33 - Diary Entry

1K 77 7
                                    

Hello.

"'Still I thank you for everything
And it's your love I'll be forever missing
And now that I have to go
Remember what we had was never a show

I love you dear and so I fear
You'll be miserable if I am near
I gave you time and now I can see
The best I can give you is freedom from me

Goodbye, my love, and be happy
I'll be fine, you have nothing to worry
Take his hand and you'll see
That I was never your destiny'"

Ayan yung isinali ko sa contest kanina. Syempre para kay Soonyoung yan. Tsk. Speaking of Soonyoung, di sya pumapasok. Pangatlong araw na. Halos di na rin sya umuuwi sa dorm. Umuuwi lang sya pag maliligo tapos aalis daw ulit.

Naging cold na sya saming lahat. Lalo na sakin. Alam ko namang cold sya pero halos hindi nya na 'ko tignan ngayon. Tapos inis lagi sya kapag tinatanong. Muntik pa silang mag-away ni Seungcheol hyung kanina. Hindi na namin sya maintindihan, Diary.

Hindi ko inaaasahan na ganito ang magging trato nya sakin sa pagbalik ko. Konting panahon nalang ang meron ako at hindi ko alam kung panong pasasayahin ang sarili ko. Hindi sa hindi ako masaya sakanila, iba lang kasi si Soonyoung. Syempre si Chan ay kapatid ko at Seungcheol hyung ay bestfriend at parang kuya ko, pero alam mo yun? Iba sa pakiramdam pag si Soonyoung yung makakasama mo. Hindi sa mahal ko si Soonyoung, mahal ko naman silang lahat e. Naiiba lang talaga dahil mahal na mahal ko sya.

Kaya hindi ko pinili ang magpagamot dahil sakanila, sakanya. Yung mga alaala ko kasama sila, hinding-hindi mapapalitan. Oo pwedeng gumawa ng panibago pero iba padin ang hindi plinano. Tsaka, ipinangako ko sa sarili kong sya lang ang mamahalin ko hanggang sa mamatay ako. Ngayon ko yun tutuparin. Haha.

Ayokong magising na isang araw ay wala na 'kong nararamdaman pa para sakanya. Tapos magkakagusto na 'ko sa kung kani-kanino?!?! Kay Seungcheol ba? Kay Mingyu? Ay wag. Sasapakin ako ni Wonu. O kaya kay Jisoo hyung nalang tutal magkaka Soonseok na *nagsuka*. Huehue. Di ako makapili! Omg! Di ko maimagine! Kagaya sa binabasa kong story na 'Amnesia-Verkwan' ship ko pa naman sila 😑 Kaso naiinis na talaga ako kay Pakwan. Hays. Ayokong maging parte nalang ang 'kami' ng nakaraan.

-Hoonie
Day71/Friday

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon