56

1.1K 62 187
                                    

3RD PERSON'S

"So ganito lang kasimple yung rule—"

"Di na kailangan yan!"

"Staph hyung!"

"Shut up."

"So, pag tumapat sayo yung ulo bote, ikaw yung tatanungin ng kung sino ang matapatan ng nasa dulo nito. Bawal mag pass at please maging honest. Kung ano yung tanong o yung dare, gawin dapat. Ganon lang. WALA MUNANG MAGBOYFRIEND HA?" Pagdidiin ni Seungcheol sa huling salita.

"Hyung wala namang magboyfriend dito" Inosenteng sabi ni Chan. Napangisi naman yung iba habang nakatungin kay Jihoon at Soonyoung. "Hoy! Magkaibigan lang kami" Sabi ni Soonyoung sabay hawak sa bewang ni Jihoon. Agad naman na namula ang nakababata dahil sa ginawa nya. Hindi nalang ito pinansin nung iba at nagkunyaring walang nakita. Nag-umpisa na silang bumilog habang nakaupo sa carpet nila Cheol.

"1...2...3..." At pinaikot na nila ang bote sa gitna. "WHOA!!"

"WHOOO!!"

"WAG MONG BANGGAIN SEOKMIN!!"

"HOY MINGYU WAG KANG MADAYA!"

"HYUNG!! UMUUPO SI JUN SA LIKOD KO!"

"ANG DADAYA NYO!!"

Inihinto ni Wonwoo ang pag-ikot ng bote. "Ano maglalaro pa ba?" Tumahimik naman sila at tumango. Muling pinaikot ang bote at ilang sandali pa ay huminto ito.

"So, Hong Jisoo .. truth or dare?" Tanong ni Seungcheol habang nakangisi. "Truth" Tuwid na sagot nito. Buti pa yung sagot straight.

"Ooohhh.."

"Matapang.. matapang.."

"So kelan mo pa crush si Seokmin?"

"Anong nagustuhan mo kay Seokmin?"

"Anong meron kay Seok na wala ako?"

"Nanonood ka ba ng porn?"

Tanong ni Mingyu, Seungkwan, Jeonghan at Soonyoung ng sabay sabay. "Guys!! Yung rules!!" inis na sabi ni Seungcheol.

"Ako dapat yung magtatanong diba?!"

"So, Hong Jisoo, Alam naman na namin na gusto mo si Seokmin kaya di na namin yun tatanu—"

"Ang drama mo piste ka!" Pagpuputol sakanya ni Minghao kaya naman natawa yung iba. "Kahit yung point lang i-straight mo hyung. Para may straight naman sayo!" Hindi naman ito pinatulan ni Seungcheol at ibinalik kay Jisoo ang atensyon.

"Tsk. Oh sige. Ano pinaka-intimate na nagawa nyo ni Seok?" Tanong nito habang nakangisi. Bigla namang pinagpawisan si Jisoo at Seokmin kaya napangisi na yung iba. Ilang segundo pa ang lumipas at hindi parin sya nakakasagot.

"Ano n—"

"I gave him hickeys. Last night."

Natigilan naman ang lahat habang nagpapalitan tingin kay Jisoo at Seokmin. Napa- 'Ooohhh' nalang sila sa narinig. "Eww guys ah." Sabi ni Seungkwan. "Iikot nyo na!"

Nang paikutin ni Seungcheol ang bote, tumapat ito sakanyang sarili at ang dulo ay nakatapat kay Jihoon. Napangisi naman ang nakababata habang nakatingin sa hyung nya.

"Truth or dare?"

"Truth."

Tumango-tango si Jihoon dahil iba ang inaasahan nyang isasagot nito. "Kung magkakagusto ka sa isa saaming lahat na nandito, kanino?" Hindi naman talaga ayan ang balak ni Jihoon na itanong kaso ayan lang yung pumasok sa isip nya.

Lahat sila ay nakatingin lang ka Seungcheol at naghihintay ng isasagot nito sa tanong. Pagdating kasi sa mga ganitong bagay, si Cheol ang hindi madada sakanila. Pliniplay nya lang ang role nya bilang kuya nilang lahat. Natural na maalaga lalo na pagdating kay Jihoon ngunit wala itong malisya para sakanya. Si Jihoon kasi talaga ang pinaka-close nya sa lahat. No wonder, lagi silang magkasama noon pa. Noong wala pang dumadating na Soonyoung Kwon sakanila. Siguro nga kung wala si Soonyoung baka silang dalawa ang nagkainlove'an kaso para kay Jihoon, hindi talaga sila talo. Isapa may gusto ang kapatid nya kay Seungcheol.

"Ano na Cheol hyung?"

"Osige. Si.."

"Si?"

"Ikaw." Nanlaki ang mata nilang lahat dahil sa sagot nito. Napatayo si Soonyoung sa kinauupuan at biglang lumapit kay Seungcheol sabay hawak nito sa damit. "Hyung wala namang ganyanan!!" Parang bata na sabi nito. Natawa naman yun iba sa tono nya ngunit di parin nawawala ang pagkagulat sa sagot ng nakakatanda sakanila.

"Syempre biro lang. Kapatid ko yan si Jihoon eh." Parang nabunutan naman ng tinik si Soonyoung dahil sa narinig. "So, sino nga? Si Chan?" Atat na tanong ni Jihoon. Ngumiti si Seungcheol kay Chan at sinabing "Parang nakababatang kapatid ko na rin si Chan, kaya hindi ko sya maaaring magustuhan" Sabi nito.

"Ooohhhh.."

"Brotherzoned"

"Sakitt.."

Bilang manhid, hindi nakuha ni Seungcheol ang ibigsabihin nila. "Si Jeonghan. Siya siguro yung maaari kong magustuhan.
Pero baka si Jihoon padin" Sabi nya habang nakangiti kay Han. "Hyun—!!"

"Okay staph." Sabi ni Wonwoo. Pinipigilan kung sakaling ipaliwanag pa ni Seungcheol kung bakit. Si Chan naman ay tahamik lang. Ano bang magagawa nya e may ibang gusto yung gusto nya.

Muli nilang pina-ikot ang bote para maiwasan ang awkwardness. Tumapat naman ito kay Soonyoung. Sa dulo ng bote, naroon nakaupo si Mingyu. Tinignan ni Soonyoung si Mingyu ng nakangisi. Mukhang may gustong iparating ang binata.

'I-dare mo kami ni Jihoon'

"Soonyoung hyung, truth .. or dare?"

"Dare"

Nagkaroon muli ng katahimikan. Si Soonyoung nakangisi habang nakatingin kay Mingyu. Nakukuha naman ni Gyu ang gusto nitong mangyari, tumango naman si Gyu sakanya ng palihim. Nang maglihis ng tingin si Mingyu sa katabi ni Soonyoung na si Jihoon ..

'Baka hampasin ako ni Jihoon hyung ng gitara kapag ginawa ko yung gusto ni Soonyoung hyung. Pero bahala na ..' Sabi nya sa isip nya.

"Soonyoung hyung .. I dare you.." Lalo namang napangisi si Soonyoung ng makitang nakangiti si Mingyu sakanya ng nakakaloko.

'Mukhang alam ko na ang mangyayari.. heheheh. ganyan nga' Sabi ni SOonyoung sa isip nya.

" .. kagatin mo si Jihoon hyung. Sa braso."

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon