Accident

1K 15 0
                                    

KATH POV.

Dalawang Linggo narin na hindi ko nakikita si DJ. Wala nang nahihintay at nangungulit sakin. Pero di ko maiwasang magalala para sa kanya dahil alam kong nasasaktan sya dahil za wala syang alam. Pero mas mabuti narin siguro yun para sa lahat.

Nabalitaan ko rin ang pagquit nya sa basketball at hindi narin sya pumapasok. Nagguilty ako dahil alam kong ako ang dahilan, pero hindi ko naman gustong sirain ang buhay nya.

Balang araw maiintindihan mo rin ako DJ sa ngayon hayaan muna natin ang isat-isa. Hindi madali sakin ang kalimutan ka pero dahil yun ang nararapat. Ayokong magalit ka sa Daddy mo kapag nalaman mo ang totoo.

"Kawawa naman sya noh.

"Balita ko lasing daw ngdrive.

"Kamusta na kaya sya sana hindi malala ang lagay nya.

"Balita ko brokenhearted sya.

Palabas na kame ni Ate ng campus ng marinig namin ang pinaguusapan ng mga studyanteng nadaanan namin. Sino naman kaya yung tinutukoy nila na na aksidente, pasakay na kame ng tryccle ng tinawag kame ni Miles.

"Kath". Lumapit sya samin. "Narinig nyo ba yung balita".?

"Anong balita"? Tanong ni Ate Julia.

"Si DJ daw na aksidente kagabi". Bigla na lang nalaglag ang mga librong hawak ko. Saka ako seryosong hinarap sya.

"Miles totoo ba yan".? Tanong ko.

"Oo sinabi ni Alex samin kanina, kagabi nangyari yun ng maghiwalay daw sila. Lasing kasi si DJ kaya sya naaksidente nasa St. Lukes Hospital sya nakaconfine". Sagot ni Miles.

"Pupuntahan ko sya". Sabi ko.

"Kath sigurado ka ba".? Si Ate Julia. Ang totoo hindi pero dahil alam kong isa ako sa dahilan kung bakit nangyari yun. Dapat lang siguro na kailangan ko syang puntahan.

Sinamahan ako ni Ate Julia papunta ng St. Lukes Hospital. Hindi ako manhid para hindi maapektuhan sa nangyari. Pero lubos akong nagaalala sa kalagayan ni DJ ayoko naman umabot kame sa ganito.

Mahal ko parin sya hindi yun basta mwawala kahit anong pilit ko sa sarili kong kalimutan sya. Hindi eto ang gusto kong paghihiwalay para samin. Ayokong sirain nya ang buhay nya dahil lang sa pagmamahal nya sakin.

Hindi ko yata makakaya kung may mangyaring masama sa kanya. Hindi kaya ng konsensya ko na ako ang dahilan kung bakit sinasaktan nya ang sarili nya. Pagdating namin sa St. Lukes nagtanong kame sa Information Dest.

"Ah nurse DJ Ford poh naaksidente sya kagabi at dito sya dinala". Sabi ko sa Nurse na nasa ID. Agad naman nya yung hinanap sa computer na nasa harap nya.

"Wala po kameng DJ Ford na patient Ma'm. Ang nandito lang po ay Daniel John Ford". Paliwanag nya.

"Sya nga po. Anong room# nya".?

"2ndfloor Ma'am at room 26". Sagot nya at nagpasalamat naman ako. Saka kame sabay sumakay sa Elevator ni Ate. Pagkarating sa 2nd floor hinanap namin ang room 26.

Walang gaanong tao sa Hallway ng Ospital kaya napadali ang paghahanap namin. Nang matapat ako sa room26 hindi ko maiwasang kabahan. Dahil hindi ko yata kakayanin ang makikita ko sa loob.

"Kath nandito lang ako sa tabi mo". Narinig kong sabi ni Ate Julia. Tumingin muna ako sa kanya bago ako kumatok ang kaso wla yatang tao sa loob kaya pumasok na kame

Nakita ko si DJ na nakahiga at walang malay, puro sukat ang katawan at halos hindi ko na makilala dahil sa dame ng sugat sa mukha. Hindi ko maiwasang malungkot sa nakikita ko dahil pakiramdam ko kasalanan ko kung bakit nandito sya. Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay nya. "DJ im sorry. Patawarin mo ako hindi ko sinasadyang saktan ka". Hinigpitan ko ang hawak ko sa kanya. "Pero wag mo naman saktan ang sarili mo kasi kung nasasaktan ka. Ganun rin ang nararamdaman ko". Napatingin naman ako sa pinto ng bumukas eto. Pinunasan ko ang luha ko at humarap kay Magui. "Magui gusto ko lang sana makita si DJ". Pero seryoso syang lumapit sakin.

"What for".? Sarkastiko nyang sabi. "Do you pretend that you even care for him".? Tinalikuran nya ako at lumapit sa kama ni DJ. "Look at him Ate Kath, hes ruin his life because of you".?

"Magui hindi mo kasi naiintindhan eh". Gustong gusto kong sabihin sa kanila pero alam kong lalo lang magugulo ang sitwasyon. Pero sa nakikita ko sa kanya talagang galit sya. "Ginawa ko lang ang alam kong makakabuti samin". Dagdag ko pa.

"I dont care what reason are you have. One think i know is Kuya DJ really hurts for what you did". Lumapit syang muli sakin. "If i we're you Ate Kath leave and never come back. Cause you never need here and i dont want to see you",!

"Please Magui alam kong galit ka sakin pero sana hayaan mo naman akong gawin to sa kanya". Muli na naman akong umiyak at nilapitan na ako ni Ate Julia.

"Kath tara na". Sabi ni Ate. Pero hindi ko sya sinunod at humarap ulit kay Magui.

"Kasalanan ko Magui pero sana hayaan mo akong magpaliwanag".

"You dont have too. Because its too late and please leave ate Kath, before Kuya wake-up".!

Gustong gusto kong manatili sa tabi ni DJ at gusto ko rin paggising nya ako ang una nyang makikita. Pero dahil sa galit ni Magui kelangan ko syang sundin pero hindi parin ako makkapayag na wala ako sa tabi nya.
Lalabas na sana kame ng Pumasok ang mga magulang ni DJ.

Nagtama ang mga mata namin, hindi ko akalain na susunod na pagkikita namin ay alam ko na kung sino ka. Hindi nya rin nagawang alisin sakin ang kanyang tingin at dahil dun di ko napagilang yakapin sya.

Nakita ko ang pagkagulat sa kanilang lahat dhil sa ginawa ko. Pero wala akong pakialam dahil sa oras na to kelangan ko ang yakap ng isang ama. Hindi ko nagawang magalit sa kanya sa kabila ng lahat ng nalaman ko.

Hindi man sapat lahat yun ay gusto ko parin syang makilala. Alam kong nagmahal lang sila nung panahon na yun. At ako ang bunga ng pagmamahalan nila kaya para sakin maswerte ako. Dahil kahit hindi ko sila nakilala ay pwde parin kameng bumuo ng isang pamilya.

"Kath". Tawag nya sakin. Alam kong naguguluhan sya sa ginagawa ko pero naramdaman ko ang paganti nya ng yakap sakin. Eto ang kelangan ko dahil hindi ko kaya kung magisa lang akong haharapin lahat to.

"Kath tara na", narinig kong tawag ni Ate. Humiwalay na ako sa Daddy ni Dj na Papa ko rin, ngumiti naman ako sa kanya bago kame tuluyang lumabas ng kwarto na yun.

Habang nasa byahe kame pauwi hindi ko na naman napigilang umiyak. Akala ko matapang ako pero sa kabila ng dame ng pinagdadaanan ko parang ang hirap ng salitang matapang.

Hindi ko alam kung kanino pa ako huhugot ng lakas, kung ang isang kahinaan ko ay kasalukuyang wala sa tabi ko. Diyos ko kayo na pong bahala kay DJ wag nyo po syang pababayaan. Pinapangko ko po na kapag gumaling sya ay sasabihin ko na sa kanya ang totoo. Gagawin ko to para samin at sa makkabuti sa lahat. Hindi ko gustong pumasok sa buhay nyo pero eto yata ang tadhana na para satin.

TBC...

NOTE!:
  Ana Cruz at Charlie Ford picture in multimedia.

VOTE&COMMENT.
MARAMING SALMAT.

5chapter to End.😊

MagKapatid Na MagKaribal(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon