JULIA POV.
I'm Julia Del Valle ang twin sister ni Kath. Pagkatapos kong magbayad sa trycccle ay sabay na kameng pumasok ni Kath sa loob ng bahay. Simple lang ang bahay namin. Bungalow Style,.
Pink ang kulay ng wall sa labas na may gray sa babang bahagi nito. Black na gate at maliit na garden, meron din garahe na hindi gaanong kalakihan.
Naunang pumasok si Kath at huli ako dahil sinarado ko pa ang gate. Pagpasok ko sa main door sumalubong agad sakin si Mama hindi ko alam na nandito na pala sya, sabi nya kasi may tuitor sya.
"Nandito na pala ang mga baby ko." Sabi ni Mama una nya hinalikan si Kath sa pisngi at sunod nya akong nilapitan.
"Mama hindi na kame bata para tawagin mong baby." kuwaring simangot ko sa kanya. pero hindi nya ako pinansin at lumapit kay Kath.
"Ok lang yan ate Julia naglalambing lang naman si Mama eh." sabi ni Kath habang nakayakap kay Mama. "Akala po namin may tuitor ka, Mama?"
"Meron nga, kaso tumawag ulit sila at bukas nagpa scheduled kaya hindi ako natuloy." She explained. "Oh! Sya sige na at magbihis na kayo at tatapusin ko lang ang niluluto ko sa kusina." tumalikod na si Mama at sumabay na ako kay Kath papasok sa kwarto namin.
Oo same lang kame ng kwarto, pero hindi same ng bed. Kulay krema ang dingding ng kwarto at may dalawang kama na parehas ang laki. may sarili kameng cabinet at study table, meron ding cr sa loob ng kwarto.
Pagpasok palang namin inayos ko na ang mga gamit ko dahil meron kameng mga homework na kelangan gawin.
"Anong hinahanap mo Kath?" tanong ko sa kanya dahil napansin kong panay ang buklat nya ng mga libro.
"I think, I lost my things, ate. Baka nahulog ko ng hindi napapansin." inayos naman nya ang mga gamit nya at nagpunta sa cabinet nya para kumuha ng damit para magbihis.
"Importante ba? Tulungan na kita maghanap ano ba yun?" nkaupo lang ako sa kama habang nakatingin sa kanya.
"Hindi naman gaano, ate. Ayus lang tungkol lang yun sa Art na sasalihan ko sana sa school, baka nasa locker ko lang. Tignan ko na lang bukas." ngumiti sya sakin at sabay pumasok sa cr.
Pagkatapos nya magbihis sumunod narin ako at lumabas kame ng sala.
Gumawa ako ng homework ko samantalang si Kath umupo sa sofa binuksan ang TV at nagbasa. Hindi wierdo ang kakambal ko pero ewan ko ba kung bakit gawain nya yang bubuksan ang TV hindi naman manunuod kundi magbabasa lang."Balak mo bang sumali sa Art Club?" Tanong ko, tiniklop nya naman ang kanyang libro at bumaling sakin.
"Yes, ate. Bukas tutungo ako sa Art building kung san magpapalista."
"Gusto mong samahan kita?"
"Kung meron kang gagawin ay ayus lang, baka mainip karin kasi sa paghihintay." Ngumiti sya sakin.
"Sige, basta kapag may free time ay sasama ako sayo." ,tumango lang sya at nagpatuloy sa pagbabasa.
Nung dumating si Papa sabay sabay na kame nag-dinner at pagkatapos namin tulungan si Mama sa kusina nag-kwentuhan muna kame sa sala.
Maaga rin kame natulog kasi ayaw namin na nahuhuli sa klase."Goodnight, ate." ,niyakap ako ni Kath, pagkatapos humiga na sya sa kanyang kama.
"Goodnight, Kath." ngumiti lang ako sa kanya at pinatay ang ilaw. Tanging lampshade lang sa side table namin ang bukas.
Pinakiramdaman ko si Kath kung tulog na sya, saka ako natulog.
To be continue.
@MisReika
BINABASA MO ANG
MagKapatid Na MagKaribal(Completed)
Fanfiction"Ang kambal na si Kathryn at Julia ay masayahin at mapagmahal. Ang masaya at mapagmahal ba nilang samahan ay mananatili parin kapag nalaman nila na iisang lalaki lang ang kanilang iniibig? Title: MagKapatid Na MagKaribal Genre: TeenFiction Written B...