Closeness

1.1K 17 1
                                    

KATH POV.

Monday.
Sabay kame nila Ate Julia mglunch. Panay ang kwento nila Miles tungkol sa out of town nila nung weekend. Hindi naman nila ko tinatanong about dun sa party na pinuntahan ko, kaya hindi rin ako nagkwento.

Pagkatapos ng Lunch ay naghiwalay narin kame nila Miles, diretso naman kame ni Ate Julia sa susunod naming klase. Pagdating ko kagabi sa bahay ay tulog na sya, kaya hindi nya ako nakitang dumating. Buti narin yun atleast hindi nya nakita na may naghatid sakin kagabi.

"Anong oras ka nakauwi kagabi?" Kasasabi ko lang pero nagtanong na si Ate Julia. "Maaga ako natulog eh kaya hindi na kita nahintay." Dagdag nya.

"10pm narin yun, hindi naman ako nagtagal kasi wala akong gano kakilala dun." sagot ko. Nang makarating na kame sa room ay umupo na kame sa pwesto namin.

"See. Kung sumama pa ako sayo eh parehas tayong walang kakilala dun." Sabi nya saka nya nilabas ang books nya at binuklat eto para basahin.

"Kaya nga. Buti gising pa si Papa nun kaya may nagbukas ng pinto sakin." Tumango lang sya bilang sagot at pinagpatuloy ang pagbabasa.

Hindi ko naman naiwasang isipin yung nangyari kagabi, kumanta si DJ habang nakatingin sakin. Di ako alam kung seryoso sya o pinagttripan ako eh. Inaamin ko sa kanya lang gumaan ang loob ko, hindi ako malapit sa lalaki pero pagdating sa kanya para kasing meron akong pagtitiwala.

Well mabait naman si Magui at ang mga magulang nya, siguro hindi narin nalalayo sa kanila ng ugali ni DJ. Kaya wala naman sigurong masama kung magiging magkaibigan kame.

Infairness humanga talaga ako sa pagkanta nya kagabi, bagay sa kanya ang maging singer ng isang banda. Kasi yung tipo ng pagkatao nya ay simple lang pero ang lakas ng dating. Kung baga kahit tumayo lang sya sa stage ay mapapahanga ka talaga.

At saka hindi ako nagtataka kung marami ang nagkakagusto sa kanya. Gwapo naman sya saka sa tingin ko rin ay matalino, mayaman at sympre magaling magbasketball. Balita ko rin ay MVP sya sa mga sinasalihan nya.

Tinutukso pa nga ako nila coach eh, nahirapan dw silang iconvince nung una si DJ pero nung nakita ako ay pumayag agad. Ang wierdo rin pala nya, siguro type nya lang talaga akong asarin kaya napasali agad sya.

Nung matapos ang mga sumunod na klase, ay dumiretso na ako sa gimnasium. Practice kasi namin ngayon eh, saka malapit narin ang Interhigh kaya kelangan talgaa namin pagbutihan. Nung dumating ako, nandun na ang ibang kasama ko sa cheering, nagppractice narin ang mga player. Sympre nandun na si DJ.

Nagpalit lang ako ng damit sa locker room naming mga cheering, sa kabilang kwarto naman ay para sa mga players. Pagkatapos sumali na ako mgpractice, habang yung mga players ay naglalaro.

Hindi ko maiwasan tumingin kay DJ habang nagsasayaw, masyado syang seryoso sa pglalaro. Magaling naman tlaga sya at bagay sa kanya ang titulong MVP. Pati nga mga kasma kong babae ay sya ang pinaguuspan.

"Ang swerte siguro ng girlfriend nya kasi ang gwapo tlga ni Daniel." Sabi ni Shenna habang nakatingin kay DJ.

"Pero wala tayong nakikitang babaeng kasama nya, baka walang girlfriend." Sabat naman ni Lily. Kasalukuyan silang nagpapahinga.
Ako naman nakatayo lang at pinapractice ang mga steps.

"Ay sana nga. May pagasa pa tayo." Kinikilig na sabi ni Rose. "Ei Kath sa tingin mo may girlfriend na yan si Daniel?"  Tanong nya sakin. Teka bakit ako tinanong nya close ba kame.

"Hindi ko alam." Yun lang ang sagot ko. At nagusap usap na uli sila. Saka naman ako napatingin kay DJ nang mapwesto sya malapit sakin. May girlfriend na kaya sya? Ano bang iniisip ko, kelan pa ako naging interesado sa ibang tao. Kainis.

Nang nagpahinga na ako at umupo sa bench, lumapit naman at tumabi sakin si DJ. Kaya yung mga kasama kong malapit sakin ay lalong kinilig. Nagpupunas sya ng pawis, hindi ko naman naiwasan tumingin sa knya. Kahit pawis na ang bango parin nya.

"Wag mo ako masyadong titigan, baka hindi mo ako makalimutan." Ngingisi ngising sabi nya sakin. Seryoso linya ko yun ha. Gaya gaya.

"Paano mo nalaman na ikaw ang tinitignan ko? Assuming karin eh." Sagot ko saka sya inirapan. Natawa nman sya sa sinabi ko at saka uminom nang tubig na dala nya.

"Bakit ba ang sungit mo parin sakin? Ganyan ka ba tlga makipagkaibigan?" Sabi nya. Napalingon ako sa kanya.
"Biro lang haha." Saka sya nagpeace sign at ngumiti sakin.

"Magkaibigan ba tayo. Wala akong natatandaan na nakipagkaibigan ako sayo." Pangaasar ko sa kanya. Saka sya seryosong napatingin sakin.

"Ay may amnesia agad? Ikaw nga una lumapit at nakipagkamay pa sakin. Tapos ganyan sasabihin mo?" Natawa ako sa inasal nya, masyado kasi nyang sinerseryoso ang sinabi ko. Binibiro ko lang naman sya eh. Ang slow.hehe

"Teka lang. Binibiro lang kita oi. Masyado ka naman matampuhin. Kalalaking tao eh, Hahha." Tatawa tawang sabi ko pero nakasimangot lang sya.

"Tawa ka pa jan." Pagiinarte nyang sabi. Galit ba tlga sya. Haha pasaway.

"Oi galit ka ba? Binibiro lang naman kita eh."  Saka ko sya nilapitan at sinusundot sundot yung braso nya. "Oi wag ka na magtampo jan hindi bagay sayo." saka ko sya tinigilan.
"Oi ngingiti na yan." Yung pisngi naman nya ang sinusundot ko. Haha

"Tigilan mo nga yan, kapag ako nangiliti sayo hindi mo magugustuhan kasi kikiligin ka." Wala parin pagbabago nakasimangot parin sya. Pikon din pala sya. Haha

"Talaga? Sorry pero wala akong kiliti eh." Tumayo na ako, tatalikuran ko na sya ng hawakan nya ako sa bewang. Nagulat naman ako at lumayo. Pero mabilis na nasa harap ko na sya. "Hindi ako nakiliti sa ginawa mo, nagulat ako."

"Weh? Oh bakit umiiwas ka? Kala ko ba wala kang kiliti." Sabi pa nya. Sa tingin ko seryoso talaga sya sa gagawin nya. Kaya para umiwas tumakbo ako pero mabilis talaga sya at inabutan ako. Panay ang kiliti nya sakin at panay naman ang iwas ko. Tawa kame ng tawa sa ginagwa namin para kameng mga bata. Pati mga tao sa gimnasium ay sumasabay narin sa tawa, chinicheer pa nila si DJ na wag akong tigilan.

"Ai sweet nyo. Kinikilig ako." Sigaw ni Shenna at tawa rin sila ng tawa.

"Bagay kayo." Dagdag naman ni Joy.

"DJ tama na."   Saka sya tumigil. Napaupo naman ako sa sahig ng gimnasium sa sobrang hingal. At naramdaman kong tumabi sya sakin.

"Wala pa lang kiliti ah. Haha." Sabi nya. Hiningal din sya sa kalokohan nya. Inabutan nya naman ako ng towel na alam kong pagaari nya. "Oh magpunas ka."  Tinanggap ko naman yun, umayos ako ng upo saka nagpunas ng pawis gamit ang towel nya. Grabe ang bango kasing amoy nya. Pagkatapos binalik ko sa kanya.

"Salamat. Hiningal ako." Sabi ko. Tumayo naman sya saka inilahad sakin ang kamay nya. Inabot ko naman yun saka nya ako tinayo. Bumalik na ako sa bench kung nasan ang gamit ko.
Sya naman ay pumunta na sa locker room para magbihis.

"Hoy Kath ikaw ha. May something kayo ni Daniel noh?" Tanong ni Lily.

"Ang sweet nyo, samantalang kakakilala nyo palang. Aminin yieeh." Panunukso namn ni Rose.

"Dont worry bagay naman kayo eh. Sana nga kayo nalang." Sabi ni Joy.

"Magkaibigan lang kame." Sagot ko.

"Dun nagsisimula yun. Wag ka magalala suportahan ka namin jan. Diba girls?" Dagdag ni Jenna at ngapir naman silang lahat. Ngumiti lang ako bilang sagot. Pagkatapos ng practice sabay sabay na kame lumabas.

Hindi ko na nakita si DJ siguro nasa loob parin sya. Kaya lumabas narin ako at hindi na sya nahintay. Gusto ko pa sana mgpaalam sa kanya eh, pero nakita ko na sila Ate Julia kaya umuwi narin kame. Sayang at hindi ako nakapgpaalam kay Dj.

TBC...

Note!
Yieeh si Kath may something na. Hahha kinikilig rin ba kayo?

EnjoyReading.
Vote&Comment.

@MisReika

MagKapatid Na MagKaribal(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon