JULIA POV.
Sinabi sakin ni Kath kung anong party ang pupuntahan nya. Kaya gusto ko na ako yung pumili ng damit na susuotin nya dun sa party. Kaya nung hapon ng Sabado ay pumunta kame sa Robinson para tumingin nang pwde nya isuot.
Kaya naman nagpaalam kame kay Mama na aalis muna. Nagbihis kame ni Kath ng cute na dress kasi dahil kambal kame dpat lang siguro na same ang susuotin namin.
Nakashorts kame ng white na medyo maiksi. Naka tack in yung tshirts dun sa shorts. Style jumper ang sakin at sq kanya my ribbon ang design ng shorts. Nakapony ang buhok ko at nakalugay naman ang buhok ni Kath na may headband na ribbon.
Ang cute namin. Kaya siguro hindi namin maiiwasan kung nakukuha namin ang atensyon ng mga tao sa paligid. Sumakay kame ng tryccle at nagpahatid sa Robinson.
Pagkarating namin ay dumiretso kame sa 2ndfloor department store kung nasan ang mga damit. Pinahiram naman samin ni Mommy yung ATM nya kaya nakapagwidro muna kame.
Kasalukuyan kameng namimili ng damit ni Kath nang may mapansin ako sa tindahan ng mga instrumento. Napangiti ako ng makitang si Daniel yun. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kelangan ko ba syang puntahan. Pero kasama ko si Kath.
Kaya naman nanguha agad ako ng damit saka sinabi kay Kath na yun ang napili ko para sa kanya. Agad naman namin itong binayaran saka lumabas ng department store. Napansin kong nandun pa si Daniel sa store.
"Kath may gusto ka pa ba?" Tanong ko sa kanya at sunagot naman agad sya. Bibili raw sya ng books sa Vetafs kaya naman sinabi ko na mauna na sya dun at may bibilhin lang ako.
"Txt mo ako kung nasan ka okey?""Oh sige ate Julia." saka sya lumabas ng Robinson. Agad naman ako umakyat uli sa 2ndfloor para puntahan si Daniel.
Hindi ako nagkakamali. Sya nga yun. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya nagpanggap ako na napadaan lang at nakita ko sya. Kaya yun nga ang ginawa ko ng makita ko sya ay lumapit ako agad.
"Hi Daniel." bati ko sa kanya. Ngumiti naman sya pabalik sakin.
"Julia. Hello. Magisa ka lang?" tanong nya at lumapit sya sakin. Sa tingin ko nagiisa rin sya.
"Oo eh. May binili kasi ako. Napadaan ako tapos nakita kita." Sagot ko.
"Gusto ko kasing bumili ng regalo sa kapatid ko. Tutal nandito karin naman pwde mo ba akong tulungan?" napangiti ako sinabi nya. Seryoso gusto nya akong tulungan sya.
"Oo naman. Ano bang hilig ng kapatid mo?" tanong ko para alam ko kung ano ang maissuggest ko sa kanya.
"Books. Books ang hilig nun." bigla akong napaisip dahil kung libro ang bibilhin nya. Di imposibleng makita namin dun si Kath.
"Pero marme na syang libro eh. Kaya gusto ko iba nmn ang ibigay ko sa kanya." dagdag pa nya."Ganun ba. Shoes na lang ibigay mo. Tara dun tayo sa Rusty Lopez." pumayag naman sya at sumunod.
Pumasok kame sa loob ng Store. Sinalubong naman kame ng saleslady at tinanong kung anong shoes ang kelangan namin. Sinabi namn ni Daniel na flatshoes lang kasi hindi mahilig ang kapatid nya sa mga higheels.
"Ang cute nila no. Bagay na bagay sila." bulong nung saleslady sa kasama nya. At kame ni Daniel ang tinutukoy nya.
"Ang gwapo nung guy." sagot nung isa.
"Ang swerte ni girl." dagdag pa ulit nito. Napangiti naman ako kasi akala nila in relationship kame ni Daniel. At tama sila dun na bagay nga kame.
"Anong kulay ang Maganda sa tingin mo?" biglang tanong ni Daniel.
"Etong yellowgreen na lang. Simple lang yung kulay nya." sagot ko. Pumayag naman sya at saka eto binayaran. Kinikilig pa yung mga saleslady sa kanya.
"Ahh sir ang ganda po ng girlfriend nyo bagay kayo." sabi ng cashier.
"Ganun ba slamat. Pero hindi ko sya girlfriend eh, magkaibigan lang kame." Sagot ni Daniel sa kanila. Ngumiti lang yung cashier bilang sagot.
Lumabas na kame ng store. Hindi narin ako nakibo sa kanya. Nahihiya kasi ako sa nangyari dun na inakala ko hindi na lang kikibo si Daniel pero sinabi pa nyang magkaibigan lang kame.
"Kain tayo gusto mo?". Tanong nya at ngumiti lang ako bilang sagot. Pumunta naman kame sa malapit na kainan. Sa Stregato kame pumsok.
Umorder sya ng dlwang slice na chocolate cake at dalawang cappuccino. Hindi ko alam pero iba talaga ang saya ko ngayon kasi feeling ko nagddate kame ni Daniel.
Ngkwentuhan lang kame tungkol sa mga bagay na gustong nyang gawin. Pero hindi nya magwa kasi meron pa syang kelangan para dun. Tumunog naman yung phone ko at binasa ang message ni Kath.
Sinabi nya na gutom na daw sya at bilisan ko. Nasa Vetafs parin sya at hinihintay ako. Nagreply ako sa kanya na papunta na ako dun kahit ang totoo hindi ko maiwan si Daniel.
"Salamat nga plaa sa pagsama sakin. Hindi mo yata kasama ang mga kaibigan mo?"tanong nya.
"Okey lang yun. Out of town sila eh kaya magisa lang ako gumala. Bored kasi sa bahay." sagot ko.
"Wala ka bang kapatid.? Para sana makasama mo kapag lumalabas ka?"
"Meron pero iba rin kasi ang hilig nya eh. Kaya hindi kame minsan ngkakasundo." pagsisinungaling ko.
"Ganun ba. Sa bagay may mga mgkakapatid naman na ganun. May kapatid rin ako pero kahit magkaiba kame ng trip ngkakasundo naman."
"Yung kapatid ko kasi na yun. Maraming gusto minsan kapag hindi naibigay sa kanya. Nagagalit sya kaya siguro hindi kame mgkasundo." 4dagdag ko pa. Sorry Kath kung ano man ang nasasabi ko.
Pagkatapos nyang bayaran yung inorder namin ay ngpaalam na sya. Kaya agad naman akong nagmadaling pumunta sa Vetafs parq sunduin si Kath. Kaso tumawag sya na nasa Penshoppe Store daw sya at tumingin ng damit.
Pinuntahan ko sya agad dun. Nung makita ko sya ay nilapitan ko sya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kaya kinuha ko na lang ang mga dala nyang pinamili.
"Ang tagal mo. Nasan ang binili mo? " tanong nya. At nagulat nga ako dahil wla nga pala akong dala.
"Ah eh wla ako nabili kasi hindi ko nagustuhan." sagot ko at tumago nman sya.
"Ganun ba. Tara kain muna tayo sa KFC para paguwi natin makapgpahinga ka na Ate baka pagod ka sa pgsama sakin." aniya
Hay salamat akala ko mgtatanong pa sya buti na lang nakalusot ako. Tulad ng sinabi nya kumain muna kame bago umuwi. Masaya namn ang araw ko kasi unti unti na akong napplapit kay Daniel sana tuloy tuloy na.
To be continued....
Note:
Grabe si Julia. Hahaha
Well hindi mo masisi kasi tinamaan ng lintik na pagibig eh. Haha
Tenchu.Vote&Commet.
@MisReika
BINABASA MO ANG
MagKapatid Na MagKaribal(Completed)
Fiksi Penggemar"Ang kambal na si Kathryn at Julia ay masayahin at mapagmahal. Ang masaya at mapagmahal ba nilang samahan ay mananatili parin kapag nalaman nila na iisang lalaki lang ang kanilang iniibig? Title: MagKapatid Na MagKaribal Genre: TeenFiction Written B...