Indenial Stage

1K 18 1
                                    

DJ POV.

Natutuwa naman ako dahil sa nangyari kahapon, nakasama lang naman namin si Kath magdinner. Kaso nakakahiya lang sa kanya dahil sa mga pinagsasabi ni Magui.

Buong gabi ko rin inisip yung sinabi nya, ano kayang ibig nyang sabihin dun. Magtatanong pa sana ako kaso bumaba na agad sya sa sasakyan. Hindi rin ako gaano nakatulog tungkol dun, kaya medyo nalate ako ng gising.

Hindi tuloy ako nakapasok ng umaga. Si Magui naman siguro nagpahatid na lang sa driver namin. Madalas sya pa yung nangigising sakin, pero himala lang at hindi nya yun ginawa ngayon.

Kaya nagayos lang ako saka bumaba. Nakapagluto narin ng Lunch yung maid, kaya dito narin ako sa bahay kumain bago pumasok.

Pagkarating ko sa School, sinalubong agad ako ni Alex sa Parking Lot. Tinawag ko kasi sya bago ako umalis sa bahay, gusto ko kasing sabay kame pumasok sa klase ng panghapon.

"Dude anong nangyari. Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Alex ng bumaba ako sa sasakyan at lumapit sya sakin.

"Napasarap ang tulog eh." Sagot ko. Sinarado ko na yung sasakyan saka kame sabay na naglakad.

"Ganun ba? Pahiramin na lang kita ng notes mamaya, may quiz kasi tayo bukas eh. Para naman mareview mo rin yung diniscuss kanina." Sabi pa nya. Karamihan sa lalaki hindi masyado ngffocus sa pagaaral. Pero iba si Alex kasi nàpakaactive nya sa lahat ng klase.

"Salamat." Tumango lang sya. Paakyat na sana kame ng building nang mapalingon ako sa Canteen. Nakita kong lumabas dun si Julia at ang mga kaibigan nya. Pero napahinto ako sa sunod na lumabas sa canteen, si Kath kasama sya nila Julia.

"Oh sila Julia ba tinitignan mo?" Napahinto narin kasi si Alex eh. Dun narin ang atensyon nya sa mga taong lumabas sa Canteen. "Diba si Kath yun? Bakit sila magkakasama?" Kahit ako gusto ko rin sana itanong yun sa kanya kaso naunahan nya ako.

"Hindi ko rin alam eh. Pero diba Juniors sila, baka classmate nila si Kath."  Saka ako tumuloy sa paglalakad, sumunod narin si Alex.

"Ahh siguro nga." Hindi narin sya nagtanong, hanggang makarating kame sa classroom. Sakto naman na dumating narin ang guro namin sa subject na yun.

Hanggang sa discussion ay lumilipad parin ang isip ko, ni wala nga akong naintindihan na kahit ano. Yung sinabi sakin ni Kath kagabi, may koneksyon kaya yun dun sa naging usapan namin nila Magui.

Iniisip kaya ni Kath na may feelings ako para sa kanya, well para kasi sakin hindi sya mahirap magustuhan.
Mabait sya, matalino saka masarap kasama. Sya kasi yung tipo na babae na kakaiba, babaeng kapag nakilala mo ay magugustuhan mo talaga. At this time nasa Indenial Stage pa ako.

Inaamin ko na may feelings nga ako sa kanya, hindi pala kasi gusto ko na sya. Kaso hindi ko alam kung paano yun sasabihin sa kanya, baka kasi kung ano ang isipin nya sakin.

Pero ngayon ko lang nakita na kasama nila Julia si Kath, magkklase lang ba talaga sila o matagal nang magkakilala. Sabi kasi sakin ni Julia na meron syang kapatid, pero ayun sa kanya hindi sila nagkakasundo nun. Iba daw kasi ang ugali, kaya imposible na si Kath yung kapatid na tinutukoy nya.

Teka nasabi din nila na nung nasa Math Park kame, na may hinihintay sila dun at kapatid ni Julia. Ano ba ang gulo naman, kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko. Ang mabuti pa tatanungin ko na lang sila kapag nagkita kame.

Pagkatapos ng dismissal, lumabas agad kame ni Alex. Meron kasing practice ng basketball ngayon. Hindi ko alam kung anong mangyayari mamaya kapag nagkita kame ni Kath. Teka ano ba kasing iniisip ko, masydo akong npparaning. Hays

Naghiwalay na kame ni Alex, hindi kasi sya miembro ng Team. Nauna na syang umuwi sakin, tumawag naman si Magui ang sabi nya umuwi narin daw sya. Binigay naman ni Alex yung notes nya sakin, pupunta na lang sya sa bahay mamaya para kunin yun.

Pagdating ko sa gym nagsisimula na sila, napatingin naman ako sa cheering at saktong nagtama ang paningin namin ni Kath. Ngumiti naman sya sakin, at ganun din ang ginawa ko ngumiti rin ako sa kanya.

Dumiretso naman ako sa lockerroom at nagpalit ng damit. Nang matapos ako ay lumabas na ako at sumali sa practice. Iniwasan ko naman magisip ngayon, baka kasi maapektuhan pa ang paglalaro ko. Madalas naman ako mapatingin kay Kath, at sa tuwing gagawin ko yun ay nakatingin rin sya.

Nang nagtimeout ay agad ako pumunta sa bench, lumapit naman sakin si Kath. Nagulat ako nang inabot nya sakin yung bottled water nya.
"May tubig ako." Sabi ko. Bigla naman syang nalungkot kaya. "Binibiro lang kita. Akina na nga." Saka naman sya napangiti at inabot sakin yun.

"Kala ko ipapahiya mo ako eh. Kung nagkataon hindi sana kita kakausapin pa." Natatawa nyang sabi. Umupo naman ako saka sya tumabi sakin.

"Ikaw pa. Kaya mo ba yun gawin?" Napatingin naman sya sakin.

"Ay hinahamon mo ako?" Seryosong tanong nya at tinaasan pa ako ng kilay.

"Hindi. Binibiro lang kita. Hahha." Natawa rin naman sya sa sinabi ko.
Siguro makontento na lang ako na ganito kame, kaso kung aamin ako sa kanya baka magiba sya ng pakikisama sakin. At yun naman ang hindi ko kaya.

"Salamat nga pala dun sa kagabi."
Sabi pa nya. Kinuha ko naman yung towel ko at nagpunas ng pawis.

"Okey lang. Kagabi ka pa nagpapasalamat eh, sa susunod magdinner ulit tayo tapos treat mo." Pagbibirong sabi ko sa kanya.

"Oo ba. Walang problema, isama natin si Magui. Kaso hanggang KFC lang ang kaya ko ha. Hahha."  Natatawang sabi nya. "Isama rin natin yung Ate ko." Dagdag nya.
Ayun may kapatid nga sya. Buti pinaalala nya, itataong ko nga pala sa kanya kung bakit kasama nya kanina si Julia at ang mga kaibigan nito.

"Ahh itataong ko lang bakit kasama mo kanina sila Ju--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tinawag ako ng kasamahan ko sa Team.

"Daniel tawag ka ni Coach may sasabihin daw sayo. Tara na." Sabi nya. Tumayo naman agad ako.

"Ahh Kath mauna muna ako sayo." Tumango lang sya sakin. Saka ko naman pinuntahan ang Team at si Coach. Sabi ni Coach mas pagbutihan pa daw namin ang pagpapractice, dahil malapit na ang InterHigh.

Pagkatapos lumabas na ako para kausapin ulit si Kath. Kaso paglabas ko ng lockerroom sakto naman nakalabas narin sila ng gym. Hindi ko narin hinabol, baka kasi nagmamadali narin syang umuwi.

Pagkabihis ko dumiretso na ako sa Parking. Nakatanggap naman ako ng tawag kay Magui, nagpapabili sya ng Pizza sa Greenwich. Kaya dumaan muna ako dun bago umuwi.

Pagdating ko sa bahay, nandun narij si Alex. Magkausap sila Ni Magui. Kaya pala nagpabili ng Pizza para may snack sya habang nagbabasa. Pagpasok ko tumayo agad si Magui at kinuha sakin yung Box na Pizza. Bumili rin ako ng dalawang chocolate pearl cooler.

"Thanks Kuya. Is this for me too?" Tanong nya dun sa pearlcooler. Pizza lang kasi pinabili nya. Since nandito si Alex sakanila nalang dlwa yun.

"Yes. But can you please eat dinner firts bago yan ang kainin mo." Umupo narin ako sa sofa katabi ni Alex.

"Okey Kuya. By the way Kuya Alex this one pearlcooler is for you. But of  course Kuya DJ said eat dinner first. So I put in the fridge and take it later." Saka sya pumunta sa kusina.

Umakyat na muna ako para magbihis. Pagkatapos nagdinner narin kame ksama si Alex. Nung matapos kame magdinner, gumawa narin ako ng homework. Si Magui naman nageenjoy sa pagbabasa habang kumakain ng Pizza. Wag syang magtaka kung tumaba sya agad. Hahha

TBC...

VOTE&COMMENT.

FACEBOOK: @MisReika
TWITTER: @MisReika
INSTAGRAM: @MisReika

MagKapatid Na MagKaribal(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon