Obsession #8

34.6K 853 30
                                    

JULIAN'S POV

Kung sinuswerte ka nga naman, nakita ko pa na naghahalikan sa loob ng Gymnasium sina Alanis at Russel kaya ang ginawa ko ay vinideohan ko silang dalawa habang naghahalikan.

Pagkatapos kasi nila kahapon lumabas ng classroom ay nag-excuse ako kunwari kay Ms. Fuentes na mag ccr lang ako at sinundan silang dalawa. Napangisi ako, magandang pang blackmail ito para mapasunod ko si Alanis sa mga gusto ko dahil kapag hindi niya ako sinunod ay ikakalat ko ang video nila sa buong YGA at kahihiyan iyon para sa kanilang dalawa.

Ang isang transferee student ay nakikipaghalikan sa isang nirerespetong Student School President? Ang talino mo talaga Julian!

"Ang mataray na pinsan pala ni Uste my loves ang kinababaliwan mo ngayon, kuya?" tanong ni Chloe.

Mas matanda ako sa kanya ng isang taon kaya kuya ang tawag niya sa akin.

Tumango ako at ininom ang wine na nakalagay sa lamesa.

Tinaasan naman niya ako ng kilay. "Why you seem so happy? May binabalak ka na namang masama, no?" I laughed.

"Kilalang-kilala mo na nga talaga ako, sis. Sabihin na lang nating mapapasunod ko na si Alanis sa lahat ng gusto ko." Naguluhan siya sa sinabi ko pero unti-unti ay mukhang naliliwanagan na siya sa tinutukoy ko.

"You're so evil, kuya." she smirked.

I smiled. "We're both evil, Chloe." She shook her head at itinuloy na niya ang pagbabasa ng magazine niya.

Tignan lang natin Alanis, nagkamali ka na tinanggihan mo ang isang Julian Saavedra.

ALANIS POV

Halos magmadali na ako sa pagpasok sa school. Nalate kasi ako ng gising dahil hindi na naman ako pinatulog ng mga sinabi sa akin ni Russel.

Ang lalakeng iyon! Totoo ba ang sinabi niyang girlfriend na niya ako? At payag ba ako? Eh naghalikan na kasi kami at gusto ko na rin siya pero hindi ba masyadong mabilis na kami na kaagad at walang ligawan na nangyari?

Ano ba itong gulong pinasok mo, Alanis!

Nauna nang pumasok si Uste dahil baka malate raw siya sa sobrang bagal kong kumilos. Bahala siya!

Nang hininto na ng driver namin ang kotse sa harap ng YGA ay kaagad akong bumaba at pumasok na sa loob ng school. Nagkakandumahog na ako sa paglalakad sa hallway dahil 5 minutes na lang ay magsisimula na ang klase ko.

Habang naglalakad ako ay may humarang sa dinaraanan ko at iyon ay si Julian. Himala at hindi niya kasama sina Neil at Denver dahil palaging kapit-tuko iyon sa kanya.

Napahawak ako sa noo ko at pagod na tinignan siya. "Julian, malelate na ako. Padaanin mo na ako, please," Pakiusap ko.

"Paano kung ayaw ko?" Nang-aasar na sagot niya.

Dadaan na ulit ako nang humarang na naman siya.

"Ano bang problema mo sa akin, Julian?" Naiinis kong tanong dahil kanina pa ako nagtitimpi sa kanya.

He just laughed and smirking at me. "Ayos ka rin, Alanis. Kabago-bago mo pa lang dito ay nakikipaghalikan ka na at sa isang Student School President pa."

Halos manlumo ako dahil sa sinabi niya. Nakita niya na naghahalikan kami ni Russel? Hindi ba't nasa loob naman siya ng classroom kahapon nang sinundo ako ni Russel para i-tour sa YGA?

"Ano, Alanis? Natahimik ka yata?" Ngumiti siya at mas lumapit pa sa akin.

Kinuha nito ang cellphone sa bulsa niya at may ipinakita sa akin.

A video na naghahalikan kami ni Russel.

Tuluyan na akong napaiyak at humarap sa kanya.

"Please Julian.. wala na sanang iba pang makaalam pa nito," Pagmamakaawa ko sa kanya at hinawakan ang magkabilang-balikat niya.

Ayoko na pati si Russel ay madamay pa sa kahihiyan na ito.

Ngumiti naman siya sa akin at hinaplos ang mukha ko. "Sige, I won't spread this video in one condition.."

"Ano 'yon?" Naguguluhan ko siyang tinignan.

Tumitig siya sa mga mata ko at bigla niya akong hinalikan na ikinagulat ko. "Be my girlfriend, at lahat ng sasabihin at iuutos ko sayo ay susunduin mo. Ang magkamali ay masisira ang reputasyon ninyo ni Russel sa YGA. Gusto mo ba 'yon?"

Hindi ako makaimik kaagad dahil sa sinabi niya. "H-hindi ko kaya.."

Hindi ko kayang makasama si Julian. Sobra ang pagkamuhi ko sa kanya. Pero kung hindi ko siya susundin ay mawawala ang lahat kay Russel.

Respetado ang tingin sa kanya ng mga estudyante dito sa YGA at kapag nakita nila ang video na iyon ay maaaring magbago ang tingin sa kanya ng mga tao.

"Hindi mo kaya? Oh sige, ikaka-"

Maluha-luha akong tumango at pinipigilan ang paghikbi ko. "P-payag na ako."

Mas lumawak pa lalo ang ngisi niya at kaagad na hinapit ang baywang ko. "Good. Tara na babe, at late na tayo sa klase natin."

Pinunasan ko ang luha ko at parang robot na lang na sumunod kay Julian. Pagdating namin sa klase ay halos lumuwa ang mata ng mga kaklase namin nang makita nila kaming magkasama ni Julian at nakahapit pa ito sa baywang ko.

"Ms. Vien and Mr. Saavedra, late kayong dalawa. May I know why?" Tanong ng adviser namin.

"Sorry Ms. Adame, Alanis have an headache kaya dinala ko muna siya sa clinic." Excuse ni Julian.

Tinignan ako ng adviser namin at akala nga yata nito'y talagang masakit lang ang ulo ko dahil namumula ako at mukhang pagod pa. Ang hindi nito alam ay epekto lang ito ng pag-iyak ko.

"Ms. Vien, okay ka na ba? Gusto mo ba na sa clinic ka na lang muna magpahinga? You look so pale." Concern na sabi ni Ma'am.

"O-okay na po ako, Ms. Adame. Huwag na po kayong mag-alala." Our Adviser nodded at pinapaupo na kami ni Julian sa upuan namin.

Pinaalis ni Julian ang isang kaklase namin na katabi ng upuan niya at doon ako pinapaupo.

I look at Marinel at mukha rin itong naguguluhan sa nangyayari.

"Tabi tayo, babe." Sabi ni Julian na narinig ng mga kaklase naming kanina pa sa amin nakatingin.

"Babe? Sila na ba?"

"Siguro nga. Magkasabay pa silang pumasok e,"

"Bagay naman sina Alanis at Julian, ah?"

"Ang swerte naman ni Alanis!"

"Mas swerte si Julian, ang ganda ng girlfriend."

Ayan ang mga naririnig kong usapan ng mga kaklase ko. Umupo na lang ako sa tabi ni Julian at bumuntong-hininga.

"Langya ka, Julian! parang nung isang araw lang magkagalit kayo tapos ngayon babe na ang tawagan niyo sa isa't-isa. Kayo na ba?" Rinig kong bulong ni Neil na katabi lang ni Julian sa kabilang upuan.

"Kami na nga." sagot ni Julian at tumingin sa akin.

"Woah! Congrats, bro! May ginawa ka na naman sigurong kagaguhan kaya naging kayo. Kilala ko ang halang ng bituka mo. Magpainom ka mamaya, ha?" Natatawang sabi ni Neil.

"Sure." Nakangiting sabi naman ni Julian.

What? I think they are only 17 tapos umiinom na sila?

Ano ba itong napasok ko? Bakit ako napalapit kay Julian? Hindi ako makapaniwalang boyfriend ko na siya ngayon.

I'm sorry, Russel pero sana maintindihan mo na ginagawa ko lang ito para sa'yo. Hindi bale nang ako ang magdusa huwag lang ikaw.

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon