71

913 53 10
                                    

"Goodmorning~" Bati ni Soonyoung nang makita nyang magmulat ang mga mata ni Jihoon. Kanina pa sya gising pero pinanuod nya si Jihoon na matulog at hindi manlang sya bumangon.

Hinalikan nya si Jihoon sa noo at niyakap ito. Tipikal na Soonyoung right? "Inaatok pa 'ko~" Sabi ni Jihoon.

"Sige. Idlip ka muna. Mag-oopen lang ako sa GC"

"Wag na. Walang kwenta yan"

"Maidlip kana~"

"Pakisabi na sunduin tayo bukas kung hindi yari sakin si Mingyu"

-

"Psh. Bangon ka na baby. Gagala tayooo~"

Nahiga lang si Jihoon habang nakatingin sa kisame ng kwarto. Kung ano ang iniisip nya, hindi ko rin alam. Bigla syang bumangon at hinalikan si Soonyoung na sya namang ikanagulat nung isa. Pero agad rin syang kumalas para pumunta sa banyo. Sa kasamaang palad, natalisod sya sa paa ni Soonyoung kaya nahulog sya sa kama pero ang ikinagulat ni Soonyoung ay nung nagdere-deretso lang ito at parang hindi pinansin yung nangyari.

-

"BEBEJI SALO!!"

"PUTA—"

"HAHAHAHAHAH!!"

"TANGINA MO K—"

"HAHAHAHA!"

"Ayoko na!"

"Aysh! KJ!"

"Heh!"

"BEBE—"

"HAHAHAHA! HEADSHOT!"

"ANONG HEADSHOT? SA BALIKAT MO LANG AKO NATAMAAN!"

"EDI—"

"YAN YUNG HEADSHOT! HAHAHAHA!"

"Gago ka talaga"

"PARANG DI KA NAMAN NASASAKTAN. LARO LANG TAYO!"

"So hihintayin mo pa 'kong masaktan ganon?!"

"Hindi sa ganun! Hahaha"

"Tara na kasii!!"

"Sige na nga" Lumapit si Soonyoung kay Jihoon, as usual, ipinulupot nito ang mga braso sa balikat ng nakababata. Si Jihoon naman ay nakahawak lang sa bewang nya. Nagbabatuhan sila ng snowballs okay.

"Alalayan mo 'ko. Hindi ko kabisado 'to" Sabi ni Jihoon. "Basta sumunod ka lang sakin"

"Nah. Ang gusto ko alalayan mo 'ko"

"Oo na. Ang clingy mo Jihoonie ah"

"Tsk."

"San mo gustong pumunta?"

"May coffee shop ba dito? Nilalamig kas—"

"Jusko ka Jihoon. Ayan oh? Nasa harap lang natin yung coffee shop!"

"Ay sorry naman Tsk"

Kagaya ng sinabi ni Jihoon kanina, inalalayan ni Soonyoung si Jihoon papasok sa coffee shop. Mukha na ngang koala si Jihoon dahil sa higpit ng pagkapit nito kay Soonyoung. "Sige na bebe. Hanap ka ng upuan natin"

"I-ikaw na lang"

"Ikaw na bibili?"

"G-gusto ko ikaw na maghanap"

"Hala sya.."

"Please" Sabi ni Jihoon. Sumunod nalang si Soonyoung. Hinanap nya sila ng upuan at iniwan nya don si Jihoon. Pumunta na sya sa counter habang umoorder ng kakainin nilang dalawa.

Si Jihoon naman ay nakayuko lang sa table nya. Nilalaro nya yung mga daliri nya sa lamesa, gumagawa ng beat.

Lumipas ang ilang minuto. Nakayuko lang si Jihoon nang marinig nyang tawagin sya ni Soonyoung. "Ji? Tulungan mo naman ako" Sabi nito.

Tumayo naman si Jihoon para puntahan sya sa counter. "Ikaw na magdala nung mga coffee."

Tumango lang sya kay Soonyoung. Nang makalapit sya sa counter, iniabot naman sakanya nung babae yung tray kung saan nakalagay yung coffee nila. Dahan-dahan lang syang naglalakad pabalik.

"Ang tagal mo— OMYGOD"

Inagaw agad ni Soonyoung yung tray kay Jihoon dahil natapon yung isang kape sa tray. Agad nya 'tong inilapag sa lamesa at kinuha yung panyo sa bag nya.

"Masakit ba?"

"Tsk. Hindi ka nag-iingat"

"Ha?" Tanong ni Jihoon. "Natapon yung kape! Tsk"

"A-ah.."

"Manhid ka ba? Parang di ka nasasaktan ah?" Sabi ni Soonyoung habang pinupunasan ang namumulang kamay ni Jihoon. "Hindi naman masyado. Sorry"

"Di okay lang. Ikaw nalang ang uminom ng kape. Hindi naman ako masyadong nilalamig"

Inayos ni Soonyoung yung mga kakainin nila. Umupo na rin si Jihoon sa upuan nya. Kinuha nito ang kutsara at hinalo ang kape na nasa harap nya. Sumimangot naman si Soonyoung. "Grabe.. di manlang naappreciate yung pinagawa ko"

"Huh?"

"Tsk."

"Hala.." Nahalo nya kasi yung heart dun sa coffee. "Hayaan mo na. Sige na" Sabi ni Soonyoung habang nakanguso pa. Hindi naman ito pinansin ni Jihoon at kumain nalang.

"Babe? Hahahaha.."

"Ano?"

"Anong pagkakatulad ng tula at utot?"

"Tangina kasi kumakain ako diba?"

"Iiihhh. Cupcake lang naman yan eh. Ano nga?"

"Ewan ko."

"Hmm. Pareho silang nagmula sa POET! HAHAHAHAHA" Joke mo tawa mo. Tanggalan ng mata.

"Ah"

"Ang funny no? HAHAHAHA!"

"Oo. Tawang-tawa ka nga eh"

"Ang funny kaya. Hahaha!"

"Ha ha ha. Oo nga no. Uwi na tayo after nito. Gusto ko na magpahinga baka kung ano magawa ko sayo"

"Mwehehe may round 2 ba yung kagabi?"

"Gago"

-

"Hoshi"

"Hmm"

Iniangat ni Jihoon ang kamay nya papunta sa mukha ni Hoshi. Kasalukuyan na silang nakahiga ngayon sa kama.

"Oh bakit?"

Hinawakan ni Jihoon ang magkabilang pisngi ni Soonyoung. Kinukurot nya ito at pinipindot-pindot, napunta ang mga daliri nya sa mga mata ni Soonyoung. Nakangiti lang si Soonyoung dahil sa ginagawa ng nakababata.

"Jihoon?"

Hindi sumasagot si Jihoon sakanya. Pinababa nito ang kanyang mga daliri sa ilong ni Soonyoung papunta sa kanyang mga labi. Nararamdaman nyang nakangiti si Soonyoung. Lumapit sya ng bahagya para halikan ito.

"Oh?"

"W-wala"

"Nako bebe ah. Ayokong magdrama" Sabi ni Soonyoung. Nakita nya kasi na naluluha si Jihoon.

"Ano ba yang ginagawa mo?"

"Gusto ko lang tandaan ang mukha mo"

"Hahaha! Sa gwapo kong 'to? Imposibleng makalimutan mo"

"Sana nga.. tara na. Tulog na tayo"

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon