84 - "I'm sorry" °flshbck

823 50 129
                                    

SOONYOUNG'S

"San ba kasi tayo pupunta?"

"Samahan mo ako sa Mcdo. Libre kita" Sagot nya. Napangiti naman ako at sumunod nalang sakanya. Shet libre nanaman.

Ako lang ba yung nakakapansin na nagbabago yung lasa ng pagkain kapag libre? Haha. Sisimutin ko wallet nito.

Nang makapasok kami sa Mcdo, humanap agad ako ng upuan. Medyo maraming bakante kasi maaga pa naman. Nagyaya kasi ako pumuntang mall kasi may bibilhin ako. Napahinto lang kami sa isang branch ng Mcdo habang papunta kami.

"Wait lang Soon ah? C.R lang ako" Paalam nya. Tumango naman ako.

Buti nalang ililibre ako, nagccrave pa naman ako sa sundae.

Lumipas ang ilang minuto at nakabalik na sya. "Ji, gusto ko yung rocky road sunda—"

"Ha?"

"Yung ililibre mo"

"Ah hindi. Sa hepalane kita ililibre. Nagpasama ako kasi mag-ccr ako. Hehe. Tara na?" Sabi nya. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

/hepalane - streetfoods/

Paasa

-

"Ano ba Soon? Kanina mo pa sinusungitan ah?"

"Tsk"

"May gusto ka pa bang bilhin?"

"Wala. Nawalan na 'ko ng gana. Uwi na tayo" Yaya ko sakanya. Napasimangot naman sya.

"Dahil ba 'to sa hindi kita nilibre sa mcdo kanina? o dahil dun sa sales lady na kumausap sakin kasi may bibilhin tayo?" Tanong nya habang kunot na kunot ang noo. Ang cute nya. Hahaha.

"Tsk."

"Nagselos ka sa sales lady? Gago ka ba?"

Pffft— as if.

"Bakit ako magseselos? Parang yun lang"

"Hoy. Wag kang umakto na parang di kita kilala. Tsk. Sorry naman. Ang gwapo ko kasi"

"Pakyu. Wala kang maloloko dito"

"Luh? Purkit gwapo, manloloko na agad? Grabe ka sakin" Sabi nya habang nakangisi. Napakayabang.

"Edi wow"

Naglakad-lakad pa kami para bilhin yung iba ko pang kailangan.

"Oppa!"

"Oppa!"

Rinig naming sigaw nung isang sales lady mula sa isang store. Huminto kami at nung makalapit sya, tumingin sya kay Jihoon at ngumiti. "Eto na po yung contact number ko na hinihingi nyo. Medyo marami kasi akong ginagawa kanina kaya hindi ko agad naibigay" Sabi nya.

Nagkatinginan naman kami ni Jihoon at bahagya pang nanlaki yung mata nya at umiling iling. Sinamaan ko naman sya ng tingin.

"Uuwi na 'ko. Bahala ka!" Sabi ko bago tuluyang umalis. Rinig ko pa yung pagtawag nya sakin. Tsk. Bwisit.

Satan-Hoon Calling ..

Call rejected

Satan-Hoon Calling ..

Call rejected

Satan-Hoon Calling ..

Call rejected

Satan-Hoon Calling ..

Call rejected

In-off ko nalang yung phone ko kasi alam kong di yan titigil kakatawag.

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon