ALANIS POV
(Nasaan ka? Tell me.)
Sabi nito sa seryosong tono. Kaagad akong kinabahan sa tono ng pananalita niya.
"N-nandito ako ngayon sa ospital. Pinuntahan ko si Julian. Kinausap ko lang siya." Kinakabahan kong sabi.
I heard him chuckle on the other line.
(Woah! I didn't know that my girlfriend went to her blackmailer just to talk some monkey business?) he said sarcastically.Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya. "Ano bang sinasabi mo, Russel? Nagpunta lang ako dito dahil hinahanap ako ni Julian dahil binugbog siya ng isang gang at para linawin na rin sa kanya ang tungkol sa ating dalawa!" Sabi ko.
Hindi ko alam pero ilang araw pa lang ang relasyon namin ni Russel, pakiramdam ko ay sinasakal na niya ako sa mga ginagawa niya.
(Ano namang sinabi niya sa'yo? Na ako ang may pakana kung bakit nabugbog siya? Malamang ay nabugbog siya dahil sa may nakaalitan siyang isang miyembro ng gang at pinagtulungan siyang saktan. You know how war freak he is! Bakit Alanis, naniniwala ka ba sa kanya?!)
Sigaw pa niya sa kabilang linya na mas lalong nagpagulat at nagpakaba sa akin.
"O-of course not! Nagtataka lang ako sa sinabi niya na pinabugbog mo raw siya sa kapatid mo." Sabi ko.
May kapatid ba si Russel? Alam ko na ulila na siya pero hindi ko alam kung may mga kapatid pa ba siya o wala.
(Oo. May kapatid nga ako sa walang kwenta kong ama pero hindi siya miyembro ng isang gang. Sa tingin mo ba ay magagawa ko ang bagay na 'yon kay Julian? Apo siya ng taong tumulong sa akin para makabangon ako sa hirap na pinagdaanan ko simula noong bata pa lang ako tapos ganon ang igaganti ko sa kabutihan ng pamilya nila? Ano, Alanis? Ganon ba iyon?)
Unti-unti na akong napaluha. I know he's mad at me dahil sa nasabi ko. Alam ko naman na hindi niya magagawa ang bagay na 'yon dahil napakabuting tao niya pero kasi.. nagtanong lang naman ako sa kanya.
"I didn't mean that. Sorry..."
He chuckled again. (You don't trust me enough, Alanis. I can't believe this!)
''Hindi naman sa gan-" Then he ended the call.
Napapikit na lang ako at umiling.
Alanis! You choose the wrong words to him. Nasaktan siya sa sinabi mo. Nagalit ang boyfriend mo sa'yo.
Ang tanga ko!
"What's the problem?'' Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Denver lang pala.
"W-Wala. Ihatid mo na lang ako sa YGA.'' Sabi ko nang malungkot.
He look at me seriously. "You know what, Alanis, Julian is my friend since we we're young. He's spoiled brat, kulang sa atensyon at pagmamahal. His parents are always busy to their business out of the country kaya silang dalawa lang ni Chloe ang nag-aalaga sa sarili nila. I know him very much. He's very straightforward but one thing for sure is.. he's not a liar and a pretender. Ah, tara na pala. I'll drive you back in YGA.'' Sabi niya at nauna na itong lumabas ng ospital.
Napaisip ako sa mga sinabi ni Denver. Anong ibig sabihin niya do'n? Na hindi nagsisinungaling sa akin si Julian?
Pero si Russel, siya ang gusto ko kaya dapat ay siya ang paniwalaan ko at tiwala ako na hindi niya gagawin ang bagay na 'yon kay Julian gaya nga ng sinabi niya.
**
"Russel!" Sigaw ko at pilit hinahabol si Russel na naglalakad sa may corridor."Let's talk.. please?'' Sabi ko nang maabutan ko na siya at hinawakan ang isang braso niya.
Humarap naman siya sa akin at nginisian ako. "Ano pa bang dapat natin pag-usapan? Wala kang tiwala sa akin," Sabi nito sa mapait na tono at tumingin sa malayo.
Nagulat na lang ito nang niyakap ko siya. ''I'm really really sorry. Simula ngayon, ikaw lang ang paniniwalaan ko. Sorry na baby.." Natigilan ito sa sinabi ko pero di kalaunan ay niyakap niya rin ako pabalik at hinalikan ang noo ko.
"I'm sorry din. Nagselos lang naman ako dahil pinuntahan mo ng ospital si Julian sabi ni Uste at ayoko lang na wala kang tiwala sa akin." he apologized.
Kumalas naman ako sa yakap niya at hinalikan siya sa labi ng mabilis na ikinagulat at ikinapula ng mukha niya.
''Sa'yo lang ako maniniwala at hindi sa sinasabi ng iba.'' Ngumiti siya at hinila ako papalapit sa kanya at hinalikan. We're now kissing passionately. Pagkatapos nun ay pinagdikit niya ang noo namin.
''Hindi ko talaga alam ang magagawa ko kung mawawala ka sa akin, Alanis..''
Unti-unting natutunaw ang puso ko sa sinasabi ni Russel. This guy will never hurt me on how he loves me. He's possessive and at the same time, very sweet.
''Hinding-hindi ako mawawala sa'yo, Russel..''
''Dapat lang dahil hindi ko hahayaan na mawala ka sa akin at sisiguraduhin ko na sa akin ka lang talaga.''
I smiled again.
---
Happy 5K reads! #129 na siya sa General Fiction. Yehey!
BINABASA MO ANG
The Obsessed Guy Pretender
General FictionRussel Madrid knows in their school that he is a kind, friendly, humble, cheerful, and understanding person but looks can be deceiving. You don't know his real identity. He's dangerous and obsessive as hell.