KATH POV.
Pagkatapos ng lunch ko kasama sila Ate Julia, sinundo ako nila Joy dahil pinapatawag daw kame ni Coach. Kaya humiwalay na ako sa kanila at sumama sa cheering squad papunta sa gimnasium kung saan nandun ang buong team.
Nang papasok na kame sa gym ay meron dalawang lalaki kameng nasa lubong at pamilyar sakin ang isa kanila. Ang lalaking nabunggo ko sa Vetafs. Akalain mo nga naman at magkikita pa kame at masaklap pa dun ay dito rin sya nagaaral.
Hindi naman ako galit sa kanya dahil sa nangyari samin kasi alam ko naman na ako ang may kasalanan. Pero ang ipinagtataka ko ay bigla na lang syang nagsungit sakin na parang sinadya ko yung nangyari.
As usual ang mga kasama ko kinikilig dahil sa kanya. Narinig ko rin na transferee student sya kaya siguro ngayon malaya na namin makita ang isat-isa, gayong iisa lang kame ng University na pinapasukan.
Nang dumaan kame sa harap nila ay huminto sya at nakakapagtaka na ngumiti sya sakin. Siguro natatandaan nya na kung san kame una nagkita pero nakakapagtaka naman na ngumiti sya.
Pagpasok namin sa gym kinausap kame ni coach para sa susunod na praktis namin. At sa di inaasang sinabi nya kay coach na gusto nyang sumali sa Team.
Pumayag naman si coach at pinakilala sya buong Team at pagkatapos samin cheering. Halos lahat sila nakipgkamay sa kanya at ako lang hindi gumaya sa kanila. Hindi ko alam pero bigla kasi akong nahiya.
"Hi Kath Im DJ." nagulat ako ng sya na ang lumapit sakin at inabot ang kanyang kamay. Saka sya ngumiti.
Hindi naman ako ganun ka snob para hindi sya pansinin kaya kusang kamay ko na ang lumapit sa kamay nyang naghihintay. Medyo nailang ako kaya ako na mismo ang bumitaw.
Winelcome sya ng lahat. Saka sya nagpaalam dahil meron pa daw silang klase. Nagpaalam narin kame kay coach at lumabas na para pumunta narin sa kanya kanya naming klase..
"Kath sa tingin ko type ka ni pogi." kinikilig na sabi ni Joy sakin habang palabas kame ng gym.
"Oo grabe yung tingin nya sayo, tapos sya pa mismo nagpakilala. Haba ng hair mo girl hehe." Sabat ni Shena
"Yun lang type na agad, grabe naman kayo." sagot ko sa kanila pero hindi parin nila ako tinigilan tuksuhin hanggang sa mghiwa hiwalay na kame.
Pumunta na ako sa room kung saan hinihintay ako ni Ate Julia. Pagpasok ko sakto naman hindi pa dumadating ang teacher namin sa subject nato kaya ngkwentuhan muna kame.
"Kath anong oras ang tapos mo sa Art Class mo mamaya,?" Tanong sakin ni Ate Julia habang ngsusulat sya ng report nya para bukas.
"30mins lang yun ate, hindi ko pa alam kung marami ipapagawa samin mamaya dahil unang klase ko yun." saka ko inaayos yung mga gamit ko para sa Art Class mamaya.
"Well hihintayin na lang kita sa Math Garden malapit dun sa Art Building, kasama ko naman sila Sharlene kaya hindi ako maiinip." aniya
"Sigurado ka Ate Julia kasi baka mainip ka lang, okey lang naman kung mauuna kang umuwi eh."
"Hindi pwde, kahit saan kang lugar nandun asahan mong nandun rin ako, hindi ako mappagod maghintay sayo ano ka ba." saka nya sinara ang notebook nya at ngumiti.
"As always remember I am good ate para sayo.""Salamat Ate Julia, alam kong nagsasawa ka na dahil sa paulit ulit kong sinasabi to pero maswerte talaga ako kasi may ate akong katulad mo." saka ko sya niyakap.
"Ay sus ngdrama na namn ang kakambal ko, diba nangako tayo sa na kahit anong mangyari lagi natin iintindihin ang isat-isa." at niyakap nya rin ako at hinalikan sa pisngi.
"Mahal na mahal kita ate." hinalikan ko rin sya sa pisngi saka ako bumitaw ng pagkayakap sa kanya.
"Mas mahal kita Kath."
"Ang sweet talaga ng kambal nato, sana may ate rin ako katulad nyo." sabi ng klassmate namin na nakaupo sa likuran. Ngumiti lang kame sa kanya saka dumating ang guro.
Masaya talaga at maswerte ako sa kakambal ko dahil alam kong mahal namin ang isat-isa. Si Ate ang palaging umiintindi minsan kapag may topak ako. Kapag nagtatampo ako sa kanya gumagawa sya agad ng paraan para mwala ang tampo ko.
Meron man akong simpleng pamilya ay sapat na yun sakin basta ang mahalaga ay mgkakasama kame sa hirap man o ginhawa. Simula nung bata kame lahat ng meron si Ate ay meron din ako never pinagkait samin ng mga magulang namin ang mga bagay na magpapasaya samin.
Kaya nasanay akong palagi nanjan si Ate Julia sa tabi ko, hindi ako iniiwan at hindi ako pinababayaan. Nangako din ako sa kanya na mgiging mabuting kapatid ako, dahil ayoko na nagaaway kame sa maliit o malaking dahilan.
Pinapangako ko rin na lagi akong magbibigay sa kanya, kasi kahit minsan hindi nya ako pinagdamutan ng pagmamahal. Kung darating ang araw na magmamahal kame parehas sana lang sa panahon na handa na kame.
Pagkatapos ng mga sumunod na subject ay tumunog na ang bell na hudyat na tapos na ang klase sa hapon. Inayos ko lang ang mga gamit ko at saka kame sabay na lumabas ni Ate Julia.
Sabay narin kame pumunta sa Art Building at saka naman namin nakita na nasa Math Garden na si Miles at Sharlene. Nagpaalam lang ako sa kanila saka na ako tumuloy sa Art Class na papasukan ko.
30mins lang naman ang klase at sana hindi sila mainip sa paghihintay sakin. Matagal na namin kaibigan sila Miles kaya sanay na kame sa mga ugali ng isat isa.
Pagpasok ko sa Room na yun ay hindi pa naman ganun karami ang nasa loob. Siguro meron pang hinihintay na ibang studyante para umpisahan ang klase.
Art Gallery ang nakalagay na post sa harap ng pinto at hindi ko inaasahang mamahang sa ayos at ganda ng kwarto. Meron hiwa hiwalay na upuan at sa harap nito ay may standing kung san nilalagay ang pagddrawingan ng magging model.
Nakapabilog ang ayos ng mga magiging pwesto ng nga artist at sa gitna nandun ang isang statue na hindi ko maipaliwanag kung sino.
Meron din mga cabinet sa tabi ng bintana at may mga gamit dun na sa palagay ko para sa artist."Kath come, just sit here near me." tawag sakin ng babaeng nakilala ko at nakipagkaibigan sakin.
Si Magui kaya lumapit naman ako sa kanya at umupo sa bakanteng pwesto na halos magkatabi kame. Ngumiti lang ako sa kanya at nagpasalamat. Mamaya lang dumating na ang magtuturo samin sa araw na yun.
To be continued...
Note:
Wait nyo POV ni Magui pinaghahandaan ko masydo yun kasi English Speaking si Magui eh mukhang mahihirapan ako. Hahhaha
Yun lang Slamat.Vote&Comment.
@MisReika
BINABASA MO ANG
MagKapatid Na MagKaribal(Completed)
Hayran Kurgu"Ang kambal na si Kathryn at Julia ay masayahin at mapagmahal. Ang masaya at mapagmahal ba nilang samahan ay mananatili parin kapag nalaman nila na iisang lalaki lang ang kanilang iniibig? Title: MagKapatid Na MagKaribal Genre: TeenFiction Written B...