88 - End of the fairytale °flshbck

808 48 57
                                    

JIHOON'S

"Tsk. ano ha? Uulit ka pa?"

"Sorry na nga eh" Malambing na sabi nya habang nakanguso pa. Halos isang buwan nang pilay si Soonyoung at pabalik balik kami dito sa hospital para sa daily check-ups nya. Ayaw nyang magpaconfine at tinanggihan ko ring kumuha ng nurse dahil kaya ko naman syang alagaan.

"Okay na daw yang paa mo"

"Thankyou Jihoonie~" Sabi nya sabay halik sa noo ko. "Basta ikaw." Sabi ko bago humalik sa pisngi nya.

2 years na kami ni Soonyoung. 2 years and counting. Masyado pang maaga para sabihin ko 'to pero sana sya na talaga yung makasama ko hanggang dulo. Sabi kasi nila, wag daw akong magsasalita ng tapos dahil marami pa daw darating, marami pa daw kaming makikilala at marami pang pwedeng mangyari na pwedeng magpabago ng lahat. Ts. Kahit wag na silang dumating wag lang mawala si Soonyoung sakin.

Simula nung dumating sya sakin, lahat nagbago. And yeah, he contradicted my idea of forever. I swear to God, I really love this man in front of me. I even can't remember how I got too attached with him. Siguro sa mga yakap nya kung saan nararamdaman kong safe ako. Siguro sa mga halik nya kung saan ramdam kong mahal nya 'ko. Siguro sa mga jokes at kwento nya na nagpapangiti a nagpapatawa sakin. O siguro dahil sya si Kwon Soonyoung at sya mismo ang minahal ko. Yung pagiging kengkoy nya, yung pagiging tanga, yung pagiging masayahin nya. Lahat sakanya ay gusto ko.

Sa loob ng halos limang taon na kilala ko sya, simula sophomore hanggang ngayong 1st year college na kami, masasabi kong ayun na yung pinakamasayang nangyari sa buhay ko. Syempre bukod sa family ko. Masaya kami most of the time dahil naging magkaibigan muna kami, tho tinuring nya akong kaaway noon, mas kilala at kabisado namin ang ugali ng isa't-isa kaya nagkakaintindihan kami. Alam nya yung mga ayaw ko, alam nya yung mga pinagseselosan ko, alam nya yung limits ko. Vise versa. Pero syempre hindi mawawala yung mga arguments. Kagaya nung nangyari last month which is yung dahilan kung bakit sya napilay ng buong buwan.

May mga napadaan kasing lalaki sa tapat ng bahay namin. Nung una nagtatanong lang sya ng direction until nagtanong na sya about sa personal life ko. Hindi ko naman sya ineentertain kahit mukhang matino pa sya. Hanggang sa nagtanong na sya about sa number ko. Hindi ko naman alam na nandun si Soonyoung at narinig nya kaya bigla nyang sinapak yung guy. Unfortunately, after a couple of days, binalikan sya kaya nalumpo sya. Napahuli narin naman yung lalaki.

Medyo nagalit ako kay Soonyoung nun dahil di nya nanaman sinunod yung isa sa mga rule ko. Which is, wag nya hahayaang mapahamak sya. Not that makipagsapakan sya, yung sakin lang, wag syang gagawa ng bagay na alam nyang ikapapahamak nya.

Gustong-gusto ko syang pagalitan at sisihin dahil sa nangyari sakanya pero ayokong dagdagan yung sakit na nararamdaman nya. Matampuhin kasi si Soonyoung at madali syang masaktan sa mabababaw na salita. Hindi ko rin sya matiis kaya kahit naiinis ako sakanya, hindi rin ako pumasok ng isang buwan para alagaan sya. I know na hindi ako exempted sa school pero mas mahalaga si Soonyoung. Quizzes, exams at recitations lang naman ang mawawala sakin sa loob ng isang buwan. Hindi yun makakaapekto sa buong buhay ko. Hindi gaya ni Soonyoung na halos hindi na kumpleto ang araw ko kapag di ko sya nakikita o nakakausap. Uggh clingy.

"Tara na?" Yaya nya. Tatango na sana ako nang maalala ko na sinabihan nga pala ako ni Doc Jin na dumaan muna ako sakanya bago kami umalis.

"A-ah.. wait lang Hosh. Kakausapin pala ako ni Doc Jin. Baka tungkol sa gamot mo. Dito ka nalang muna ah?" Paalam ko sakanya. Tumango naman sya.

"Hintayin kita sa lobby."

-

"Doc?"

"Come in"

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon