94

797 57 56
                                    

"H-hyung nasan si Chan?" Malamig na tanong ni Seokmin. Oo nga pala, hindi sumama si Chan pabalik sa Seoul. May tinutuluyan naman sila sa States kaya pinayagan na rin sya ng magulang nya.

"Nagpaiwan sya" Sagot nito. Kumunot naman ang noo nila. "Hindi nya daw kaya na m-makitang i-ilibing s-si J-Jihoon.." Dagdag nya.

Muling namayani ang katahimikan sakanila. Hindi parin makausap ang iba. "Si Soonyoung?"

"Nasa kwarto nya"

Tumayo si Seungcheol para puntahan si Soonyoung ngunit hindi pa sya nakakahakbang, pinigilan na agad sya. "Kung ako sayo hahayaan ko nalang sya" Malamig at walang buhay parin ang tono ni Seokmin. Animo'y walang ganang makipag-usap kahit na kanino. Malayong malayo sa tipikal na nakilala nya.

"Huh?" Napakunot naman ang noo ni Seungcheol. "Last time na pinuntahan namin sya muntik nya nang saksakin si Jisoo hyung"

Nagulat naman si Seungcheol sa sinabi ng kaibigan. "P-Pano?"

Napahilamos naman si Seokmin at halata ang biglaang pamamasa ng mga mata nya. "H-Hyung.. suko na k-kami sakanya. S-simula nung umuwi sya dito, w-wala na sya s-sa sarili nya. I-ilang beses nya na rin t-tinangkang t-tapusin ang buhay nya. K-kami lang ang p-pumipigil sakanya p-pero everytime na gagawin n-namin yun, k-kami naman yung n-nasasaktan nya" Sabi nito.

"Ano bang akala nya!? S-Sya lang nahihirapan s-sa sitwasyon?! N-nahihirapan rin naman kami! N-nasasaktan rin k-kami! M-maski kami hindi m-matanggap ang n-nangyari k-kay Jihoon hyung!" Nagtaas na sya ng boses sa pagkakataong 'to. Masama na rin ang loob nila kay Soonyoung dahil sa mga pinaggagagawa nito sa sarili nya. Concern lang rin sila sa kaibigan nila dahil alam nila na sya ang pinakanasasaktan sakanilang lahat pero napuno na rin sila hindi dahil sa mas lumalala pang ugali ni Soonyoung, okay isa na rin yon, pero ang pinakadahilan nito ay ang katotohanang hindi sila nakakatulong upang pagaanin kahit papaano ang loob ng binata. Gusto nilang sabihin na magiging okay rin ang lahat, kahit alam nilang hindi.

"Akala nya ba b-babalik sa dati ang l-lahat kapag tinapos n-nya ang buhay ny—"

"Seokmin!"

"Tama na." Pagpigil ni Jisoo sakanya. "Sige Seungcheol. Puntahan mo sya" Sabi nito. Tumango naman si Seungcheol at dali-daling umakyat para pumunta sa kwarto ni Soonyoung. Medyo nakabukas ang pinto kaya naman pumasok na agad sya. At sa pagpasok nya, nakita nya na naroon ang magulang ni Jihoon sa loob habang kinakausap si Soonyoung. Agad rin syang lumabas ng kwarto dahil ayaw nyang makaabala sa tatlo.

Samantala, sa loob ng kwarto ni Soonyoung, kinakausap ng mga magulang ni Jihoon ang binata upang mapagaan ang loob nito. Masakit rin para sakanila ang nangyari pero wala namang magbabago kung masyado silang magpapaapekto diba? Nanghihina rin sila at hindi matanggap ang naganap pero kailangan nilang lakasan ang loob nila para sa mga taong nakapaligid sakanila.

"Soonyoung makinig ka.. hindi lahat ng bagay ay aayon sa gusto natin. Kahit gaano mo pa kamahal o ka-iniingatan ang isang tao, mawawala at mawawala parin sila satin isang araw. Iyon ay tadhana na hindi natin kailanma'y mababago.."

"..gusto ni Jihoon na tatagan mo ang loob mo. Alam nyang kakayanin mo na wala sya. May tiwala sya sayo na makakayanan mo ang lahat ng 'to.."

"H-hindi ko k-kaya.. h-hindi k-ko kaya.."

"Kaya mo Soonyoung. Subukan mo. Nung nawala sya ng isang taon, kinaya mo diba? Ngayon, gawin mo ulit yun. Nandyan ang mga kaibigan mo para sayo. Wag na wag mo silang kakalimutan o itataboy dahil kayo kayo lang rin ang magtutulungan."

"N-nakaya ko y-yun dahil a-alam kong b-babalik s-sya.. d-dahil alam kong b-babalikan n-nya 'ko.. n-nangako sya eh. P-pero ngayon n-na alam k-kong w-wala na 'kong d-dapat pang h-hintayin, p-pano yon? H-hindi ko k-kaya.."

"Soonyoung.."

"E-Eomma.. A-Appa.. m-mahal na m-mahal ko s-si Jihoon. H-hindi ko na m-maimagine a-ang b-buhay ko ngayong w-wala na s-sya.. h-hindi ko kailangan ang i-ibang tao, s-si Jihoon a-ang kailangan k-ko.. N-namimiss k-ko ang l-lahat.."

"Soonyoung, anak, eto lang ang tatandaan mo. Hindi mo kailangan si Jihoon. Sa ngayon, ang kailangan mo ay ang mga kaibigan mo. Sila ang makakatulong sayo para magsimulang muli. Lagi mong tatandaan na ang pinakaimportanteng oras ay ang kasalukuyan, ayos lang na umiyak ka sa ngayon, naiintindihan namin.. hindi namin naipapakita pero kami ang pinakanasasaktan. Anak ko si Jihoon, anak namin sya, pero kinakaya namin. Hangga't maaari, hwag mong balikan ang nakaraan, lalo ka lang masasaktan eh. Nasa kasalukuyan tayo, patay na si Jihoon, sige umiyak ka. Magluksa ka. Pero kapag natapos ito, bumangon ka. Magsimula kang muli. Wag mo hahayaang pabagsakin ka ng mga alaala nyong dalawa.."

"..at ang mga taong dapat mong ingatan at pahalagahan ay yung mga kaibigan mo. Sila ang pinakaimportanteng tao dahil sila ang gagabay sayo. Sila ang magbabantay at susubaybay sayo sa araw araw. Sila yung nandyan para magbigay ng lakas sayo. At ang pinakaimportante mong gagawin ay ang panatilihin sila sa tabi mo. Huwag mong hahayaan na magkawatak watak kayo nang dahil sa pangyayaring 'to. Wag mo silang itataboy nang dahil sa galit mo. Mas mahihirapan ka kung wala sila sa tabi mo. Nasasaktan rin sila Soonyoung, hindi lang ikaw." Sabi ni Mr. Lee.

"Alam mo kung saan galing ang lahat ng yan?"

"Kay Jihoon. Gusto nyang isipin natin lagi na hindi natin hawak ang buhay ng kahit na sino, na hindi natin hawak ang tadhana kaya dapat na nakafocus lang tayo sa kasalukuyang panahon, sa kung sino ang nariyan para sayo at kung ano ang pinakamainam na gawin. Gusto kong sabihin sayo 'to dahil kailangan mong iwan ang nakaraan niyong dalawa."

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon