27 - Diary Entry

1.1K 75 22
                                    

Hello.

Hindi naging maganda ang school day ko ngayon :3 Jusko. Nasugod agad ako sa clinic dahil sa sobrang sakit ng ulo ko. Nakalimutan kong magtake ng medicine kanina.

...

"Hyung! Jihoon hyung!" Hindi ko maaninag ang mukha nya pero pamilyar ang boses nya. Si Mingyu.

"Ano po bang nangyari?" Nag-aalalang tanong nya sa nurse. Bigla kasi akong napasigaw habang nagkklase dahil sa sakit ng ulo ko. Hindi ko din alam. Pero napaka sakit nun. Kakaiba kesa sa mga naunang naramdaman ko. "Minggu.."

"Omygod hyung! Ano bang nangyari sayo?!" Nag-aalala padin sya at mukhang natataranta. "Wag ka ngang sumigaw!" Pilit na sabi ko sakanya. Masakit padin ang ulo ko. "H-hindi kasi ako nakapag breakfast kanina kaya siguro ganun" Pagpapaliwanag ko sakanila.

"Mr Lee.."

"Minggu labas ka na muna"

"Hyung naman e! Dito lang ako!"

"Gyu"

"..."

"Please"

"Sge. Pero babalik din agad ako hyung ha?"

".. So Jihoon Lee.. Anong plano mo?" Tanong sakin nung nurse. Sya rin yung nurse sa Hospital na pinagccheck-up'an ko. "Alam mo namang di ka pwedeng mag-aral" dagdag pa nya.

"Bilang na din naman ang mga oras ko. Haha. Bakit hindi ko gamitin yun para sa ikakasaya ko?"

"Alam mo namang may option pa. Di mo kailangang mahirapan ng ganito"

"Walang tutumbas sa mga ala-alang meron ako. Wala. Kahit 'tong buhay ko" Ngumiti lang ako sakanya at nakiusap na hangga't maaari'y walang pwedeng makaalam. Nahirapan pa 'kong pilitin sya pero pumayag naman dahil na din siguro sa awa.

"Andami naman nito?!" Nagulat ako dahil sa dami ng pagkain sa harap ko. "Kainin mo yan hyung! Diba di ka nag-almusal?"

"Ano 'to!? Last feast?! Tawagin mo sila Seungkwan! Ubusin natin 'to" Sabi ko sakanya ngunit hindi nya 'ko pinansin.

"Bahala ka. Ubusin mo yan hyung. Ang mahal ng bili dyan"

"Sinabi ko bang bumili ka ng ganito!?"

"Hindi naman ako—"

"Ako ang bumili nyan" Gulat akong napalingon sa likuran ko. Si Soonyoung.

"Sabi ni Gyu hindi ka nag-almusal kaya kumain ka"

"O-okay na 'ko. Hehe. Thankyou"

"Kumain ka" Ma-otoridad nyang utos. Nilingon ko si Gyu at tinignan ng masama. "Wag kang magalit kay Gyu. Napadaan kasi ako sa Clinic at nagtaka kung bakit nakita ko sya sa labas kaya nasabi nya sakin"

"P-pero andami nito e?"

"Kainin mo lang yan para di na maulit 'to. Sge na. May klase pa 'ko" Sabay alis. Kinain namin ni Mingyu yun kasabay nila Seungkwan. Nga pala, medyo okay okay na si Wonu at Gyu, hindi na sila madalas nagbabarahan sa GC. Samantala, sa loob ng ilang araw ngayon lang ulit ako kinausap ni Soonyoung.

...

-Hoonie
Day74/Tuesday

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon