96

814 56 38
                                    

Mga kamag-aral, mga kaibigan, ang kasintahan at ang kanyang mga magulang.. lahat sila ay nasa iisang lugar upang magpaalam sakanilang minamahal na si Jihoon.

Pribado ang naging libing kaya naman hindi ganon karami ang taong pumunta. Kanina pa nagsimula ang seremonya at kasalukuyang nasa parte na kung saan mamamaalam na ang mga malalapit nyang kakilala.

"J-Jihoon hyung.. si Minggu 'to.. m-mamimiss kita h-hyung.. m-mamimiss ko yung m-mga payo mo s-sakin.. m-mamimiss ko yung m-mga kasungitan mo.. m-mamimiss ko yung mga p-pagkakataon na t-tinatawag mo 'kong t-tanga.. yung m-mga pagkakataon na g-gusto mong ipasan kita.. l-lahat mamimiss ko. P-pangako hyung.. hindi k-kita kakalimutan. L-lahat ng bilin at p-pangaral mo, l-lagi kong t-tatandaan. G-gabayan mo k-kami hyung ah? W-wag kang mawawala sa t-tabi namin. Mahal na mahal kita Jihoon hyung.." Pamamaalam ni Mingyu bago nga bitawan ang puting rosas na kanyang hawak-hawak at sinundan pa ito ng ilan nyang kaibigan.

"Jihoon, it's all over now. You no longer have to fight. You were a wonderful man, you were a great friend, and nobody wanted you to go. But I guess every angel out of heaven needs to be returned right? Jihoonie, you may rest in peace. I love you"

"My evil bestfriend.. indeed. L-lagi mo nalang akong s-sinasaktan at p-pinapaiyak. H-hindi naman k-kita ginaganito ah? B-bakit kailangan mong umalis? H-hindi mo alam k-kung gano m-mo sinasaktan s-si Super Cheol ngayon. M-marami akong g-gustong sabihin s-sayo. P-pero hindi ko ata kakayanin k-kapag nagsalita pa 'ko.. Mahal na mahal ka ni Super Cheol, Jihoon. Kung okay lang, l-lagi mo a-akong bisitahin s-sa panaginip ko." Sabi nito bago bitiwan ang isang sulat at isang puting rosas na kanyang hawak.

Lumipas ang oras at nakapagpaalam na ang lahat, pati ang kanyang mga magulang. Si Soonyoung nalang ang natitirang may hawak ng bulaklak. Mabagal syang lumapit sa kabaong na nasa harapan nya. Maga ang mga mata at halos hindi na rin makita kagaya ng sa iba. Patuloy lang ang pag-agos ng kanyang mga luha. Lumuhod sya sa harapan ng hukay at lalong lumakas ang kanyang hikbi.

"J-Jihoon.. Jihoon Lee.. u-unang kita ko p-palang s-sayo, alam kong may kakaiba na. A-alam kong magiging m-malaking parte ka ng b-buhay ko. Haha. I-ikaw na nga h-halos ang buhay ko. N-nung una galit pa 'ko sayo, h-hindi ko matanggap na n-nalalamangan m-mo 'ko sa ibang bagay. P-pero naging magkaibigan parin tayo. M-medyo huli na nung narealize ko na mahal pala kita. S-sa totoo lang, hindi ko ugaling mag-effort. P-pero nang dahil sayo, naranasan ko. I-Iba pala yung feeling kapag p-pinaghirapan mo ang isang b-bagay. At k-kapag nakikita kitang nakangiti o masaya, achievement yun para sakin. Satisfied na satisfied na 'ko. Worth it ang pinaghirapan ko at h-hindi ako magsasawa na ulit ulitin yun.."

"..naging magbestfriend tayo. Ni-minsan hindi sumagi sa isip ko na magiging ganon tayo ka-close. Marami tayong n-nagawa na hindi k-ko alam na magagawa ko kasama ka. N-naalala mo pa ba nung n-nag-iikot tayo sa village? Nagdoorbell ka sa isang bahay ng h-hindi ko alam at bigla kang tumakbo, nagtataka p-pa nga ako kung bakit eh. Hanggang sa h-hinuli ako nung lalaki at kinulong ako sa loob ng g-gate. Ikaw naman, h-hindi mo ako binalikan. Ang sama mo t-talaga.."

"..sa totoo lang, h-hindi ko naisip na magiging tayo. H-hindi ko naisip na mahuhulog pala ako sayo ng ganito kalalim. Sinabi ko sa sarili ko na hindi a-ako magmamahal ng taong m-maraming sinasabi, pero ang mga mata mo a-ay nagsasalita ng higit sa kayang b-bigkasin ng bibig. Sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magmamahal ng t-taong sweet, pero ang ngiti mo ay s-sobra pa sa t-tamis ng p-pinakamatamis na tsokolate. Sinabi ko sa sarili ko na h-hindi ako magmamahal ng taong iiwan ako, p-pero noong umalis ka at n-ngayon wala ka na, m-mahal parin kita at i-ikaw lang ang mamahalin ko.."

"..sana pala h-hindi na kita pinakawalan. S-sana pala nandun ako para palakasin ang loob mo. S-sana pala h-hinawakan kita ng mahigpit nung araw na yon. K-kaso napaselfish ko n-naman diba? M-matinding sakit a-ang pinagdadaanan mo, at n-ngayon ay tapos na. S-sobrang sakit Jihoon. P-pero kung ito l-lang ang p-paraan para m-makapagpahinga ka, p-para m-matapos na ang paghihirap mo, kahit sobrang sakit, tatanggapin ko.. y-you know how much I love you right? A-and all I want for my fairy, my baby, my woozi, my jihoonie is to be happy.."

Tumayo sya mula sa kanyang pwesto at nagsimulang igalaw ang kanyang katawan. Sumayaw sya ng walang musikang tumutugtog. Hindi mabilis, hindi rin ganon kabagal. Sa kabila ng walang lakas at walang buhay nyang katawan, nakakayanan nya parin na gawin ang lahat. Kaya nyang gawin ang lahat basta para kay Jihoon. Sumayaw sya para kay Jihoon.

Hindi naman ito kayang panuorin ng kanyang mga kaibigan dahil nalulungkot lang sila. Ang buong lugar ay nababalot parin ng kalungkutan. Nababalot ng ingay na mula sa hikbi ng bawat taong naroroon.

"Jihoon, mahal na mahal kita"

Lalo pang lumakas ang pag-iyak nila nang marahan nang ibaba ang kabaong patungo sa hukay. Unti-unti, tinabunan ito ng lupa hanggang sa hindi na nila ito makita.

Mabilis na tumakbo ang oras at isa-isa na ring nagsiuwian ang mga tao. Ngunit si Soonyoung, nanatili lang roon sa lugar. Hindi alintana ang sama ng panahon. Sya'y nakahiga sa mismong ibabaw ng hukay at tahimik na umiiyak. Ang kanyang mga magulang, kasama na ang mga magulang ni Jihoon ay pinapauwi na sya ngunit ayaw nya paring lisanin ang lugar.

Hindi ako aalis hangga't hindi ko sya nakikita ..

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon