KATH POV.
Magkasama kameng maggrocery nila Mama sa Robinson. Sakto naman nakikipagkita sakin si DJ. Kaso hindi ko alam kung pano ako makakaalis dahil siguradong magagalit si Mama.
Kahit na nagsisinungaling kame ay hindi ko parin magawang matakot. Dahil ayoko na nagaaway kame ni Mama. Pero hindi ko kaya eh kaya kahit sa School nagkakasama parin kame DJ.
Hindi narin nagtatanong si Mama samin si Mama pero hindi ko alam kung hanggang kelan namin yun matatago sa kanya. Mama bigyan nyo lang ako ng isang malalim na dahilan kung bakit ko sya dapat layuan. Lalayo ako kapag napatunayan kong reasonable nga yung sasabihin nyo.
Masaya ako kapag kasama ko si DJ. Eto ang gusto ko kaya eto ang ginagawa ko. Ayoko naman na pagsisihan ko pa ang sa huli na kalimutan yung nararamdaman ko.
Mabuti na lang at todo support sakin si Ate kahit alam naming may mali kameng nagagawa. Hindi ko parin kasi maintindihan kung bakit ayaw ni Mama kay DJ. Nagkatanggap ako ng message na nasa Stregato na sya.
Pinayagan naman ako ni Ate at sya na daw ang bahala mgpaliwanag kay Mama. Kaya dumiretso na ako palabas ng Robinson, pagpasok ko sa Stregato nandun na si DJ. Pagkakita nya sakin lumapit sya at nagbeso. Inalalayan nya pa akong umupo.
"Sorry. Kanina ka pa". Sabi ko. Bumalik naman sya sa pwesto nya saka ngumiting humarap sakin.
"Nope. Kadarating ko lang din. Pero nakaorder na ako. Naglunch ka na ba".? Tanong pa nya.
"Yup kumain kame bago umalis".!
Tumango lang sya. May maya dumating na yung order nya saka namin yun sabay na kinain. Kahit sa simpleng stripe longsleeve ang suot nya ay bagay sa kanya. Si DJ yung tipo na kahit mayaman hindi sya nagyayabang. Mahal na mahal ko talaga sya kaya siguro nagagawa kong magsinungaling makasama lang sya."Kath baka matunaw ako sa mga titig mo". Pagbibiro pa nya saka sabay kameng natawa.
"Ang swerte ko kasi dahil ang gwapo ng boyfriend". Sabi ko pa. Napangiti naman sya sakin.
"You know lucky i am dahil ikaw ang girlfriend ko. Kaya kwits lang". Sabay ulit kameng natawa.
"Thank You".
"Ngapala para sayo" saka nya inilapit sakin ang isang maliit na box.
"DJ ano yan".? Takang tanong ko.
"Buksan mo para makita mo". Saka ko kinuha yung box at binuksan. Nakita kong isang heart neclace ang laman nun. Unang tingin pa lang mukhang mamahalin na yun.
"DJ hindi ko naman birthday eh". Pero tumayo sya saka kinuha yung kwintas. Pumunta sya sa likuran ko saka yun sinuot sakin
"Hindi lang naman birthday pwde magbigay ng regalo diba". Bulong nya sakin saka sya bumalik sa kanyang upuan.
"Wag mo ako sanayin sa ganito baka hanap hanapin ko". Pagbibiro ko pa.
"Okay lang masanay ka. Wala naman akong balak itigil yan". Natawa naman sya bigla. Hinawakan ko naman yung neclace.
"Ngek. Basta ayoko kasi na masanay ka. Alam kong mayaman ka pero hindi okay lang ako sa maayos na relasyon".
"Okay Princess"!
"Princess. San naman nanggaling yun?
"Aking Prinsesa ah aha" pakanta nyang sabi. Naalala ko na yun yung kinanta nya nung birthday ni Magui. Kung ganun para pala talga sakin yun.
"Ano naman title yung kinanta mo nun sa proposal".? Tanong ko pa. Saka ako uminom ng cappuccino.
"Sayo. Sayo na ang puso ko". Pakanta nyang muli. Ganito ba nya ako talaga pakiligin. Nakakainis lang dahil napakaeffective.
"Salamat sa pagmamahal DJ". Ngumiti lang sya bilang sagot. Bigla naman nagring yung phone ko at si Ate yung tumatawag. Nakalimutan ko pala na sandali lang ako dito at malamang galit na si Mama ngayon.
"Si Julia".? Tanong ni DJ at tumango naman ako sa kanya. Sasagutin ko na sana nang biglang mamatay yung phone ko. Kung minamalas ka nga naman nalowbat pa.
"DJ kelangan ko nang umalis baka kasi hinihintay na nila ako".! Tumayo na ako.
"Okay. Tara hatid na kita". Saktong tatayo na sya kaso pinigilan ko sya.
"DJ hindi ka pwdeng makita ni Mama". Sabi ko pa pero hindi nya ako pinansin saka humarap sakin.
"Kath please kahit ngayon wag mo akong pigilan. Ayokong isipin ng Mama mo na hindi ko sya kayang harapin".
"Pero kasi--"
"Please". Seryoso pa nyang sabi kaya pumayag na ako. Sabay kameng lumabas ng Stregato na magkaholding hands. Kaso hindi na namin nakita sila Mama, maging ang kotse ni Mama ay wala na sa parking. Kung ganun umuwi na sila. Hinatid naman ako ni DJ samin.
"DJ salamat. Mauna na ako ingat ka ha". Sabi ko at nagbeso ako sa kanya bago bumaba. Hinintay ko muna sya makaalis bago ako pumasok sa bahay. Narinig kong ngtatalo si Mama at Ate papasok na sana ako nang...
"Dahil magkapatid sila". Pasigaw ni Mama kay Ate. Sinong magkapatid ba ang tinuntukoy nila.
"Magkapatid sila Julia kaya hindi sila pwde". Hindi pwde. Magkapatid. Kame ba ni DJ ang tinutukoy ni Mama. Nakita ko naman na napaupo si Ate at lumapit si Mama sa kanya. "Anak hindi ko gustong gawin yun pero dahil magkapatid sila kelangan". Dagdag pa ni Mama. Kung ganun kame nga ni DJ ang magkapatid.
Hindi ko na yata kayang marinig pa ang mga sasabihin nila. Naghihina ang mga tuhod ko na anumang oras pwde akong matumba. Hindi totoo lahat yan, nagbibiro lang sila diba?
Namalayan ko na lang ang pagbagsak ng mga luha sa mga mata ko."Julia", muling tawag ni Mama.
"Mama sabihin mong hindi totoo yang sinasabi mo. Sabihin mong nagbibiro ka lang"? . Sabi pa ni Ate. Gusto ko rin marinig Mama kaya please wag kang magsinungaling.
"Hindi Julia. Totoo ang sinabi ko".
Dun na akong tumuyang napaupo sa sahig. Narinig kong umiiyak na si Mama pero mas lalo akong umiyak sa lahat ng nalaman ko sa kannya."Kung ganun ba ang Daddy ni DJ ang Papa namin". Tanong ni Ate. Pero hindi ko na yata kayang marinig pa ang sasabihin nya.
"Hindi. Anak ka namin ng Papa mo. Pero si Kath hindi namin sya anak".!
"hindi namin sya anak.
"hindi namin sya anak.
"hindi namin sya anak.
Parang nabagsakan ako ng bato dahil sa huling sinabi ni Mama na yun. Nagpaulit ulit sa pandinig ko mas lalo pa akong naluha sa katotohanang nalaman ko. Ang sakit. Ang sakit sakit sa pakiramdam lahat ng sinabi nya.
"Hindi ko anak si Kath. Hindi kayo magkapatid. Patawarin nyo ako", sabi pa ni Mama at umiyak sya ng umiyak. Kung meron man nasasaktan samin ako lang dpat yun. Kaya pinilit kong tumayo saka ako pumasok. Gulat naman silang nakita ako. "Mama".
"Kath". Tawag rin nya sakin. Lumapit ako sa kanya. Gusto kong harap harapan marinig mula sa kanya.
"Sabihin nyong nagsisinungaling kayo? Sabihin nyong sinasabi nyo lang yan dahil ayaw nyo kay DJ. Pero Mama wag naman kayong gumawa ng kwento". Pinilit kong magsalita kahit punong puno ng luha ang aking mga mata. Lumuhod naman sya sa harap ko, nilapitan sya ni Ate at inalalayan tumayo.
"Patawarin mo ako Kath. Patawarin mo ako anak". Yayakapin nya na sana ako kaso pinilit kong umiwas. Namalayan ko na lang na tumakbo na ako palabas ng bahay.
Wala akong pakialam kung san ako makarating. Gusto kong ibuhos lahat ng sakit na nararamdaman ko. Bakit kelangan mangyari lahat to. Naging mabuting anak naman ako at kapatid. Tumakbo ako tumakbo hanggang sa napagod ako at huminto sa isang basketball court. Lumuhod ako dun at umiyak ng umiyak. Kahit gaano pa kasAkit ang nararamdaman ko. Mapapagod at mapapagod parin ako umiyak. Yung tipong mga mata ko na yung kusang sumusuko.
TBC...
VOTE&COMMENT.
MARAMING SALAMAT.10chapter to Ending.😊
BINABASA MO ANG
MagKapatid Na MagKaribal(Completed)
Fanfiction"Ang kambal na si Kathryn at Julia ay masayahin at mapagmahal. Ang masaya at mapagmahal ba nilang samahan ay mananatili parin kapag nalaman nila na iisang lalaki lang ang kanilang iniibig? Title: MagKapatid Na MagKaribal Genre: TeenFiction Written B...