76 - The day we met °flshbck

1K 58 114
                                    

SOONYOUNG'S

"Junhui ipasok mo na!"

"Go Jun!!"

Kasalukuyan kaming naglalaro ng basketball sa court. Pustahan 'tong ginagawa namin kaya medyo seryoso. 1 week na libreng pagkain lol

Nagffreethrow kasi si Junhui na kakampi ko bale 5v5 kasi 'to. Si Jun, Jeonghan, Wonwoo, Seungcheol at Ako ang magkakaakampi sa kabila naman sina Minghao, Jisoo, Mingyu, Seungkwan at Seokmin. Si Vernon ang taga-score. Lagi namin 'tong nilalaro kapag vacant namin ngayon lang talaga nagkaroon ng pustahan.

Matagal na kaming magkakaibigan. Maging ang parents namin ay magkakakilala din. Hindi man kami magkakasing edad, hindi yun hadlang para hindi makarelate ang isa sa lahat. Nagkakapikunan man, nagkakasundo parin sa huli. Never kaming nagkaroon ng matinding pinagtalunan. Isapa, open kaming lahat at alam namin sa sarili namin na hindi kami straight.

"Shoot!"

"Ay pfft—"

"Hala.."

Nang naipasok ang bola, lumapit ako sa gitna para apiran si Jun. Ganon naman talaga sa basketball eh. Ngunit hindi ko inaasahan ay yung biglang may tumamang kung ano sa ulo ko. Masakit yun at solid talaga ang pagkakabato. Inis akong humarap sa pinanggalingan nun at nakita ko ang isang elementary student na ang sama kung makatitig sakin.

At sa oras na ito, agad na huminto ang paligid ko. Parang wala akong makita kundi sya lang at kaming dalawa lang ang nasa court. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan.

Umiling-ilang ako sa naiisip ko at sinamaan ko rin sya ng tingin dahil ang lakas talaga ng pagkakabato nya. Unang beses yun na may nangganun sakin lalo na't hindi ko alam ang dahilan nya.

"Hindi na bola ang susunod natatama dyan sa ulo mo" Malamig na sabi nya. Nakita ko naman na nakahinto rin ang mga kaibigan ko at nakatitig lang sakanya. Cool na cool lang syang nakatayo sa ilalim ng ring habang hawak strap ng case ng gitara na nasa likod nya.

"Hah. Excuse me? Hindi ako yung nakatama ng bola sayo. Ee kung sayo ko kaya ihampas yang gitara mo?"

"Kaya mo?" Hamon nya. Inilabas nya sa case yung gitara at umaktong iniaabot sakin. Napakayabang ng batang 'to.

"Gago ka ah? Umalis ka na nga. Pasalamat ka mahaba yung ano ko. Pasensya" Sabi ko sakanya. Kahit naman naiinis na 'ko, may respeto parin ako sa mga mas bata sakin. Lalo na yun. Elementary palang tsk.

"Tsk. Ang sakit tangina" Sabi ko kila Jun. "Ang lakas ng pagkakabato ni Jihoon sayo"

"Jihoon?"

"Si Jihoon yon. Yung transferee?"

Si Jihoon Lee. Sa tagal ko nang nag-aaral dito sa campus (since elementary hanggang ngayong 2nd year highschool) ngayon lang ako nakarinig ng ibang hinahanggan bukod sakin. Isa kasi ako sa mga sikat dito sa campus. Hindi naman sa pagmamayabang mga tols, magaling kasi akong sumayaw at ako ang panlaban ng campus sa mga dance competition sa iba't ibang lugar. Marunong rin akong kumanta dahil ang sarap daw pakinggang ng boses ko. Kung sa talino, model student ako every year at hindi ako nawawala sa ranking ng batch namin. Aware din naman ako na gwapo ako kahit wala akong mata. Ayan ang mga dahilan kaya nakukuha ko ang atensyon na gusto ko.

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon