JULIA POV.
Lumipas ang isang buwan namin sa unang klase, naging busy rin kasi ang bawat isa sa amin. Minsan madalas ko na lang hintayin si Kath sa Art Class nya. Kapag may practice naman sya ng cheering nauuna na akong umuwi sa kanya.
Pumayag naman sya, dahil marami pa kasi akong magagawa kapag nauna akong umuwi. Kapag naman nasa Art Class sya ay kasama ko parin sila Miles sa paghihintay sa kanya. Dun ko rin nakakasama si Daniel.
Lalo pa kameng nanging close ni Daniel at ng kaibigan nya. Kaya sa tingin ko talaga may gusto rin yan sakin si Daniel. Kasi nakikita ko kasi sa kanya na masaya sya kapag kame ang magkakasama.
Hindi rin sya boring kausap, yung unang expression ko sa kanya na pagiging masungit nya. Ngayon hindi mo na yun makikita sa aura nya. At lalo pa sya ngayon nagging masaya kapag ako kame ang ksama nya.
Hindi ko parin nasasabi kay Kath yung tungkol kay Daniel. Siguro sasabihin ko na lang sa kanya kapag umamin na sakin si Daniel at kapag kame na. Gusto ko talaga sya kaya dapat lang na maging boyfriend ko sya.
Dahil sa palagi kameng busy ni Kath. Bihira na kame magkasama, gusto kong bumawi sa kanya. Ayoko naman na palagi lang kameng seryoso sa pagaaral, kelangan din namin magrelax pa minsan minsan.
"Kath bilisan mo na." Tawag ko sa kanya kasi nasa kwarto pa. Gusto ko kasing lumabas kameng dalawa.
Lumabas naman sya agad."Ready na ako Ate Julia." Ngumiti sya saka lumapit sakin. Niyakap ko naman sya at hinalikan sa pisngi.
"Ang ganda ganda talaga ng kapatid ko. Hindi ako magtataka kung isang araw malaman ko na may boyfriend ka na." Sabi ko sa kanya. Humiwalay naman sya ng yakap sakin.
"Mas maganda ka Ate Julia. Saka paano ako magkkaboyfriend eh wala ngang nanliligaw sakin." Sagot nya.
"Kung sa bagay. Saka malalaman ko naman kung meron nanliligaw sayo diba?"
"Oo naman Ate. Teka san ba tayo pupunta?" Tanong nya.
"Mamasyal tayo sa Park tapos kakain ng favorite mong kwek-kwek. Okey ba yun sayo?" Sagot ko. Tuwang tuwa naman syang sumagot. " Tara na",. Saka kame sabay na lumabas ng bahay. At sinarado yun.
Umalis kasi si Mama at Papa. Pero nagpaalam naman ako sa kanila kanina na lalabas rin kame ni Kath. Saturday naman ngayon eh, saka wala naman kameng gagawin sa bahay.
Nung makalabas na kame ng subdivision, pumara ako ng tryccle. Pagsakay namin nagpahatid kame sa Doña Park. Ang cute nga ng suot namin ni Kath, bagay na bagay.
Pagkahatid samin sa DP ay pumunta agad kame sa may Mini Church dun. Sandali lang kame pumasok, tapos pumunta kame sa Quadrangle. Hindi na gaano mainit dahil pagabi narin.
Nagmessege ako kila Miles na nasa Dp kame. Kaso nasa SM Pampanga daw sila at nagsshopping. Iba talga kapag mayaman eh, kahit saan pwde pumunta. Kahit naman dito lang ang kaya namin puntahan ni Kath ay masaya naman kame.
Umupo kame sa bermuda grass. Marami narin tao sa Park, meron din kasing playground dito. Meron din Tennis Club at sympre yung mga bahay nang mayayaman. May malapit na couple kame katabi, nilabas ko yung phone ko at nagpasabi na pwde kameng kunan ni Kath ng litrato.
Pumayag naman sila, kaya nagpose agad kame ni Kath. Yung pose na magkatabi pero magkatalikod. Nagpasalamat naman ako sa kumuha samin, pagkatapos kame na ni Kath ang nagselfie saming dalawa.
"Ang sweet nyo namang magkapatid. Bihira ang ganyang nagkakasundo." Sabi nung girl nautusan ko. Kasama nya ang boyfriend nya.
"Oo nga poh eh, ganun poh talaga siguro kapag kambal palaging nagkakasundo." Sagot ko sa kanya.
"Kambal kayo? Hindi halata kasi ang layo eh hindi kayo magkamukha." Nagulat na tanong naman nung guy.
"Fraternal Twins po ang tawag samin, kambal na hindi magkamukha." Tumango naman sila bilang sagot.
"Tara Kath Kain na tayo ng favorite mo. Sige iwan po muna namin kayo." Tumayo na ako at ganun din si Kath."Sige enjoy lang." Sagot ni ate girl.
Pumunta kame ni Kath dun sa may playground, dun kasi nakalagay ang mga vendors ng Park. Tamang tama nagluluto na si Manong ng kwek-kwek, kaya si Kath kita mo sa kanya na takam na takam na sya.
Nakakatuwa lang kasi ang babaw ng kaligayan nya ha, dun ako lalong humanga sa kapatid ko. Kahit kambal kame ay marami kameng pagkakaiba. Kung sya ay napakasimple, ako naman ay medyo may kaartehan.
Pero hindi naman sobra, minsan lang kapag meron akong bagay n ayoko. Ayoko tlaga, hindi mo ako mapipilit. At isa pang bagay na kapag gusto ko ay nakukuha ko, tulad na lng si Daniel. Gusto ko sya at gagawin ko ang lahat para magustuhan nya rin ako.
Habang nakatalikod si Kath, kinunan ko sya ng litrato. Sympre kasama ako, pinost ko agad yun sa Facebook. Nilagyan ng caption na foodtrip. Saka naman nagdatingan ang mga comments. Una na dun si Miles at Sharlene, sabi nila nextime daw sama sila.
Naisip ko palang isearch ang FB account ni Daniel, meron naman lumabas kaso nakaprivate. Sayang naman bakit ba kasi ngayon ko lang naisip yun, siguro kapag nagkita na lang kame itatanong ko.
As usual ang dame nakain ni Kath ng kwek-kwek, samantalang naka 5 pesos lang yata ako. Bumili narin kame ng Bottle water, hindi kasi kame mahilig sa tinda nilang juice o palamig. Nagiingat lang kame.
Sinulit namin ni Kath ang araw na yun, kung baga araw naming magkapatid. Masayang masaya namna sya kasi kahit papano nagkaroon kame ng ganitong bonding kahit naging busy kame.
Atleast nakabawi rin ako sa kanya sa mga bagay na hindi ko pa kayang sabihin. Nagguilty rin naman ako at nagsisinungaling ako kay Kath pero meron namna akong reason eh. Maiintindihan rin nya ako.
Umuwi narin kame ng 7pm na, tumawag kasi si Mama na nasa bahay na sila. Pagdating namin sa bahay ay nagpahinga muna kame, saka nag dinner. Pagkatapos maglinis ng kusina ay pumasok na ako sa kwarto.
Naabutan ko naman nakahiga si Kath sa kama at nagbabasa, lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nya. "Matulog ka na bukas na yan. Hindi ka pa ba pagod?" Paglalambing ko sa knya.
"Okey sige. Matutulog na ako pero pwde tumabi ka sakin ngayon Ate Julia kahit ngayong lang." nakangiti nyang tanong.
"Oo naman", umusog naman sya at binigyan ako ng space sa kama nya. Tumabi ako at niyakap sya. "Goodnight Kath." sabi ko.
"Goodnight Ate." Saka nya pinatay ang lampshade. Yumakap narin sya sakin. Natulog kame ng magkayakap.
Sana palagi kameng masaya ni Kath at walang problema na darating para hindi kame mgkasundo.Bilang Ate nya, palagi akong nasa tabi nya. Pprotektahan sya at ipagtatanggol sa taong umaaway sa kanya. Mahal na mahal ko sya at gagawin ko ang lahat para hindi sya umiyak. Bilang Ate nya ay susuportahan ko sya sa lahat ng bagay na gugustuhin nya.
TBC...
NOTE:
Sana nga Julia. Wag kayong magkagulo dahil baka sa huli hindi mo mapanindigan lahat ng sinabi mo.kapag nalaman mong isang lalaki lang ang nagugustuhan nyo. HeheVote&Comment. Tenchu.
@MisReika
BINABASA MO ANG
MagKapatid Na MagKaribal(Completed)
Fanfiction"Ang kambal na si Kathryn at Julia ay masayahin at mapagmahal. Ang masaya at mapagmahal ba nilang samahan ay mananatili parin kapag nalaman nila na iisang lalaki lang ang kanilang iniibig? Title: MagKapatid Na MagKaribal Genre: TeenFiction Written B...