Firts Met

2K 29 3
                                    

DANIEL JOHN POV.

Ako si Daniel John Ford 16years old at isang Senior Student, Galing kameng Pampanga at kasalukuyan lumipat dito sa Bataan dahil sa Business nang Pamilya ko. Nakapagenroll narin kame ng kapatid ko sa Tomas Del Rosario College o TRC. Nandito ako ngayon sa Vetafs Ng Balanga kasama ko yung kapitbahay namin sa Subdivision na nakilala ko at nakipagkaibigan si Alex.

Nandito ako sa Bookshelf at hinahanap ang libro ni Josh Aragonza na Bloddy Crayons. Pero hindi ko talaga mahanap kasi sa tingin ko wala pa ditong copy. May nahulog akong libro at yumuko ako para pulutin yun ng biglang may babae na nabunggo ako. I lost my balance so I end up to sitting on the ground.

She's wearing a white shorts and black long sleeves. Nakapony ang mahaba nyang itim na buhok, she's holding a lot's of books. Sa tingin ko nasa 5'5 ang height nya, she's pretty.

"I'm sorry, hindi ko sinasadya. Hindi kasi kita napansin, hyaan mong tulungan kita." Nilahad nya sakin ang kamay nya, di ko yun pinansin at tumayo saka humarap sa kanya.

"Miss, hindi ka naman singkit o bulag para hindi ako makita. Hindi rin ako bata para tulungan mong tumayo." saka ko sya tinalikuran.

"Sungit naman." bulong nya.

Hindi ko na sya muling sinulyapan, hinahanap ko si Alex. Sa palagay ko wala pa ditong copy ng libro na pinapabili ni Magui.

Nilapitan ko na si Alex.

"Dude wala pa yata yung libro na pinahahanap ng kapatid mo." sabi nya habang tumitingin sa ibang items.

"Hindi ko alam kung bakit sa dame na ng libro nya, yung wala naman ang pinapahanap." galing narin kame sa Pandayan pero wla din kame nakita.

"Baka hindi pa Published yun Dude o kaya man naubos na ang Copy."  lumapit sya sakin.

"Ganun na nga, nainip ka ba? Pasensya ka na wala pa kasi akong gaanong alam dito sa Balanga." Lumabas na kame, dahil wala kameng nakita libro na pinahahanap ng kapatid ko.

"Okay lang Dude, kunin ko muna yung pinatabi ko sa baggage tapos akyat tayo sa Robinson." saka nya ako tinalikuran.

Ang tagal ni Alex bago nya nakuha yung mga pinamili namin, bukas na kasi ang firts day ko sa TRC kaya namili narin ako ng mga gamit ko para sa school. Tinulungan ko na sya at saka kame pumasok sa Robinson.

Pagpasok namin hindi ko napigilan tumingin sa Pizza Hut at nakita ko yung babaeng nakabunggo sakin kanina. Sa tingin ko kasama nya ang magulang nya at kapatid na babae nakatalikod kasi ito at sya lang ang nakaharap sa side ko.

Hindi ko naiwasang tingnan sya habang tumatawa, bakit ko ba sya nasungitan kanina.? Ang mga ngiti nya na parang hindi mo makikitaan ng problema at sincere na masaya sya sa ginagawa nya. Naisip ko na ang cute nya pala, simple lang. Teka ano bang iniisip ko.?

"Dude, ayus ka lang, gusto mo ba kumain sa Pizza Hut?" natauhan ako sa tanong ni Alex at napansin ko kanina pa pala ako nakahinto.

"Ahh wala dude tara na." kahit naguluhan sya sumunod lang sya sakin.

Pumasok kame ng Expression pero ganun din wla kameng nakitang libro kahit alam kong wala nagbakasali lang kame. Kumain kame ni Alex ng Shawarma at umuwi narin.

Hinatid ko muna sya sa bahay nila at saka ako umuwi dito sa Doña Francisca Subdivision. Pagpasok ko sinalubong agad ako ni Magui.

"Kuya, did you find my books?" umupo ako sa sofa at sumunod lang sya.

"Wala kameng nahanap Magui, baka wala pang copy nun dito. Bakit hindi mo itry sa online store." sabi ko sa kanya at umayos sya ng upo.

"I'm just trying to find anywere, Kuya kahit sa online wala akong mhanap." inayos nya na ang mga gamit nya.

"Ibang books na lang Magui at saka ang dame mo nang books sa Room mo. Gusto mo pang dagdagan?" sumandal ako sa sofa dahil pakiramdam ko pagod na pagod ako ngayong araw.

"No way, Kuya. I just wanted that Bloody Crayons Book kasi gagawin syang Movie and I dont want to be the last person I haven't that book." Aniya

"alright, I'll try to find anywhere, o kaya man magtatanong ako sa mga kaibigan ko baka may alam sila mabilhan." ngumiti ako sa knya.

"Thanks Kuya, and by the way, I'm going to sleep na. I dont want to be late for my first class tomorrow." niligpit nya ang mga gamit nya at lumapit sakin. Hinalikan nya ako sa pisngi.
"Goodnight Kuya." saka sya umakyat.

"Goodnight Magui." pahabol ko.

Tinanong ako ni Yaya kung magdidinner pa ako. Wala pa daw kasi sila Mom at Dad pero si Magui nagdinner na kanina. Hindi na ako kumain kasi gustong gusto ko na ipahinga ang katawan ko. Naligo lang ako at inayos ang mga gamit ko para bukas saka ako natulog.

To be Continue...

(Note)
Hello Poh.
Puyat na naman ako. Hirap ng wlang kopyahan. Inisip ko lang tas diretso type na .Bahala na may maisulat lang. Di jowk. Lang. Pasensya na kung may mali man akong grammar sa English ngtry lang kung pwde. Sungit ni DJ noh uubra naman kaya sya kay Kath.
Free Comment kung may bumabasa man nitong gawa ko. Yun lang Salamat.

@MisReika

MagKapatid Na MagKaribal(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon