KATH POV.
Monday.
Pumasok kame ni Ate Julia na parang walang nangyari. Nasa process pa lang ako ng pagintindi kaya tutulungan ko ang sarili ko sa bagay na yun. Hindi ko rin alam kung paano ko haharapin si DJ.
Nasa School kame kaya alam kong ano mang oras ay darating sya para sakin. Kaya kahit maari na kaya ko syang iwasan gagawin ko. Ayoko rin masira ang pamilya nila kaya mas mabuti ng wala syang malalaman.
Nasa discussion ang atensyon ko pero lumilipad ang isip ko. Kahit sinong nasa sitwasyon ko ay magaalala sa mga bagay na ganito. Nalaman ko man na hindi ako totoong Del Valle ngpapasalamat naman ako dahil tinurin nila akong tunay na pamilya.
Si Mama at Papa pati narin si Ate Julia hindi sila nagkulang sa pagmamaha sakin. Masakit malman ng katotohanan pero atleast may pamilya akong hindi ako iiwan. At yun na siguro ang pinakamasayang buhay para sakin.
Dahil narin sa pagiwas ko ay sa labas kame kumain ni Ate. Tinawagan lang nya sila Miles at sabay sabay kameng kumain sa KFC. Kahit nagtataka sila ay hindi narin nila nagawang magtanong. Nang dumating ang order namin ay masaya namin yung pinagsaluhan.
"Mabuti naman at okay na kayo ni Dj ngayon noh". Sabi ni Miles. Ngkatinginan naman kame ni Ate sa sinabi nya.
"True. Bakit nga pala wala sya ngayon? Hindi nyo man lang ininvite", sabat naman ni Sharlene.
"Pwde ba wag na kayo maghanap ng wala. Kumain na lang baka malate pa tayo", sabi ni Ate sa kanila.
"Ay bitter parin ang lola mo. Hahha", natatawang sabi ulit ni Sharlene.
"Julia may Papa Luis ka na kaya wag ka ng magpakabitter jan". Si Miles.
"Hay naku. Tumigil na kayo kasi naka move on na ako sa bagay na yan". Sagot ni Ate at tumingin naman sya sakin. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Eh d wow. Sabi mo eh. Haha".
Wala ako sa mood para sumali sa biruan nila lalo nat si DJ ang topic nila. Sigurado akong malalaman rin nila ang ginagawa kong pagiwas kay DJ. Kaya kung maari ay hindi na lang ako magsasalita.
Nung matapos kameng maglunch at sabay narin kameng pumasok. Nakita ko naman sa parking yung kotse ni DJ kaya alam kong nasa School na sya. Nkakapagtaka lang na wala sya nung umaga, hindi ko na pinansin at pumasok na kame sa klase namin.
Simula ng nalowbat yung phone ko hindi ko pa yun chinarge. Mabuti na rin yun kasi para hindi ako makontak ni DJ. Alam kong nagaalala narin sya sakin kaya di ako magtataka kung mamaya paglabas ko ay naghihintay sya.
Discuss.
Discuss.
Discuss.
Dismissed.
Inayos ko na ang mga gamit ko at sumabay kay Ate Julia palabas. Buti naman at walang DJ na naghihintay sakin. Kahit iwasan ko sya apektado parin ako sa presensya nya.
"Kath". Tawag sakin ni Joy yung kasama ko sa cheering. Lumapit naman sya sakin. "Sabay na sana ako sayo papunta sa gimnasium kung okay lang". Dagdag pa nya.
"Teka! Sabi ni Lily walang practice ngayon kaya nga uuwi na ako eh", nagtatakang sabi ko sa kanya.
"Hindi pwde yun. Kasi tinawagan ako ni coach ngayon lang at pinapapunta tayo sa gym".!
"Sige na Kath samahan na kita", sabi ni Ate Julia. Tumango na lang ako at sabay sabay pumunta ng gimnasium.
Kung kelan naman umiiwas ka ay dagdag pa sakin tong practice nato. Sympre magkikita kame dun ni DJ at anong sasabihin ko sa kanyang dahilan kapag kapag kinausap nya ako. Kasi kung tlagang may practice ay nandun din sya. Hayz.
BINABASA MO ANG
MagKapatid Na MagKaribal(Completed)
Fanfiction"Ang kambal na si Kathryn at Julia ay masayahin at mapagmahal. Ang masaya at mapagmahal ba nilang samahan ay mananatili parin kapag nalaman nila na iisang lalaki lang ang kanilang iniibig? Title: MagKapatid Na MagKaribal Genre: TeenFiction Written B...