85 - A piece of advice °flshbck

776 53 155
                                    

SOONYOUNG'S

Simula nung araw na yun, yung araw na akala ko'y magiging napaka-espesyal para sa aming dalawa, hindi nya na 'ko kinausap. Hindi nya na rin sinasagot yung mga tawag ko o nagrereply manlang sa mga text ko. Ayaw nya ring puntahan ko sya sa bahay nila kasi aalis daw sya. *sighs* MASAKIT.

"Kung nandito ka para humingi ng gamot sa puso, wala kami dito nun" Nakangiting sabi ni Noona nang makapasok ako sa clinic.

"Tsk. Naman eh. Patambay lang." Sagot ko. "Pa'no mo nga pala nalaman noona?"

"Gawd Soonyoung. Dalawang sikat na tao sa campus ang nasa issue. Natural kakalat agad yan"

Napabuntong hininga nalang ako. Hindi ko na kasi ramdam yung kasikatan na yun dahil nasa iisang tao nalang lagi ang atensyon ko.

"So umamin ka pala? Tsk. Friendzone? Haha. Alam mo Soon. Tingin ko tama lang naman yung ginawa mo. Walang masama sa pag-amin lalo na kung mahal mo naman talaga yung tao. Kasi kahit anong tago mo pa dyan, magiging obvious pa rin yan. Sabi nga nila, kung gaano mo katindi tinatago yung nararamdaman mo, mas lalo lang nagiging obvious yung motibo mo sakanya at lalo lang itong lalalim. Yung nakakatakot lang e kung ano yung magiging outcome."

"Pero bakit ganun noona? Hindi naman siguro tama na iwasan nya nalang ako bigla diba?"

"Sana umpisa palang naisip mo na na posibleng mangyari yan. Mahirap kasing ma-inlove sa isang kaibigan Soonyoung. Isa yun sa pinakamahirap na mararamdaman mo. At kapag nainlove ka sakanila, tanggapin mo na dapat sa sarili mo na posible kang mawalan. Sa nakikita ko sainyo ni Jihoon, tingin ko gusto nyo ang isa't-isa eh. Kaya nga nagulat ako nung nalaman kong nareject ka. Naisip ko nalang, pwedeng natatakot si Ji na ilevel up pa ang friendship nyo into something na kapag pinasok nyo at nagkaroon ng pagkakataon na magkalabuan kayo, e hindi na kayo basta basta makakabalik sa dati. Unlike pag mag bestfriend kayo, kahit ano pang pag-awayan nyo ay babagsak at babagsak parin kayo sa pagiging magkaibigan. Gets mo?"

"..."

"Pero sa nangyayari ngayon, nagcome up nanaman ako sa ibang paliwanag. Baka ayaw talaga sayo ni Jihoon at bestfriend lang talaga ang turing nya sayo. May mga tao kasi Soonyoung na sapat na sakanila yung nandyan ka. Yung pareho kayong nakakabenefit sa bawat isa? Yung sweet kayo, pero walang commitment. Yung masaya na kasi nagagawa nyo yung mga bagay na nagagawa ng mga taong pumapasok sa isang relasyon. Pero yun lang yun. Kuntento na bilang kaibigan lang. May mga taong ganun. At pag na-friendzone ka, masakit talaga yan. Lalo na't iniiwasan ka na nya diba? Hindi ka lang binasted, kinandado pa nya yung pagkakaibigan nyo tapos tinapon sa dagat yung susi at kinain ng pating sabay punta sa north pole."

"..pero kahit na Noona. Parang wala naman kaming pinagsamahan dahil sa ginagawa nya. Di nya manlang iniisip yung nararamdaman ko. Pakiramdam ko, parang binalatan ako ng buhay tapos pinigaan ako ng isang daang kalamansi. Pinapalasap nya sakin yung sakit eh."

"Hahaha. Ganon talaga ang katotohanan. Masakit. Pero umamin ka man o hindi? Kung ayaw nya sayo, wala kang magagawa eh. Magbago man ang relasyon nyo into positive or negative? Panalo ka parin. Bakit? Kasi umamin ka. Kasi malakas ang loob mo na isugal kung anong meron kayo. Kung umamin ka tapos gusto ka rin nya, may posibilidad na magkatuluyan kayong dalawa at naghihintayan lang pala kayo. Kung hindi naman, alam mo na ang gagawin mo. Move on ka nalang hehe. Pero malay mo naman na isa si Jihoon sa mga taong hindi marunong mag-stick sa desisyon nila. Or baka naman nagulat lang talaga at hindi pa sya ready."

"..."

"Kaya mo yan Soon. Nakakaramdam ka ng ganyan because you cared too much at tandaan mong never naging bad thing yun. Ginawa mo lang naman ang dapat mong gawin eh. Yung alam mong tama. Sabi nga ni Seungcheol kay Jeonghan sa I'm Into You, you can't expect na kung ano ang ibinigay mo e yun din ang babalik sayo. And that's the thrill of loving someone. Hindi mo alam kung mamahalin ka rin nya pabalik."

HIS DIARY √ soonhoon [editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon