JULIA POV.
Pumasok na si Kath sa klase nya sa Art at nandito ako ngayon sa Math Garden ksama si Miles at Sharlene.
Dito na lang kame maghihintay sa kanya hanggang sa matapos ang klase nya para sabay kame umuwi.Hindi narin kame sinusundo ni Mama dahil nga sa bagong scheduled ni Kath kaya namamasahe na lang kame pauwi o minsan hinahatid kame ng mga kaibigan namin.
Si Miles at Sharlene kaibigan na namin sila since freshmen kame at hindi sila tulad ng iba na mayaman nga pero mayabang naman. Kakaiba silang dalawa kaya nga nagkakasundo kameng apat.
Anak mayaman sila at nakatira sa Doña Francisca Subdivision. Pero kahit ganun hindi basehan sa kanila ang stado namin sa buhay para kaibiganin nila kame. Masaya silang ksama at talagang hindi sila plastik saka palagi kame magkakasama kaya nasanay na kame sa ugali ng isat isa.
"Julia bakit hindi mo sinabi kay Kath yung tungkol kay Daniel.?" tanong skin ni Miles habang ngbabasa ng Manga at kumakain ng Chips.
"True, why don't you tell her about your crush?"pnunukso naman ni Sharlene. Hindi talga sya mahilig magsalita ng English nagiinarte lang.
"True, why don't you tell her about your crush. " panggagaya ko hy kanya at natawa namin kame.
"Ang arte nito, pa eenglish pa nkakanosebleed girl. Haaaha.""Hahhaah may masabi lang bat ba." saka nya inagaw yung chips ni Miles saka kumuha at sinubo yun.
"Wag mo ibahin ang usapan Julia, bkit nga hindi mo msabi kay Kath?" seryoso parin na sabi Miles.
"Di pa naman ako sigurado diba? saka san nanggaling yung sinasabi nyo na crush ko yun, hindi kaya." saka ako uminom ng juice na dala ko kanina. Bumili kasi kame kanina ng snack para may makain kame sa paghihintay kay Kath.
"Wow indenial ka pa ah. Hehhe ska sa ganda mo na yan impossible na hindi ka nun magustuhan." sabi ni Sharlene
"Campus Crush at Smarty Girl ng Campus, tanga na lang nun kapag hindi ka napansin." dagdag ni Miles.
"Hindi nga ako napansin diba, remember nung hindi ko sinasadyang mabunggo ko sya diba hindi man lang ako tinignan." yun yung nabunggo ko si Daniel at hindi man lang ako pinansin.
"Suplado ang peg, pero kung sa bagay marami ako narinig sa kanya na ganun daw talaga ang personality nya ang pagiging masungit nga." si Miles
"Speaking of him, pinaguusapan pa lang natin pero paparating na." sabi ni Sharlene at napatingin kame sa tinuro nya at nakita nga namin na papunta si Daniel at ksama nya dito sa Math Garden.
Malaki ang Math Garden marameng mga bakanteng upuan at lamesa na gawa sa semento at may mga pinta na ibat ibang numero. Kaya kahit sino pwdeng tumambay dito dahil hindi lang din naman kame ang nandito.
Nakita nga namin ang pagdating ni Daniel at nung kasama nya at umupo sila sa bakanteng pwesto sa tapat namin. Hindi ko alam ang naramdaman ko pero bigla na lang lumakas ang tibok ng puso ko.
Ngayong malapit sya sakin hindi ko maipaliwanag kung ano ang nangyayari sakin kasi ang lakas ng epekto nya.
Kahit si Miles at Sharlene ay natahimik din ng dumating sila.Hindi narin namin sya napagkwentuhan dahil baka marinig pa nila kame. Pero ang panunukso ni Miles ay mukang magsisimula na base sa ngising pinapakita nya sakin.
"Miles stop it." seryoso ako kasi wag ngayon hindi ko alam kung ano magagawa ko kapag nangasar pa sya.
"What! Wala naman akong ginagawa ah." saka lalo pa syang ngumisi.
"Ganito na lang, kilala ko yung kasama nya. Taga dun yan sa blocked namin sa Subdivision, makipagkilala na lang tayo sa kanila." nabigla ako sa sinabi ni Sharlene hindi ko akalain na sasabihin nya yun.
Si Sharlene ang malakas ang loob samin. Kaya kapag meron syang sinabi asahan mo gagawin nya yun at hindi sya nagbibiro kaya naman mas lalo akong kinabahan sa gusto nila mangyari.
"Hindi ngayon please--" pero bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay hinila nya na ako papunta sa direksyon nila Daniel at nakasunod lang si Miles.
"Hi Alex pwde kame makijoin sa inyo?" yun ang sabi ni Sharlene ng makarating kame sa harapan nila.
"Oh ikaw pala Sharlene, sure sige upo kayo." sabi nito at tumayo naman sya at tumabi kay Daniel para bigyan kame ng pwesto.
"Salamat. Ngapala mga kaibigan ko si Miles at eto naman si Julia." siniko nya ako sa tabi nya para mgsalita ako.
"Hi." sabay namin sabi ni Miles.
"Ah natandaan ko na, kayong dalawa yung nakabangga ni Daniel nung isang araw. Ngapla eto si Daniel kaibigan ko." pgpakilala nya samin.
"Hello." matipid na bati nya ska sya ngumiti smin. mas lalo pang bumilis ang kaba ko ng tumingin sya sakin at inabot ang kamay nya.
"Julia baka mangawit ang kamay." pgbibiro ni Sharlene. Kaya tinanggap ko agad eto kaya malamang yung mukha ko ay sing pula na ng kamatis.
"Julia ganda ng pangalan mo, nice meeting you. Pasensya ka na nung isang araw kasi badmood ako nun eh." saka sya ngumiti na naman. Grabe busog na busog ako sa mga ngiti nya.
"Ah eh okey lang, kasalanan ko rin naman hindi ako tumingin sa likuran ko, sorry ha," kahit hiyang hiya atleast may nasabi naman ako.
"Ayos lang, Senior Student kayo?" tanong nya at tuningin sa mga kasama ko kaya si Miles ang sumagot.
"Junior palang." sagot ni Miles
"Transferee student sya from Pampanga, kapitbahay ko sila sa Subdivision kaya kame nagkakilala at sana maging kaibigan nya rin kayo." paliwanag ni Alex.
"Oo nmn why not choconot diba." sabi ni Sharlene at panay ang ngisi sakin. Kainis talaga to, mamaya yari sakin to hindi ba nya iniisip ang sitwasyon ko.
"Diba Julia okey lang?" dagdag ni Miles saka ngumiti ng ngaasar din.
"Oo naman." sagot ko sa kanila.
"Salamat." tipid na sagot ni Daniel.
Nagkwentuhan lang sila, at sympre ang kaibigan naming madaldal na si Sharlene ang maingay sa lahat. Hindi sya nauubusan ng topic at sa tingin ko naman ay nageenjoy si Daniel at Alex sa pinaguusapan nila.
Madalas ako sumali kapag ako ang pinagdidiskitahan ni Sharlene. Pinagtatanggol ko lang anh sarili ko sa mga sinasabi nya tungkol sakin.
Naging masaya namn sila kausap at dun ko nalaman na mabait pala talaga si Daniel Panay rin ang tawa nya sa mga kalokohan ni Sharlene.Hindi namin namalayan ang oras at tumayo na si Daniel at Alex. Kelangan na raw nilang umalis dahil parating na hinihintay nila. Nagpaalam naman sila ng maayos at ganun din kame.
Pagkaalis nila dun ko na sinabon si Sharlene at Miles pero ang ending wla lang sa kanila at magpasalamat pa nga daw ako dahil kahit sandali nakasama ko ang crush ko. Tama Crush ko na sya at hindi na ako indenial ngayon.
Nakatanggap narin ako ng messege Kay Kath na tapos na sila at pababa na. Kaya inayos narin namin ang nga gamit namin at hinintay si Kath. Ilang sandali lang ay sabay sabay na kame lumabas ng campus para umuwi.
To be continued...
Note:
Crush ni Julia si Daniel.
Crush ni Daniel si Kath.
Sino ang Crush ni Kath.? Hehe
Nasa taas picture ni Miles at Sharlene.
Yun lang Salamat.Vote&Comment.
@MisReika
BINABASA MO ANG
MagKapatid Na MagKaribal(Completed)
Fanfiction"Ang kambal na si Kathryn at Julia ay masayahin at mapagmahal. Ang masaya at mapagmahal ba nilang samahan ay mananatili parin kapag nalaman nila na iisang lalaki lang ang kanilang iniibig? Title: MagKapatid Na MagKaribal Genre: TeenFiction Written B...