87

886 53 111
                                    

Kasalukuyang nasa labas ng operating room sina Seungcheol, Chan at ang mga magulang nila. Hindi mawala ang tensyon o ang kaba sa pagitan nila. Ang buong oras ng paghihintay ay nabuo ng pagdarasal. Lahat ay humihiling para sa himala.

Hindi nila maiwasang hindi magpanic dahil sa iba't-ibang ingay na kanilang naririnig sa loob ng kwarto. Animo'y nagmamadali ang lahat sa kanya-kanya nilang ginagawa. Tunog ng mga yapak na paulit-ulit at pabalik-balik.

You did dream. You wanted to fight.
But if you go on, it would be unbearable pain.

"Hyung o-okay lang kung h-hindi mo na kaya" Bulong ni Chan sa kawalan. Kanina pa sila naghihintay para sa resulta ng operasyon pero hanggang ngayon'y wala paring linaw ang lahat. Napalingon sakanya ang mga magulang nya kabilang na rin si Seungcheol. Niyakap sya ng mga ito habang umiiyak.

"W-wag mong i-isipin y-yan. M-malakas s-si J-Jihoon.."

"H-hyung.. hindi m-mo a-alam kung g-gano s-sya nahihirapan d-dahil sa p-pakikipaglaban n-nya sa s-sakit nya.."

"K-kaya sya l-lumalaban dahil g-gusto nya pang m-mabuhay k-kaya dapat nandito t-tayo para s-sumuporta sakanya d-diba?"

Outside lives a man who is fearless and tough,
Yet inside hides a man that is full of pain, who lives in fear, wanting to die.
The calm on his face is ongoing-sin.

Kung ikaw ang nasa sitwasyon nila, mawawala ang isang malapit na tao sa buhay mo. Alam mong lumalaban sya pero alam mo ring nahihirapan na sya. Pipiliin mo bang samahan sya sa paglaban nyang walang kasiguraduhan? O hihilingin na sumuko nalang sya dahil alam mong lalo lang syang magdurusa kapag ipinagpatuloy nya pa?

"Lee Chan, mahal mo ba si Hyung?" Tanong ni Mrs. Lee sa anak. Tumango naman si Chan. "M-may tiwala ka ba kay hyung?" Isa pang tango ang naisagot nya. Ngumiti naman ng bahagya ang Eomma nya sakanya. "M-magtiwala k-ka lang, k-kakayanin nya ang l-lahat" Sabi nito. Ang makita ang iyong anak na nahihirapan ay ang pinakamasakit at pinakamahirap mong masasaksihan kapag ikaw ay naging isang magulang na, yan ang sabi sa Philosophy.

"P-pano akong magtitiwala na k-kakayanin nya pa ang l-lahat k-kung s-sakanya na m-mismo n-nagmula na h-hindi nya na k-kaya? P-pano ako m-maniniwala n-na lumalaban s-sya kung umpisa p-palang, sumuko na sya? H-hindi sya u-miinom ng mga g-gamot nya. A-ayaw nyang m-magpaopera. At n-nagsulat pa s-sya ng pamamaalam nya n-nung nalaman nya na wala nang ibang l-lunas sa sakit nya. Pa'no?!" Hindi nya mapigilan na hindi mapahikbi sa bawat salitang kanyang binibitawan. Hindi sa pagiging negatibo, pero alam nya kasi na wala nang pag-asa. At ayun ang reyalidad. Kung gustong lumaban ni Jihoon, unang-una, hindi sya gumawa ng sulat pamamaalam. Pangalawa, iinomin nya yung mga gamot na nirereseta sakanya. At pangatlo, umpisa palang nagpaopera na sya.

Hindi sapat na dahilan para sakanya ang 'Ayokong mawala ang aking mga alaala' It's a fucking invalid. It's a no no. It's bullshit. It's nonsense. "Kung t-talagang matapang sya, kung talagang lumalaban sya, umpisa palang hinarap nya na yang p-problema nya. Hindi yung g-ganitong tinakbuhan nya, pagsuko ang tawag sa desisyon nya at wala na tayong m-magagawa para mabago yun. Lalo na't sinisingil na sya ng t-tadhanang tinakasan nya. Kung lumaban lang sya, edi sana wala tayo sa ganitong sitwasyon ngayon" Dagdag pa ni Chan. Bigla namang bumalik sa alaala ni Seungcheol ang mga nakasulat sa liham ni Jihoon sakanya.

-

Seungcheol hyung,

Hello hyung. Hello sa pinaka-magilagid kong kakilala. Haha. Hyung kamusta? Ilang linggo palang akong nawala pero parang antagal na nating hindi nagkikita. Hyung kahit napakapangit mo at nakakaumay ang mukha mo, namimiss na kita. Haha.

Ikaw yung unang kaibigan ko. Ikaw yung bestfriend ko. Ikaw yung tinuring kong tunay na kapatid ko. Kahit sinasabi kong bad influence ka, alam mo bang iniidolo kita? Napaka-caring, napakabait, napakamasayahin, napakapositive, napakasupportive.. nasayo na ang lahat. Sobra sobra pa nga. Haha. Marami akong natutunan sayo. Natutunan kong maging positive lang palagi. Natutunan kong dapat maging masaya ka anytime dahil bilang lang ang ating oras.

Alam kong nagtatampo ka ngayon dahil umalis ako ng walang salita, pero alam kong hindi mo kayang magtanim ng galit sa'kin. Mahal mo ako diba? :) Salamat sa lahat hyung. Sa pag-aalaga, sa pangangaral, sa pagsuporta at pagsama sakin sa lahat ng bagay. Napakasaya ko dahil kaibigan kita at hindi ko 'yon pinagsisisihan. Salamat dahil natiis mo ang ugali ko. Salamat dahil minahal mo 'ko bilang isang tunay na kapatid mo. Salamat dahil ipinaramdam mo na mahalaga ako para sayo.

Hyung sorry ah? Sorry dahil napakasama ko pagdating sayo. Sorry kung hindi ko pinapakita na naaappreciate ko ang mga ginagawa mo. Yung mga birthday gifts mo na akala mo'y tinatapon ko, nasa drawer ko pa. Tignan mo pa. Haha! Bakit ko itatapon yun e nagmula yun sa effort ng Hyung ko? Sorry sa lahat ng nagawa ko sayo hyung ah. Sorry rin dahil mas cute ako sayo. Hehe.

Kung binabasa mo 'to, malamang wala na 'ko. Hyung bakit ganun? Bakit ako? Bakit sakin pa 'to napunta? Hyung ang sakit. Nahihirapan na 'ko. Hyung hindi ko na kaya. Lagi kong sinasabi sainyo na hindi ko kayo iiwan, hindi ako aalis, pero hindi ko na alam kung matutupad ko pa ba yung pangakong yun. Kung hindi man, patawarin nyo 'ko. Patawarin nyo 'ko dahil talkshit ako. Pero hyung, gusto kong malaman nyo na ang makasama kayo ay ang pinakamasayang parte ng buhay ko. Ang makilala kayo at mabuo ang circle of friends natin ay isang napakalaking bagay para saakin. Oo hyung mas malaki pa sa height ko. Pero, bantayan mo sila hyung ah? Yung mga kaibigan natin. Lalo na yung kapatid kong si Chan. Wag mo syang papabayaan kundi, mumultuhin kita. Haha.

Ingat ka rin palagi hyung. Yung taong mamahalin mo, napakaswerte nya sayo. Sana hindi ka magkamali sa pagpili. Malay mo nasa tabi-tabi lang sya :) Iloveyou hyung. Hanggang sa muli.

Your evil bestfriend,
Jihoonie

-

Napahinto sila nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto kung saan inooperahan si Jihoon.

Nakita nila na pawis na pawis ang Doctor at parang hindi ito makatingin sakanila ng diretso. Sa itsura palang, hindi nya na kailangang magsalita para sabihin ang nangyari. Sa awra palang na bumalot sakanila, hindi na nila kailangang tanungin kung kamusta ang operasyon na naganap. Mas malinaw pa sa kulay ni Mingyu ang lahat.

"We tried our best"

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon