95

792 58 44
                                    

Lumipas ang mga oras, nakasettle na ang lahat. Bukas na bukas din ay ililibing na si Jihoon. Ayon ang napag-usapan. Kung nagtataka kayo, hindi talaga ibinurol si Jihoon. Plano kasi nilang pagbalik ng Seoul, ililibing na agad sya.

Sa kalagitnaan ng gabi, lumabas si Soonyoung sa dorm nila. Wala pa syang kain o tulog manlang. Hindi nya na rin nalilinis maski ang katawan nya. Hindi man maayos ang itsura at walang lakas sa katawan, pinilit nya paring lumabas at umalis sa dorm ng hindi napapansin ng iba.

Naglakad sya hanggang sa marating nya ang campus. Syempre naka-lock ang gate nito, pero gumawa parin sya ng paraan para makapasok. Kahit ang ibigsabihin pa nito ay pag-akyat sa isang mataas na gate.

Ligtas syang nakapasok sa campus at agad syang nagtungo sa court. Lugar kung saan sila unang nagkita ni Jihoon. Lugar kung saan nakilala nya si Jihoon. Lugar kung saan una syang nagalit kay Jihoon. Lugar kung saan nya unang naramdaman ang pagtigil ng mundo nya. Lugar kung saan nakita nya ang taong mamahalin nya ng lubusan.

Nakatayo sya mismo sa gitna ng court. Ang buong lugar ay nababalot ng dilim at wala manlang ni isang ilaw ang nagbibigay liwanag maliban sa buwan. Tulala syang nakatingin sa kawalan. Walang buhay ang mga mata maging buong katauhan nya.

Jihoon ..

Nakatingin sya mismo sa kung saan nya unang nakita si Jihoon. Pa'no nya nga ba naman makakalimutan?

Jihoon nandito ako sa lugar kung saan tayo unang nagkita .. kung saan tayo unang nagkausap.

Natatandaan mo pa ba?

Sa ilang minuto nyang pananatili sa pwesto, hindi nya na namalayan ang mga luhang kumakawala sa kanyang mga mata. Mga luha ng paghihinagpis at pagdurusa. Mga luhang simbolo ng pagmamahal at sakit.

Jihoon, anong nangyari? Sabi mo hindi mo 'ko iiwan? Sabi mo hindi ka aalis? Pangalawang beses mo na 'to. Alam mo bang nagsisisi ako? Nagsisisi ako dahil hindi ko inalam ng mas maaga ang dahilan mo. Nagsisisi ako dahil alam kong may pagkukulang ako.

Noong bumalik ka, sana pala alam ko ang ibigsabihin nun. Sabi mo ay para iyon sa ikabubuti mo. Pero ngayong umalis ka nanaman, babalik ka pa ba? Babalikan mo ba ulit ako?

Jihoon pa'no mong nagagawa sakin 'to? Umaasa parin ako na buhay ka kahit wala na 'kong dapat na asahan pa.

Alam mo ba kung nasaan ako ngayon? Narito ako sa lugar kung saan tayo unang nagkaharap. Nakatayo at nakatingin ako sa mismong pwesto mo kung saan unang nagtama ang ating mga mata. Alam mo ba kung ga'no ako ka-nasasaktan ngayon? Wala kang ideya sa sakit na idinulot mo. Dahil kung alam mo, sigurado akong hindi ka aalis. Sigurado akong hindi mo 'ko iiwan.

Sobrang pagod ka na ba talaga? Kung ganon, okay lang ang ginawa mo. Okay lang na bumitaw ka at sumuko ka sa laban na natapatan mo.

Bumagsak sya sa kinatatayuan nya habang patuloy parin ang pag-agos ng mga luha sa kanyang mga mata. Maya-maya pa at tumayo na rin sya. Isang lugar lang ang naiisip nyang puntahan. Ang rooftop. Lugar kung saan sila madalas nag sstar gazing.

Sakabila ng mahihina at walang lakas nyang mga tuhod, naakyat nya ang hagdan at nakarating sa itaas.

Para syang inaasar ng tadhana nang makita nya ang multo ng kanilang mga alaala. Bawat sulok ng lugar ay nagpapaalala sakanya ng mga pinagsamahan nila at mga bagay na kanilang nagawa. Lahat ito ay sabay-sabay na nakikita ng kanyang mga mata. Lahat ay kumikilos at gumagalaw. Animo'y vinideohan ito at sabay sabay na ipinapalabas sa kanyang harapan. Lahat ay parang totoo.

"BAKIT KASI KAILANGANG MANGYARI 'TO!?"

"BAKIT SYA PA ANG KINUHA MO!?"

"BAKIT HINDI NALANG AKO!?"

"BAKIT K-KUNG SINO PA YUNG MAHAL NA MAHAL KO AT NAGSISILBING BUHAY KO ANG INALIS MO!? BAKIT?!"

"GANON BA 'KO KASAMA PARA MAGHIRAP AKO NG GANITO KATINDI?!"

"GANON BA KALAKI ANG KASALANAN KO PARA PARUSAHAN MO 'KO NG GANITO KASAKIT?!"

"NAGING MABUTI NAMAN AKO AH?!"

"SANA PINATAY MO NALANG AKO!"

Biglang lumakas ang hangin sa taas at nanlamig ang paligid nya.

"Soonyoung.."

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon