77 - The strange feeling °flshbck

947 53 84
                                    

SOONYOUNG'S

Ilang buwan matapos kong makilala si Jihoon Lee, lagi na kaming nagkikita. Para naman sa school 'tong ginagawa namin. Hindi ko alam kung paano kaming pinagsama as choreographer e mas magaling si Jihoon sa pagkanta.

Tuwing nag-iisip kami ng mga steps, lagi kaming nagtatalo. Magkaiba ang takbo ng utak naming dalawa. Lagi nyang pinagpipilitan ang gusto nya. Kesyo ganto, kesyo ganyan. Nakakainis. Bida-bida. Kaya mas matagal pa kaming magtalo kesa magpractice.

Napanuod ko na syang sumayaw at oo, naamaze talaga ako sa skills nya. Ilang beses na kaming pinagtapat at talaga namang nahirapan akong talunin sya. Magaling sya sa halos lahat ng bagay pero kahit kelan hindi nya ako matatalo pagdating sa pagsasayaw.

Sa loob ng ilang buwan, nalaman ko rin na matagal na palang magkakilala si Seungcheol hyung at Jihoon. Sya pala ang nagsuggest kay pandak na mag-aral dito sa campus. Magkababata sila at lagi silang nagkikita kapag vacant namin. Yun yung dahilan kung bakit madalang lang naming kasama si Cheol hyung.

Pagod akong umupo sa ilalim ng puno dito sa garden ng campus. Pinapanuod ko lang yung mga elementary na naghahabulan. Ganyang-ganyan kami nila Wonwoo noon kaso madalas nagkakasakitan kami.

"Ang lalim ng iniisip mo ah" Nag-angat ako ng tingin sakanya nang makita kong nasa gilid ko sya. "Para sakin yan?" Tanong ko. Inaabot nya sakin yung isang cola na hawak nya.

"Malamang. Alangan namang ipakita ko lang diba?"

Typical Jihoon Lee. Ang lakas mang-asar. O baka ako lang ang naaasar sakanya? Kasi ka-close nya na agad sila Mingyu eh. Pa'no kasi hindi nya rin pinapatulan yung mga rants at yung panglalait ko sakanya. Okay sige, minsan lang. Masungit kasi sya at medyo cold pero nakakausap naman ng maayos. Playsafe rin sya sa lahat ng bagay at hindi madaling uminit ang ulo pero dipende parin yon sa sitwasyon.

Kinuha ko yung cola na hawak nya at naupo naman sya sa tabi ko. "Anong iniisip mo?" Tanong nya habang nakatingin sakin.

Umiling naman ako. "Wala lang. Hindi na kasi kami nakakapalaro nila Wonwoo ng ganyan"

"Edi maglaro tayo" Napakunot ang noo ko habang nakatingin sakanya. Seryoso ba 'to?

"I'm serious here" Dagdag nya. Ay putcha mind reader. Umiling naman ako sakanya. Pagod ako dahil sa dami ng school works. Wala akong time sa mga ganitong bagay. Tapos mamaya mag-iisip pa 'ko para sa choreography ng sayaw.

"Tara bilis laro tayo"

"Ayoko"

"Ngayon lang ako nagyayaya, Soonyoung"

"Wala akong pa— Aray!" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang bigla nyang ibato sakin yung bote ng cola na iniinom nya kanina sabay takbo papunta sa field. "Taya ka! Dun tayo sa field! Mas maluwag don!" Nang makatayo ako, medyo malayo na ang natakbo ng loko.

Tama nga yung sinabi ko sa sarili ko nung una ko syang makita. 'I will treasure this person' hindi talaga ako nagkamali kasi ang sarap nyang ibaon sa lupa.

"YARI KA SAKIN KAPAG NAHULI KITA!!" Sigaw ko sabay habol sakanya. Natatawa nalang ako kasi parang ang isip bata naming dalawa. Pero siguro okay lang naman 'to. sophomore palang kami.

Hindi naman ganun kalayo ang garden at ang field. Halos magkatabi nga lang eh. Kaya naman agad ko 'tong narating. Malas lang kasi napaka lawak ng field sa campus.

Luminga-linga ako para hanapin sya. Tsk. Siya pinakamaliit na sophomore kaya dapat madali ko lang syang makita. Tumakbo ako dito, doon, at kung saan-saan. Medyo marami ang students na nakatambay at naglalaro sa field. Yung iba pa hinaharangan ako habang tumatakbo, akala nila natutuwa ako. Ganyan kasi sila. Binabangga ako tapos kikiligin after. Noon natutuwa ako, pero ngayon? Naiinis na 'ko.

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon