1.2K 68 86
                                    

Dalawang taon. Dalawang taon na ang lumipas mula nang lumisan ka. Mula nung iwan mo 'ko. Mula nung baliin mo ang pangako mo. Akala ko ba lalaban ka? Akala ko ba hihintayin mong paibigin muli kita? Jihoon mahal na mahal parin kita. Naghihintay parin ako na bumalik ka kahit alam kong wala nang pag-asa.

Dalawang taon na 'kong nakakulong sa alaala nating dalawa. Araw-araw binabalikan ko yun. Gabi-gabi katabi ko ang mga litrato mo sa pagtulog ko. Ginusto kong wakasan maging ang buhay ko para magkasama na tayo sa kabilang mundo. Pero pinipigilan ako ng mga kaibigan natin. Sinasabi nilang hindi mo raw magugustuhan. Totoo ba yun Jihoon? Pero dapat diba magkasama tayo? Ayaw ba nila 'kong maging masaya? Jihoon kung pagpapakamatay lang magiging daan kayang-kaya kong gawin. Matagal ko nang ginawa. Pero bakit kada gagawin ko may pumipigil sakin. Kung hindi ang mga kaibigan natin, ang sarili ko mismo. Umaasa ako na babalik ka. Na babalikan mo 'ko. May tiwala ako na tutupad ka parin sa mga pangako mo.

Nagkahiwa-hiwalay ang mga kaibigan natin simula nung nawala ka. Napakalaking epekto mo para saaming lahat. Nahirapan rin sila na tanggapin na wala kana. Ilang linggo palang ang lumipas nun at puro na kami problema. Yung dapat na magdamayan e nagkasamaan ng loob. Hindi makausap ng maayos ang lahat. Lahat ay balisa ng may kanya-kanyang dahilan. Pero wag ka nang mag-alala. Okay na rin kami. Si Chan ay babalik na rin. Matapos kang ilibing, umuwi sya ng Seoul para dalhin ang mga gamit mo sa States. Napakasana ng loob ko nun sakanya.

Nakaluhod ako ngayon dito sa puntod mo. Araw-araw nanghihingi ng milagro. Jihoon kelan ka babalik? Kelan mo 'ko susunduin? Gustong-gusto na kitang makasama. Nga pala, nagttrabaho na 'ko sa isang kumpanya. Isa akong choreographer.

"Jihoon.. mahal na mahal kita. Happy Anniversary"

Parang kahapon lang nung nawala ka. Pa'no ba naman kasi sariwa parin ang lahat sa aking alaala. Hindi parin naghihilom ang sugat na idinulot mo. Hindi ka parin nawawala sa puso ko.

Gabi-gabi akong nakakaramdam ng multo. Iyon ay ang mga alaala mo. Hinahaplos nito ang sugat na dulot ng paglisan mo. Sugat na alam kong hindi maghihilom kahit ano pang gawin ko. Nakakarinig ako ng mga bulong. Yun ay yung mga sumpaan natin at pangako. Pinapaalala sakin ang lahat ng dapat ko nang kalimutan. Pero paano? Kung sa bawat segundo, ikaw parin ang aking hinahanap. Ang maganda mong boses, ang mga ngiti mo, ang pagkanta mo, ang mga yakap mo, ang mga halik, ang lahat sayo Jihoon Lee. Gumigising ako na laging basa ang unan ko. Yung litrato natin ay yakap ko parin.

Nalaman ko na kahit gaano pa kahigpit ang hawak ko sayo, tadhana parin talaga ang magddesisyon kung magkakasama ba tayo hanggang sa huli.

Lumipas ang mga oras, kagaya ng lagi kong ginagawa sa araw-araw, nakaluhod lang ako sa harap ng puntod nya. May dalang bulaklak at umiiyak na para bang kahapon lang sya lumisan, na para bang kahapon lang nangyari ang trahedyang naganap. Mas matinding sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil anniversary na dapat namin.

Hindi nagtagal at may naramdaman akong presensya na nasa likod ko. Siguro mga kaibigan ko lang. Lagi kasi nila akong sinusundo kapag gumagabi na.

"Excuse me?"

Boses ng isang lalaki. Hindi ko ito pinansin. Iyak lang ako nang iyak habang nakaluhod parin sa puntod sa harap ko.

"Sino sya?" Tanong nito.

"..."

Narinig ko ang buntong hininga nya at ang paglapit nya. "Dalawang taon na syang wala ah?"

Jihoon Lee
Born: November 22, 1996
Died: February 30, 2015

"Y-yung isip-pin na w-wala n-na sya, h-hindi k-ko par-rin m-matanggap.."

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon