Invitation

1.1K 17 0
                                    

KATH POV.

Friday na. Pumunta muna ako sa Library para kumuha ng librong kelangan kong basahin tungkol sa Art. Marame pa kasi akong gustong matutunan. Sa Art Class ay nakakasabay naman ako pero siguro gusto ko rin ng ibang kaalaman.

Tuwing Friday hindi kame nakauniform. Sibilyan lang kame at yun ang nagustuhan ko dito sa TRC. Nauna na sila Ate Julia sa Canteen at susunod na lang ako kapag nahiram ko na ang librong babasahin ko.

Pagkatapos ko mahiram ay lumabas na ako para pumunta sa Canteen. Pagdating ko dun naka-order na si ate ng cappuccino para sakin. Nagkkwentuhan lang sila.

Minsan hindi na ako sumasali sa usapan nila. Hindi ko rin kasi alam kung ano o sino ang pinaguusapan nila. Kapag ganun nagbabasa na lang ako.

"Kath nakita mo na ba yung guy na gusto ng ate mo?"  Napatingin ako kay Miles ng nagtanong sya sakin.

"Hindi pa. Alam ko lang ang pangalan pero hindi ko pa nakita." sagot ko.

"Alam mo matutuwa ka kapag nakilala mo na sya. Kasi bagay na bagay sila ni Julia." kinikilig na sabi ni Sharlene.

"Tumigil nga kayong dalawa jan." saway ni ate sa kanila. Pero ngpatuloy lang yung dalawang asarin sya.

"Dapat pala makilala ko na sya Ate para makilatis ko naman kung pwde ba talaga." pagbibiro ko sa knya.

"Ay hindi na kelangan Kath. Kasi ako na nagsasabi sayo na pwdeng pwde yun. Pak na pak nga sa aura eh. Saka hindi naman magugustuahan ni Julia yun kung basta basta lang." paliwanag ni Sharlene.

"Korek ka jan, baka kapag nakita mo yun Kath ay magslow mo karin. Hahaa biro lang." sabi ni Miles.

"Tumigil na nga kayo. Hindi yun magugustuhan ni Kath okey." sabat ni ate at napatingin naman sila sa kanya. Kahit ako nagtaka sa sinabi nya.

"At paano mo naman nasabi. Ikaw lang ba may karapatan magkaron ng Crush?" maarteng sabi ni Miles.

"Diba Kath.?" Napatingin naman sya sakin na parang sinasabi nyang sumangayon lang ako sa sinabi nya.

"Ahh oo naman. Malabo yun." sabi ko na lang at nagpatuloy naman sila sa usapan tungkol dun sa guy.

Alam ko na ang ibig sabhin ni ate. Ayaw nyang may kaagaw sa bagay na gusto nya. Napagusapan na namin yun. Hindi ko alam na iyun pala ang ibig sabihin ng lahat ng sinabi nya.

Saka kung seryoso talga si Ate dun sa guy at seryoso naman din ang guy sa kanya. Sino ba naman ako para hindi sya suportahan dun. At saka ngayon ko lang nakitang seryoso si Ate Julia siguro nga gusto nya talaga.

Pagkalabas namin sa Canteen. Diretso na kame sa Parking kasi ihahatid namin yung dalawa. Kaso may nakalimutan pala akong kunin sa Locker ko kaya bumalik ako. Naiwan naman sila dun nang umalis ako.

Pagdating ko sa Locker. Kinuha ko na yung kelangan ko. Nagulat ako ng biglang may sumulpot sa harap ko.

"Bakit ka ba nang-gugulat?" Hawak ko sa dibdib ko kasi lakas ng kaba ko.

"Sorry hindi ko sinasadyang magulat ka."  Sabi nya. Oo yung taong kaharap ko ngayon ay si DJ. Kainis.

"Ano bang kelangan mo?" tanong ko.

"Nakita kasi kitang tumatakbo. Akala ko kasi kung napano ka na eh." sagot nya. Kita ko naman na totoo ang sinasabi nya.

"May nakalimutan lang ako. Sige ha mauna na ako." tatalikod na sana ako ng magsalita sya. Kaya humarap ako.

"Sandali. Ah gusto ko lang sana magsorry sayo. Yung sa Vetafs." saka sya seryosong nakatingin sakin.

"Ah yun ba, kalimutan muna. Kasalanan ko rin naman yun eh. May sasabihin ka pa?"

"Wala na. Salamat."

"Okey. Sige alis na ako". Sagot ko saka ko sya tinalikuran. Hindi ko alam kung bakit ganun sya ka seryoso. Wala naman sakin yun eh. Dapat nga ako ang magsorry.

Paglabas ko. Nakita kong nakaupo si Magui sa malapit na bench. Ngbabasa sya ng libro kaya hindi nya napansin na nakalapit ako sa kanya.

"Magui hindi ka pa umuuwi?" tanong ko at ngumiti naman syang humarap sakin.

"Oh ate Kath, I'm  just waiting for my Kuya. By the way ate Kath. I gave you something." sakaa sya may kinuha sa bag nya. Pagkuha nya inabot nya sakin.

"Invitation?" Basa ko sa card na binigay nya. "Birthday mo? diba nakkahiya?" sabi ko.

"No ate Kath. Don't be shy. You need to be there right?"

"Ah titignan ko ah."

"Sure. The information about the party is inside the invitation. You can read for awhile." ngumiti sya.

"Ah sige sa bahay ko na lang babasahin. Una na ako ha. Ingat ka sa paguwi. Salamat dito."  saka ako umalis.

"Take care too ate Kath." pahabol nya.

Pagdating ko sa Parking seryoso pa silang naguusap. Hindi nila napansin dumating na ako kaya nagsalita ako para kunin ang atensyon nila.
"Ate tara na." sabi ko.

"Oh Sige una na kame ah." sabi ni ate Julia. Sumakay na naman yung dalawa sa sasakyan nila. Naglakad narin kame ni Ate palabas ng campus.

"Ang tagal mo?" Sabi ni Ate.

"Nakita ko kasi yung classmate ko sa Art Class binigay nya to oh,." pinakita ko sa kanya yung invitation.

"Invitation? Pupunta ka ba?" Tinignan lang nya ang invitation pero hindi nya ito hinawakan.

"Oo pero samahan mo ako ate."

"Kath ikaw ang invited dyan at hindi ako. Sorry pero hindi ako pwdeng sumama."

"Pero Ate sumama ka na baka pumunta din sila Miles dun saka Sunday naman to eh." paliwanag ko.

"Kahit na. Saka Sunday out of town yung dalawa. Posibleng pumunta sila jan. Kath okey lang. Ganito na lang. Ako mag-aayos sayo sa party na yan."

Tumango na lang ako bilang sagot. Kasi kahit anong gawin kong pilit sa kanya hindi talaga sya sasama. Wala naman talaga akong balak pumunta eh kaso nakakahiya kay Magui ang bait bait nya sakin.

Pagkauwi namin. Dumiretso ako aa kwarto at binasa ang nsa loob ng invitation. Ayun dito pang90's ang tema ng party at sa Crown Royale Hotel gaganapin ang party.

Iba talaga kapag mayaman eh. Nakakahiyang makipagsabayan. Pero hindi dapat ako mahiya kasi si Magui naman yun eh. Sana lang hindi ako ma out of place pagdating ko dun.

Sinabi ko kay ate kung san gaganapin ang party. At kung anong damit ang dapat isuot. Kaya sya na daw bahala sakin. Bukas daw pupunta kame sa Robinson para tumingin ng pwde kung suotin.

To be continued...

Note:
   Invited din kayo. Birthday ni Magui. Oopst nandun si DJ. Mgkikita na naman ang dalawang lovers. Hahha
Yun lang. Tenchu.

Vote&Comment.

@MisReika

MagKapatid Na MagKaribal(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon