64

1K 64 88
                                    

SOONYOUNG'S

Kanina pa ako di mapakali dito sa kinauupuan ko. Ako lang naman mag-isa sa bahay ng bebeji ko. Umalis kasi sandali sila Eomma at Appa, si Jihoon ko naman ay on the way palang papunta dito.

"Sana magustuhan nya yung surpresa ko sakanya" Pang-ilang ulit ko nang sabi sa aking sarili. Dadalhin ko si Jihoon sa Japan. Tatlong araw lang naman kami dun dahil by next week kailangan nya ng pahinga para sa operasyon na gagawin sakanya sa America.

Ilang oras pa ang lumipas at wala talaga akong magawa kaya naman nakaisip ako ng isang napaka gandang ideya. Tutal kakatext lang ni Jihoon ko na malapit na sya. Hehehehe.

Di naman sa pakialamero ako, pumunta ako sa kwarto nila Eomma at naghanap ng dress dun na kakasya sakin. Hihihi. Lalandiin ko si Jihoon ko mamaya.

"Alin kaya bagay sakin dito.."

"Yung blue ba?"

"O itong red.."

"Pero parang mas maganda yung green.."

"..."

"..."

"Sige itong black na nga lang. Hehehehe"

"..."

"..."

"..wow bakit andaming wig. Hahahahaha shet"

"..."

"..."

"..san kaya nilalagay ni Eomma yung make-up kit nya?"

"..."

"Huli kaaa."

"..."

"..."

Ilang sandali pa ang lumipas at ayos na ang itsura ko. Hindi ako komportable sa suot kong dress. Una sa lahat backless ito, hindi naman sya ganun kaiksi pero dahil matangkad ako, maiksi 'tong tignan sakin. Mainit rin sa mukha yung make-up na nilagay ko idagdag mo pa yung wig na hanggang balikan ko.

/Imagine'nin nyo nalang. Hahaha. Dyan naman tayo magaling eh. Mag-imagine/

Tumayo ako upang tignang muli ang akin sarili sa salamin.

"Kung naging babae lang ako siguro ako na pinaka maganda sa buong mundo. Omygoshhhh"

"Hmmm.. Ang ganda mo Soonrelle ah"

/Hehehehe ( ͡° ͜ʖ ͡°)/

"Female name ko yon. Hihihi"

"Shet. Baka mahalin ko nalang sarili ko pag nagkataon"

"Ay joke lang. Siguro naging straight si Jihoon ku—"

*DINGDONG*

"SOONYOUNG~?"

*DINGDONG*

"EOMMA? APPA?"

"SOONYOUNGIE?"

"Omg nandyan na ang future ko. Hihihi"

Agad akong lumabas ng kwarto at nagtago sa likod ng pinto. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Jihoon na pumasok nalang dahil naliligo pa 'ko.

Narinig ko naman ang pagbukas ng gate at sumunod ang tunog ng mga yapak at maletang kanyang hila-hila

"Soon— Uhm excuse me?" Nagitla ako nang makitang nakapasok na agad sya. At punyeta, nasa harap ko na. Nakakunot ang mga noo nya at sinusuri ang kagandahan ko mula ulo hanggang paa.

"Hello fogi hihihihi" Pilit kong iniba ang boses ko gaya ng isang babae.

"A-ano ba yang ginagawa mo?" Sabi nya. Bigla syang namula at parang nagpipigil ng tawa.

"Wala fo si soonyoung. Naliligo fa." Sabi ko at lumapit sakanya para haplusin ang leeg nya pabababa sa dibdib nya para akitin sya. Magtatampo talaga ako ng sobra kapag bumigay sya. Kumunot naman ang noo nya at pinalo ang kamay ko.

"Mukhang pagod ka sir, gusto mo ba ng masahe?"

Hindi parin sya sumasagot at bigla nya nalang hinawakan ang magkabilang pisngi ko gamit ang isang kamay, iginalaw nya ito pakaliwa at pakanan. Omg hahalikan nya kaya ako?

"Sir—"

"Ayoko sayo. Kamukha mo si Soonyoung."

Natigilan naman ako at napanguso habang nakasimangot. "So ayaw mo sakin ganon?"

"Soonyoung?"

"Tsk" Sabi ko sabay talikod sakanya.

"HAHAHAHAHA!!!"

"HAHAHAHAHAHA T-TANGINA! HAHAHAHAHA" Rinig kong tawa nya. Naramdaman ko naman na nag-init ang buong mukha ko dahil sa kahihiyan at nagmadali nalang akong lumakad para makaakyat sa kwarto.

"S-SOON— HAHAHAHAHA!!"

Tsk. Tinawanan nya lang ako?! Ang ganda ko kaya! Inis kong tinanggal yung wig na suot ko. Hanggang dito naririnig ko parin yung tawa nya. Kumuha ako ng tissue para naman tanggalin yung make up na inilagay ko.

Habang ginagawa ko ito, bigla namang bumukas ang pinto. Nakaharap parin ako sa salamin habang nakaupo nang nakita kong pumasok si Jihoon. Nang makita nya 'ko na nakasimangot sakanya, ngumiti sya sakin sa salamin. Hindi ko nalang ito pinansin at pinagpatuloy lang ang ginagawa.

"Soonyoung" Pagtawag nya habang nakatayo sa likod ko. Ipinatong nya ang mga kamay nya sa balikat ko at yumuko sya upang halikan ang noo ko.

"Iloveyou Soon."

"Tsk. Iloveyou too"

"Bakit ka naka ganyan?"

"Wala"

"Awww. My baby's frowning. Why is that?"

"Hoy anong baby. Ikaw ang baby ko! I'm your daddy you know?"

"Says the one who's wearing a dress. A backless dress."

"Tsk. Surprise kasi yon! Pero grabe naman yung sinagot mo diba?!"

"You know that I'm kidding right? Goddamn it Soonyoung, you don't know how much I love you"

"Kanina ka pa nag eenglish ah! Iloveyoutoo hihi" Nagkatinginan kami habang nakaharap parin sa salamin. Muli nyang iniyuko ang ulo nya para naman halikan ako. Ramdam ko ang paggalaw ng mga labi nya kaya naman ginantihan ko ito.

Hindi rin ito nagtagal at tumigil sya. nakatingin sya sa mga mata ko sabay ngumiti. Yung ngiti na nakakapagpa-ibig sakin ng paulit-ulit. Yung ngiti na nagpapawala sa pagod at sama ng loob ko. Yung napaka gandang ngiti na si Lee Jihoon lang ang mayroon. Yung ngiti ng taong mahal na mahal ko.

Umayos sya ng tayo at tumayo rin ako para harapin sya. Inayos ko ang buhok nya kahit maayos pa ito, ang mga kamay nya ay ipinulupot nya sa leeg ko kasabay ng pagpulupot ko rin ng mga braso ko sa bewang nya. Yumuko ako at pinagdikit ko ang aming mga noo, nakita ko namang pumikit sya. Pilit kong pinipigilan ang aking sarili na halikan sya habang pinagmamasdan ko ang napakaperpekto nyang anyo.

Anong ginawa mo sakin at nahulog ako sayo ng ganito kalalim? Hindi ko magawang tumingin sa iba dahil mahal na mahal kita. Alam mo ba yun? Anong meron ka Jihoon Lee at nagagawa mong pasunurin nalang ako sa lahat ng gusto mong mangyari? Anong meron ka at hindi ko magawang tiisin ka? At anong klaseng tao ka bakit napaka perpekto mo para sakin ha? The world saw you as beautiful. But I, I saw you as the reason why the world was beautiful.

"Jihoon.."

"Hmm?"

"Pakasal na tayo"

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon