Epilogue

36.1K 690 117
                                    

After 5 years...

ALANIS POV

I smiled and took a deep breath, I'm already here in my home country, The Philippines. It's been 5 years since I was here. Alam ko na marami nang nagbago dito sa Pilipinas. The structures, people, location and persons changed. Sobrang dami nang nagbago sa akin. I'm a fully grown woman at mayroon nang maipagmamalaki.

Nakapagtapos ako ng BS in Interior Design sa Los Angeles at may trabaho na rin ako. I'm already 21 years old at matured na rin hindi katulad noon na cry baby at mahina pa ako. Masaya namang tumira sa amerika dahil marami akong mga nameet na mabubuting kaibigan doon pero iba talaga kung sa kinabisnan mong bansa ka lulugar ulit.

My Kuya Travis is still dealing from his dream job to be a Psychiatrist. Nasabi ko na ba sa inyo na engaged na sila ni Lara? Yes. Kuya Travis courted Lara 3 years ago. Mga bata pa lang kami ay alam kong may pagtingin na si kuya sa bestfriend ko. Tignan mo nga naman, hindi man sila nagkatuluyan nung una ay sila pa rin talaga hanggang sa huli.

Si Uste ay nasa U.K pa rin at may trabaho na ito. He took a Business Administration major in Management dahil sa kanya ipapamana ang kompanya ng mga magulang niya doon. He's the only son kaya sa kanya lahat mapupunta ang mga ari-arian at business ng pamilya niya. Kasama niya sa U.K ang girlfriend niyang si Chloe na kapatid ni Julian. Masaya ako at natutunan nang mahalin ni Uste ang babaeng matagal nang nandiyan para sa kanya.

Si Lara naman ay isa nang Public Elementary Teacher sa Masbate. Paminsan-minsan ay dumadalaw si kuya Travis sa Pilipinas para makasama si Lara tuwing monthsary o anniversary nila. They are now happy at masaya rin ako para sa kanila.

Si Inah ay teacher na rin kasama si Lara. May fiancé nga raw siya na ubod raw ng pagkamanyak na nameet niya noon sa Maynila. Hindi niya alam na ayon pala ang ipagkakasundo sa kanya ng pamilya niya. Sa katarayan ni Inah ay sigurado ako na titiklop kung sino man ang manyak niyang fiancé.

Si Gio naman ay isa nang Engineer. Kahit noon pa man ay ayon na talaga ang pangarap niyang work sa buhay. He confessed before that he loves me pero tinanggihan ko siya. Hindi siya nagdamdam sa sinabi ko at lubos na naiintindihan ako kaya hanggang ngayon ay magkaibigan pa rin kami.

Si Marinel ay nandito na rin sa Pilipinas para umattend sa gaganapin na YG Academy Allumni Ball. Kasama niya siyempre ang kanyang boyfriend na si.. Neil. Yes, si Neil nga ang nakatuluyan niya. Ang akala ko nga ay si Denver ang makakatuluyan niya pero hindi pala. Hindi ko alam kung paano nangyari iyon pero masaya na rin ako para sa kanila.

Si Denver naman ay bigla na lang raw umalis ng Pilipinas nang nagkabalikan sina Marinel at Neil. Hindi ko naman siya masisisi doon dahil baka gusto niyang mag move-on at lumayo muna sa kanila. I feel sorry for Denver dahil alam kong mahal na mahal niya rin si Marinel.

Julian is still my friend. Palagi kaming nagkakausap sa Skype at sinasabi niya palagi na miss na miss na raw niya ako. Isa na rin siyang tagapamahala sa YG Academy bukod sa pagpapatakbo nito ng kompanya ng mga magulang niya.

He still loves me. Gusto ko na siyang mag move-on pero hindi pa raw niya kaya sa ngayon. Apat na taon na pero mahal niya pa rin ako. Nakakakonsensya nga dahil hindi ko siya magawang mahalin pabalik dahil kahit pagbali-baliktarin man ang mundo ay sa iisang lalake pa rin tumitibok ang puso ko.

Kumusta na kaya si Russel? Wala na akong nabalitaan tungkol sa kanya dahil ang sabi nila mama at papa ay inilipat na raw sa ibang Mental Hospital si Russel simula nung magwala siya at muntik nang makasaksak ng isang pasyente sa unang Mental Hospital na pinagdalhan sa kanya na pinuntahan ko noon.

Pagkatapos kong magpaalam sa kanya na aalis na ako ng Pilipinas ay saka niya ginawa ang bagay na iyon. Ano na kaya ang kalagayan niya ngayon? Okay lang kaya siya? Gumaling na ba siya sa sakit niya? Sobrang miss na miss ko na siya at gusto ko na siyang makita balang araw.

The Obsessed Guy PretenderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon