Pagiwas

983 16 0
                                    

KATH POV.

Tuesday!

Pagkatapos nang pinagusapan kagabi ni Mama ay parang walang nangyari sa pagitan namin. Umiyak lang ako buong gabi dahil kahit anong pilit kong intindihin. Wala akong nakukuhang sagot sa mga yun.

Ngpasalamat ako kay Ate dahil hindi nya ako iniwan sa oras na kelangan ko sya. Pero ang isang bagay yata na napakahirap gawin, ay ang bagay na iwasan ang taong nagpapasaya sakin. Bakit kelangan magkaganun?

Dahil si Mama na ang nagsabi. Kahit wala akong makitang dahilan ay kelangan ko syang sundin. Masakit. Oo kung kelan maayos na samin ang lahat at saka pa magkakaganun.

Pumasok ako ng malungkot pero hindi ko pinakita yun. Dapat maging patas ang nararamdaman ko. Naging focus naman ako sa mga subject namin, hindi narin kame nglunch.

Dahil alam kong magkikita lang kame ni DJ sa Canteen. Kaya mas mabuti na yun kesa magguilty lang ako sa pakikisama kong hindi maayos sa kanya.

"Kath okay ka lang"? Kahit hindi ako nglunch ay hindi rin ako iniwan ni Ate. Sinamahan nya ako ganun sya kabuti sakin.

"Kahit naman sabihin kong okay lang ako. Yun parin ang paniniwalaan mo diba? Kahit ang totoo hindi". Ngsisimula na naman ang pagsakit ng mata ko simbolo na maiiyak ako.

"Sorry Kath. Wala akong magawa para sa sakit na nararamdaman mo"! Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya.

"Meron Ate. Meron kang nagawa kasi hindi ka umalis sa tabi ko. Salamat"!

"Hindi mo sya maiiwasan Kath. Baka nga paglabas mo nanjan na sya eh. Anong balak mong gawin"!?

"Hindi ko rin alam. Pero sana hindi ko sya makita kasi hindi ko mapipigilan ang sarili ko, oras na nasa harap ko na sya".! Dumating narin ang sumunod na subject namin sa araw na yun.

Nagttxt narin si DJ sakin. Gustong gusto ko na syang makita pero wala akong magawa. Pinatay ko na lang yung phone ko para hindi ko na mabasa o masagot ang mensahe nya.
Hindi narin ako pumasok sa Art Class dahil paniguradong magkikita kame.

Nakauwi kame ni Ate na walang DJ na nagpakita sakin. Mabuti narin siguro yun para kahit papano unti-unti ako masanay. Mahirap tanggapin ang isang bagay na nangyari. Pero mas mahirap lumayo sa isang taong di gustong layuan pero kelangan.

Minsan may nagtanong sakin, pano daw kung mawala si DJ sakin. Napaisip ako nun at natakot bigla, tapos sabi pa nya wag ko ng sagutin. Sa mata ko pa lang daw halata nang hindi ko kaya. Sana hindi mo rin yun makita sa mga mata ko.

Nang matapos kame magdinner. Nilinis lang namin ang kusina saka sabay na kameng pumasok ni Ate sa kwarto. Ngring naman agad ang phone ko, nung makita kong si DJ yung tumatawag ay nagdalwang isip ako kung kelangan ko bang sagutin.

"Kath sagutin mo na. Magusap kayo alam kong nagaalala sya". Baling ni Ate sakin ska sya pumasok sa CR.

Sinagot ko ang tawag nya. " Hello."

"Kath nandito ako sa labas ng bahay nyo". Sabi nya sa kabilang linya. Nagulat naman ako. Kaya sumilip agad ako sa bintana.

"DJ anong ginagawa mo dito". Nakita ko nga ang sasakyan nyA sa labas.

"Ikaw anong nangyayari sayo? Buong araw kang hindi nagpakita sakin? Anong problema"? Halatang galit sya pero mahinahon parin sya.

"DJ umuwi ka na. Bukas na lang tayo magusap."

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo kinakausap".!

"Magkikita naman tayo bukas eh. Bukas na lang tayo magusap."

"Gusto mo pa bang kausapin ko ang magulang mo para kausapin ka. Gagawin ko yun". Alam kong seryoso sya kaya mas mabuting harapin ko na.

"Sige. Lalabas ako hintayin mo ako". Saka ko pinatay yung tawag. Inayos ko muna yung sarili ko para hindi nya mahalata ang kinikilos ko. Buti na lang nasa kwarto na sila Mama kaya nagdahan dahan akong lumabas.

Pagkalabas ko sumakay agad ako sa sasakyan ni DJ. Ngumiti naman ako ng pilit sa kanya, nakikita kong galit sya pero hindi ko alam kung pano sya kakausapin. Nagulat ako ng pinaandar nya yung kotse, pero wala na akong magawa.

Tahimik lang kame sa byahe. Walang kahit sino samin ang gustong mgsalita. Huminto kame sa Jollibee saka nya ako pinagbuksan ng sasakyan. Pagkababa ko ay hinawakan nya ang kamay ko at sabay kameng pumasok dun.

"DJ kakain ko lang". Sabi ko. Pero parang wala syang narinig at dumiretso sa counter. Bakit pa sa Jollibee kung pwde naman sa KFC. Wala nga palang 24ours sa KFC.

"Goodeveing Sir". Bati ng cashier.

"2 Chocolate Sundae for Dine in". Sagot ni DJ. Seryoso sya pumunta kame dito para lang sa Sundae. Tss

"2 Chocolate Sundae. 56 pesos. Anything Sir".? Inayos naman ng isang crew ang order namin. Pagkatapos nilagay nya na sa tray.

"Yun lang". Binitawan nya yung kamay ko at kinuh yung wallet nya. Inabot nya sa cashier yung 500pesos.

"I recieve 500". Saka sya ng punch. At binilang sa harap ni DJ yung sukli.
"Your change sir 444pesos. Thank You. Come again". Kinuha ni DJ ang sundae saka kame umupo sa dulong pwesto na wlang ganong tao.

"DJ kung gutom ka sana umorder ka ng pagkain mo". Pagalalang sabi ko sa kanya. Magkaharap kame ng upuan. Saka sya tumingin saking seryoso.

"Sa tingin mo makkain pa ako. Kung hindi ko alam kung bakit ka ganyan sakin". Sabi nya.

"Sorry."

"Kainin mo yang Sundae para naman malamigan ka at masabi mo kung anong dahilan mo." Yumuko naman sya at sinimulang ang pgsubo ng Sundae.

"Akala ko madali lang magpretend na kaya ko. Pero ang totoo sa tuwing nakikita kita nanghihina ako". Tumingin sya sakin at ganun din ako. Di ko inalis ang atensyon ko sa kanya. "May mga bagay na wala ng patutunguhan. Pero pinagpapatuloy ko parin dun ako masaya. "

"What do you mean".?

"Im sorry DJ. Hindi ko gustong iwasan ka pero hindi ko rin kaya na hindi ka makita."!

"Bakit? Bakit kelangan mo akong iwasan? Anong probleam Kath".?

"Hindi ko rin alam kung pano sasabihin. Pero DJ sorry talga. Wag ang magalala hindi ako susuko. Ipaglalaban kita", lumapit sya sakin saka ako niyakap. Wala akong pakialam kung may nakkakita samin. Gustong gusto kong yakap si DJ dahil pakiramdam ko, sa kanya lang ako nagiging komportable.

Hinatid nya na ako sa bahay. Bago nya ako pagbuksan ng pinto binigyan nya muna ako ng mabilisang halik sa labi. Ngumiti ako sa kanya pagkatapos nun. Hinintay ko lang sya makaalis saka ako pumasok sa bahay.

Buti at hindi man lang namalayan nila Mama na umalis ako. Naabutan ko naman gising si Ate at kinuwento ko sa kanya yung nangyari. Masaya naman sya para sakin kaya mas lalong gumaan ang pakiramdam ko.

Bahala na kung anong kahihitnatnan ng mga mangyayari. Pero isa lang ang gusto ko at tama lang siguro na iyun ang ipaglaban ko. Mahal ko si DJ pero bakit kelangan pamilya ko pa ang makakalaban ko para dun. Ntulog ako na may ngiti sa mga labi, salamat DJ.

TBC...

VOTE&COMMENT.
MARAMING SALAMAT.

MagKapatid Na MagKaribal(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon