-eeffort 'yung isang tao para mahalin mo rin."

Napatigil ako sa sinabi ni Marinel. Matagal ko na siyang gusto pero hindi man lang ako nag-effort para mahalin niya rin ako samantalang siya ay nag-eeffort na mahalin si Neil kahit hindi naman siya pinapansin nito.

Posible kayang may gusto na si Neil kay Marinel dahil sa effort na ibinibigay nito sa kanya? Pero hindi, hindi ko nga makalimutan ang mga sinabi niyang masasakit na salita kay Marinel sa locker room.

"Hindi naman siguro," Sinabi ko na lang at tumungga rin ng beer sa lamesa.

Hindi nagsalita si Marinel at sumandal na lang ito sa sofa na inuupuan namin. Malamang ay nahihilo na siya dahil sa sobrang kalasingan.

Napatitig ako sa kanya habang nakapikit siya. Ito na ba ang tamang panahon para umamin ako ng nararamdaman ko para sa kanya?

I think this is the right time.

I sighed deeply at lumapit pa sa pwesto ni Marinel.

"Marinel, I love you."

Finally. I said those words to her.

Napangiti naman siya sa sinabi ko habang nakapikit pa rin.

"I love you too,

Neil.."

Neil again? Kailan ba magiging ako?

USTE'S POV

Nandito ako ngayon sa field at break time na namin. Wala akong ganang kumain kaya dumiretso na lang ako dito. Yumuko na lang ako at pinaglaruan ang bato sa paanan ko.

Hanggang ngayon ay masakit pa rin na palayain ang babaeng halos pag-alayan mo na ng buong buhay mo pero para sa ikakasaya niya kahit masakit ay tatanggapin ko na lang ang katotohanan na hindi siya ang babaeng para sa akin.

Si Russel. Nagmahal siya ng sobra-sobra kay Alanis kaya tuluyan na siyang nabaliw at naging makasarili kaya pati ang taong mahal niya ay hindi niya namamalayan na nasasaktan na pala niya.

Napagtanto ko na ang pagmamahal ng sobra ay nakakasama. Noon siguro ay nasasaktan ko na si Lara dahil sa mga ginagawa ko sa kanya katulad ng pagiging possessive ko at makasarili pagdating sa kanya pero hindi lang niya ito sinasabi sa akin dahil ayaw niyang magalit ako at masaktan ang damdamin ko. Ang selfish ko nga siguro noon at nakokonsensya ako ngayon sa mga nagawa ko sa kanya.

Habang nagmamasid ako sa paligid ay nakita ko si Chloe na nag-iisa at umupo malapit sa bench na inuupuan ko. Hindi naman niya ako napapansin dahil parang occupied pa ang pag-iisip niya.

Tumayo ako at lumapit sa kanya. Hindi ko makakalimutan ang mga sinabi sa akin ni Lara sa Masbate.

"Hi." Sabi ko. Napaangat ng tingin si Chloe at nagulat ito nang makita ako. Ngumiti lang ako at umupo sa tabi niya.

"Uste.." Sabi niya habang nararamdaman ko pa rin na nakatingin siya sa akin.

"Kumusta ka na?" Tanong ko nang nakatingin lang sa malayo.

"O-okay lang. Kayo ni Lara, kumusta na kayo?" Tanong naman niya.

"We already broke up." Sabi ko at ngumiti ng malungkot kay Chloe.

Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ko at tinitigan ako ng masama. "Bakit? Nakipagbreak siya sa'yo? Siguro ay niloko mo siya kaya nakipagbreak siya sa'yo, ano? Umamin ka!" Tinaasan pa niya ako ng kilay at umirap ito sa akin.

Tumawa lang ako. "Hindi ah."

"Eh bakit naghiwalay kayo?" Tanong naman niya.

Halos hindi ko alam ang sasabihin ko. Mahirap magsalita lalo na kung nasasaktan ka pa rin sa sasabihin mo.

Yumuko na lang ako at hindi nagsalita.

Chloe nodded. "I'm sorry if I asked that. I know that's too personal to talk to."

Tumango na lang ako.

"Chloe.."

"Yes?" Sabi niya at tumingin na lang rin sa malayo.

"Let's date."

Sa sinabi ko ay napaharap siya sa akin at tinuro pa ang sarili niya.

"Me? We will date? W-what? Are you kidding me?" Gulat na gulat niyang tanong at napahawak pa ito sa magkabilang baywang niya.

"No. I'm not kidding." Sabi ko naman habang nakangiti sa kanya.

"So, gagawin mo rin akong panakip butas katulad ng ginawa ni Neil kay Marinel? No freaking way!" Umirap naman siya. Ang taray talaga.

"Hindi naman. Hindi ako 'yung taong gumagamit lang ng ibang tao para makalimot. Iba ako, may paninindigan at pangako ako. Magdate lang tayo at kapag hindi tayo nagwork edi hindi. Kapag nagwork naman tayo edi masaya. Ano, papayag ka na?"

Natigilan naman ito sa sinabi ko.

"Hmm.. Pag-iisipan ko."

But after 3 seconds.

"Okay. Payag na ako. Alam mo kasing patay na patay ako sa'yo kaya ka ganyan." Sabay irap niya.

I laugh so hard. I'm willing to do everything just to love this Queen Bee girl.

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon