80 - The one I had no intention of loving °flshbck

887 51 255
                                    

SOONYOUNG'S

"Jihoon? San dito bagay sakin?"

"Tsk. Bahala ka. Panget ka parin naman kahit anong isuot mo" Sagot nya. Hindi manlang tinignan yung mga damit na hawak ko. Kasalukuyan nga pala kaming nandito sa kwarto ko.

Matapos ang ilang buwan, 3rd year na kami, naging sobrang close na talaga kami ni Jihoon. Para bang matagal na kaming magkakilala. Putcha nagulat nalang ako kasi nagbago bigla ugali nya, not that ang sama nya pala or nadisappoint ako sakanya, bigla nalang kasi sya naging savage.

Sabi ni Seungcheol hyung, ganun daw si Jihoon dahil komportable na sya sakin. Which is ikinatuwa ko naman. Pero ngayon nasasanay na rin ako sa pagiging brutal nya, not just physically but also mentally and emotionally. Pero alam ko namang hindi nya mini-mean yung mga yon. Kahit yung mga kaibigan namin, nasanay na rin siguro sakanya.

Saaming lahat, kami ata ni Jihoon ang pinaka-close. Dinaig nya na si Seokmin sa dalas naming magkasama at dinaig ko na rin si Seungcheol sa parehong dahilan.

Hindi ko alam kung kelan pa 'ko naging self-conscious pero naging ganun na 'ko nung nakilala ko sya. Gusto ko lagi akong maayos at presentable tignan pag kaharap sya.

Pumasok ako sa CR para makapagpalit na ng damit. Chill lang naman si Jihoon sa sofa. Feel at home sya eh.

"Shet. Minsan nalang ako makakita ng gwapo.." Rinig kong sabi nya, palabas palang ako sa banyo. With my signiture no-eyes smile.

"..sa salamin pa. Tsk tsk tsk"

Puta. Akala ko pupuriin ako. Yan. Ganyan na ganyan sya. Pero okay lang. Natutuwa ako sakanya. Atleast hindi ko rin kailangang magpanggap sa harap nya.

"Hoy pandak tara na"

"San ba kasi tayo pupunta? Alam mo bang hindi ako nagpaalam kila Eomma?"

"Di naman tayo gagabihin"

Nauna na 'kong lumabas ng kwarto at sumunod rin naman sya. "Ma! Alis na kame"

"Okay baby. Hihi~ Hello Jihoon"

"Hello po tita" Sabi nya. Madali silang naging close ni Eomma kasi approachable naman si Eomma at tuwang tuwa rin sya nung una nya palang na nakita si Jihoon. Ewan ko kung bakit.

"Ingat kayo ah"

"Sige bye na po Ma!"

"Bye po Tita"

"Soonyoung anak? Gusto ko nang makilala yung boyfriend, este, girlfriend mo." Biglang sabi ni Eomma bago pa kami makalabas. Aware rin sya sa asexual preference ko. Nilingon ko naman sya at nakangisi sya. Ang cool nya diba? Haha. "Gusto ko na rin syang makikila Ma" Sagot ko. Bahagya syang natawa at nginuso si Jihoon na nasa pinto na. Umiling naman ako sakanya tsaka umalis na.

-

Nag-iikot ikot lang kami sa amusement park sa pagkakataong 'to. Sabi nya bawal syang gabihin pero sya pa nag suggest na mamayang gabi na kami sumakay sa rides para daw magandang tignan yung paligid mula sa taas.

"Ice cream?"

"Saan?"

"Ayun! Paunahan! Mahuli manlilibre"

At dun sya nag-umpisang tumakbo ng mabilis. Sa iksi ng mga binti mo tingin mo mauunahan mo 'ko? Haha. Binilisan ko naman ang pagtakbo ko para maabutan ang madayang bata na yon.

Bumalik bigla sa alaala ko nung naghabulan kami sa field. Kung saan una ko syang nakasama at nakausap ng maayos. Yung araw na nagpabago sa takbo ng utak ko at pati narin sa sarili ko.

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon