83

816 51 76
                                    

CHAN'S

"—Naalala mo nung nabubully ka? Si Soonyoung at Seokmin ang nangbubully sayo sabi mo diba? Inaabangan ka nila sa gate o kaya sa cafeteria nung elementary ka palang. Naalala mo pa yun? Lagi ka saking nagsusumbong diba sabi mo kapag lumaki na 'ko at nakita ko sila, babanatan natin sila? Tayong tatlo nila Seungcheol hyung. Sorry Chan kasi hindi lumaki si hyung."

"..."

"Alam mo nung natamaan ako ni Soonyoung ng bola? Nilakasan ko talaga ang pagbato nun para kahit papaano ay maiganti kita. Nung nagtransfer ako sa campus nyo, kilala ko na agad sya. Siya yung sinusumbong mo lagi sakin. Sikat pala sya no? Lagi ko kasing naririnig na pinag-uusapan sya."

"..."

"Alam mo rin na mabilis akong nakilala sa campus, at dahil don, proud ka na hyung mo ako. Nawala yung mga bullies mo diba? Kinaibigan ko rin si Soonyoung nun para tigilan ka nya. Alam kong sinasaktan ka nya pero Chan, sorry kung hindi ko sya magawang saktan"

"..hyung. Ano bang sinasabi mo? Sumikat ka man o hindi, proud ako kasi hyung kita.."

"Chan.. alam mo ang bait-bait nyan ni Soonyoung. Siguro nung mga time na yun napagtripan ka lang talaga nila. Pero mabait talaga sya at masayahin. Pati na rin yan si Seokmin"

"..."

"Si Soonyoung yung tipo ng tao na mahirap hindi'an. Mahihirapan kang ireject sya kasi napakabait nya at masayahin pa, yung tipong ayaw mong nakikitang malungkot sya? Siya yung taong laging nandyan lalo na kapag kailangan mo sya. Pag may pinagdadaanan kang problema, nandyan sya para sumuporta, pagagaanin nya yung loob mo at hangga't kaya nya, tutulong sya. Siya yung tipo ng tao na hindi marunong magluto pero gagawin padin nya para lang mapasaya ka.."

"..."

"..mahilig syang mang-asar pero may time na napaka-pikunin nya. Tapos pag natawa sya, sobrang lakas nya kung humalakhak at minsan nagmmake-face pa. Yun bang gusto mo nalang takpan yung mukha mo o sabihin sa mga dumadaan na di mo sya kilala? Nakakahiya talaga pero masaya parin.."

"..."

"..when he's hurt, jealous or mad, he just cries. It means, matagal nya nang kinikimkim yung galit o sakit na yun. Pero after a minute or two na nailabas nya, okay na ulit sya. Papatawarin ka agad nya. Rason nya, di bale na masaktan sya wag lang yung taong importante sakanya. Kasi daw baka dumating sa point na humaba pa yung gulo o away kaya nagpapakumbaba sya kasi ayaw nyang mawala yung taong yun sakanya.."

"..."

"..he loves doing efforts and surprises. All you have to do is to appreciate them. Pati yung mga maliliit na bagay na ginagawa mo para sakanya ay sobrang thankful na yan. Hindi rin sya mahilig maglong message sa chat or text kasi sinasabi nya yun mismo sa personal. Hindi sya maghihintay sa sagot mo dahil umaasa yan na naintindihan mo ang sinabi nya. Yung pakikinig mo sakanya ay sapat na para mapasaya mo sya.."

"..."

"..kapag nagseselos ka dapat sabihin mo agad sakanya. Mag-ooverthink kasi yan kapag nagtampo ka o naging cold ka sakanya ng hindi nya alam ang dahilan. At kapag nag-ooverthinking sya, umiiyak sya. Madali yan kausap. Kapag sinabi mong ayaw mo sa ganito, sa ganyan.. iiwas sya at ititigil nya yun. Kapag pinalayo mo sya kay ganito, lalayo sya at ipaparamdam nya sayo na wala kang dapat ikaselos kasi ikaw ang mahal nya.."

"..."

"..pag sinabi nya na mahal ka nya, he means it kaya maniwala ka. Puro sya kalokohan pero hindi biro sakanya ang mga salitang binibitawan nya kapag kaharap nya ang mahal nya. Kapag commited na sya sayo, sayo lang talaga sya. Hindi sya kagaya ng ibang tao na lumalandi pa kahit nasa relasyon na.."

"..."

"..malakas ang kapit nya kay Lord at napakabait nya. Lagi nyang sinasabi sakin na hangga't kaya mong tumulong, tumulong ka. Isa na rin sa milyong rason na nagustuhan ko sakanya.."

"..."

"..kapag nagjoke ka, tatawa sya kahit hindi nya nakuha o hindi naman nakakatawa. Support lang kumbaga.."

"..."

"..lagi mo syang kantahan at iparamdam sakanya na mahal na mahal mo sy—"

"..hyung? B-bakit mo sinasabi 'to?"

"..makinig ka. Mahal na mahal ko yung taong yan. Si Soonyoung. Gusto kong kapag nawala ako, alagaan mo sya para sakin. Hindi sa pinauubaya ko sya sayo pero gusto kong tulungan mo sya—"

"Hyung?! Ano bang sinasabi mo?!"

"Chan, mahal na mahal ka rin ni hyung mo. Wag mong papabayaan ang sarili mo ha? Yung mga sinabi ko sayo kanina, tatandaan mo. I know you're growing up and you should learn to be independent. That's why."

"..mahal na mahal rin kita hyung per—"

"And also.. baka hindi ko na kayanin eh. Believe me. Lumaban ako. Pero.. napapagod na rin ako. Kaya kahit anong mangyari, gusto kong tatagan mo ang loob mo. Diba may binigay akong sobre sayo nung nasa America tayo? Yung asul ay para kay Cheol hyung, yung pula ay ibigay mo kay Soonyoung at yung puti ay para kila Eomma, yung natira ay para sayo—"

Call ended

"Ayun lang naman yung pinag-usapan namin ni Jihoonie hyung bago sya nawalan ng malay nung nasa Japan sila." Kwinento ko kay Seungcheol hyung ang napag-usapan namin ni hyung. Tunog namamaalam na sya pero alam ko na lalaban sya.

Naiwan sa korea sila Soonyoung hyung at kaming dalawa lang ni Seungcheol hyung at ng parents ko ang nandito. Eto ang kagustuhan ni Jihoon hyung.

"Sir? Naghahanda na ang mga Doctor sa gagawing operasyon kaya naman kailangan nyo na ring umalis dito sa kwarto" Sabi nung nurse ata yun. Tumango kami at sumunod sa sinabi nya.

Lord, iligtas nyo po si hyung. Hindi nya deserve na mangyari ang lahat ..

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon