MARINEL'S POV
Maaga akong pumasok para masilayan si Honeypie Neil ko. Alam ko kasi na maagang na-ischedule ang basketball practice nila ni Julian. Matagal ko na kasi siyang gusto, halos tatlong taon na nga e. Parati ko siyang nagiging kaklase pero sa loob ng ilang taon ay kahapon lang kami nagkalapit at nagkausap ng ganon kaya todo ang hiya at kilig na naramdaman ko that time.
Mas lalo siyang gumagwapo sa paningin ko kahit may pagkakengkoy nga daw siya. Siguro ganon talaga kapag gusto mo ang isang tao, wala ka nang pakialam sa mga flaws niya.
Nagpunta ako sa basketball gym at nakita ko nga na nagpapractice sila ng basketball. Hindi naman nila ako napapansin dahil busy sila sa paglalaro.
Napagpasyahan kong umupo sa isang bleachers malapit sa kanila saka kinuha ang cellphone ko para picturan si Neil na lumelay-up ng bola.
Ang galing talaga ng honeypie ko!
Nanlaki naman ang mga mata ko nang makitang nakatingin sa akin si Denver kaya kaagad kong itinago ang cellphone sa bag ko.
Baka makita pa niya na pinipicturan ko ang kaibigan niya!
Sana talaga kasama ko ngayon dito si Alanis kaso masyado pang maaga kaya wala pa siya. Kawawa nga 'yung friend kong iyon dahil ginagawa siyang sunod-sunuran ni Julian na kahit si Russel ang gusto niya ay si Julian ang naging boyfriend niya. Sana talaga mabura na ang video na iyon para maging maayos na ang lahat.
Aalis na sana ako sa bleachers nang makita kong papalapit na sa pwesto ko sina Neil at Denver habang sila Julian naman at ang iba pa nilang mga kateammates ay naglalaro pa rin.
Napaayos tuloy ako ng sarili ko at kumakabog ang dibdib ko nang makikita ko na naman si Neil nang malapitan.
"Nandito ka pala, Marinel." sabi ni Neil at siniko si Denver na nakayuko at hindi makatingin ng diretso sa akin.
Bakit ayaw niya akong tignan eh kanina nga ay halos titigan na niya ako?
"Ah, Oo." Sagot ko na sa tingin ko ay namumula na ako sa sobrang kilig dahil kay Neil. Ang guwapo talaga niya lalo na kapag sa malapitan!
"Bakit? Pinapanood mo ba kaming maglaro? O, baka pinapanood mo si De-"
Kaagad tinakpan ni Denver ang bibig ni Neil na napansin ko na ginawa rin niya kahapon para hindi na ituloy pa ang sasabihin nito.
"Ang daldal mo talaga, Neilson!" Rinig kong bulong ni Denver kay Neil. Nagpeace sign lang naman si Neil sa kanya.
"Ahm.. Neil, a-ang galing mong magbasketball." Nahihiyang sabi ko na mukhang ikinagulat niya.
Napatingin siya kay Denver na umiwas ng tingin. Bumaling ulit ito sa akin at nginitian ako.
"Salamat, e, si Denver ba magaling rin?" tanong ni Neil.
Dahil namesmerize ako sa mga ngiti ni Neil ay tumango na lang ako habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Uy, Denver ang galing mo rin daw!" Siko ulit ni Neil kay Denver.
Tumango na lang si Denver sa sinabi ni Neil at saka nagpaalam na itong magpapractice na ulit siya. Para ngang nawala siya sa mood sa hindi ko malamang dahilan. Naiwan tuloy kami ni Neil dito sa bleachers na ikinasaya ko pang lalo.
"Sige, Marinel. Magpapractice na ulit kami. Suportahan mo ang team namin sa competition next month, ha?" sabi nito habang nakangiti.
"Okay. G-galingan mo!" Sabi ko naman na pigil pa rin ang kilig ko.
"Oo naman. Ako pa ba? Sige na kailangan ko nang bumalik do'n. Ciao!" Kinindatan pa ako ni Neil at bumalik na sa pagpapractice nila.
Napatili naman ako ng mahina at nagtatatalon-talon. Si Neil honeypie ko ay kinindatan ako?
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.