82 - Pardon me, I'm rude °flshbck

843 53 161
                                    

SOONYOUNG'S

Hindi kami nakapagsabay umuwi ni Jihoon dahil sabi nya may projects daw siya. And worse, pinasabi nya lang kila Junhui at hindi manlang ako hinarap. Badtrip. Sabi pa nila Jisoo hyung, kasama daw yung babae na kasama nya sa garden kanina.

Hindi ko kilala yung babae pero nakita ko talaga sila. Medyo malayo kasi yung lugar nila kaya hindi ko rin makilala kung sino pero medyo pamilyar kaya naman tingin ko ay schoolmate namin or kklase nya yun.

Chill lang ako dito sa bahay. Hindi ko parin tinetext si Jihoon kasi nababadtrip parin ako sakanya. Nagtext sya nung nakauwi na sya pero di ko nireplyan. Nakauwi na agad? Tsk. Project ah. Sakin pa talaga nagsinungaling 😤

Satan Hoon

3 Missed calls

Satan Hoon Calling ..

Call connected

"Bitch. Ba't antagal mong sagutin?"

"..."

"Soon?"

"Ang ganda kasi ng ringtone ko. Ang sarap pakinggan. Everyday boom boom ~"

"..."

"..."

"Oy?"'

"Ano?!"

"Luh?"

"Bakit ba kasi?"

"Busy ka ba? Bakit galit ka?"

"H-hindi ah.."

"Okay. Uhm. Punta ka dito sa bahay. Dala ka na rin pang overnight. Wala kasi sila Eomma. Ako lang mag-isa dito"

"Okay."

"Pupunta ka?"

"Ewan. Ngayon na ba?"

"Maya-maya. May ginagawa pa kasi ako"

"May ginagawa ka? O May ginagawa kayo?"

"Ha?"

"Wala"

"..badtrip ka ata ah?"

"Hindi ah. Sige bye na. Di ako sure kung makakapunta ako"

"..bakit?"

"Tinatamad ak—"

"Tsk! Wag na nga! Si Seungch—"

"Pupunta nga diba?!"

"Hihihi~ Sige wait kita. Dala ka foods"

Call ended

'Tsk'

Inis kong ibinato yung phone ko sa dulo ng sofa na inuupuan ko. "Ano namang dadalhin ko?"

Tamad akong naglakad paakyat sa kwarto ko. Nababadtrip parin ako kay Jihoon hanggang ngayon. Kahit naman may project sya, isinasama nya parin ako sakanila kahit taga buhat man lang ng gamit nya.

"Wala rin naman akong kasama dito sa bahay kasi umalis rin si Eomma kaya siguro okay lang na kila Jihoon ako matulog ngayon"

Ilang oras ang lumipas at magdidilim na. Inayos ko na kanina pa ang mga dadalhin ko kila Jihoon para hindi ako magahol sa oras at di masyadong gabihin. Ipinagluto ko rin sya ng pagkain na hindi pa natutuklasan.

-

*DINGDONG*
*DINGDONG*

"Soon?" Rinig kong sabi nya mula sa pinto. Sumilip naman ako sa gate para makita nya 'ko. Nakangiti syang lumapit sakin at pinagbuksan ako. Gaya ng nakasanayan, humalik sya sa pisngi ko.

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon