Pagkukunwari

1K 12 0
                                    

JULIA POV.

Kinausap ako ni Mama nung sinundan nya ako sa labas. Hindi daw dapat kame nagaaway ni Kath dahil magkapatid kame. At kung ano man daw ang dahilan nang pagaaway namin ay intindihin ko na lang.

Ganyan si Mama kapag si Kath na ang paguusapan. Palagi na lang si Kath ang tama at palagi na lang dapat ako ang umintindi dahil ako ang matanda samin dalawa. Nakakainis dahil kahit anong gawin ko palagi na lang ako ang kelangan magparaya. Pero not this time.

Nung lumabas si Kath sa kwarto ay nilapitan ko sya saka niyakap. Nag sorry ako sa kanya sa mga nasabi at nagawa kong pananakit. Pero dahil sa mabait sya ay pinatwad nya ako na parang walang nangyari. Hindi ko alam kung ganun talaga o sya ngpapaawa lang ng sobra.

Ngsorry din sya sakin. Tumango lang ako saka nakangising tinalikuran sya. Nagayos lang ako sa sarili saka sandaling nagpahinga. Pinikit ko palang yung mata ko nang maramdaman kong pumasok si Kath sa Kwarto. Lumapit sya sakin at hinalikan ako sa forehead at bumulong sya. "Mahal na mahal kita Ate". Sabi nya saka muling lumabas.

Dumilat ako saka tumayo. Sana nga Kath mahal mo ako dahil kung totoo yan, kaya mong magparaya para maging masaya ako. Sana this time Kath ako naman ang pagbigyan mo kahit eto lang kontento na ako.

Kinabukasan sabay kame pumasok ni Kath na parang walang nangyari. Hindi ako masyado ngsasalita kaya tahimik rin sya. Naalala ko yung nangyari kahapon, hindi ko alam kung pano ko rin haharapin si Daniel.

Pagdating namin sa school.

"Okay na sila agad".?

"Mabuti naman. Pero bakit nya ba sinampal si Kath".?

"Ewan ko ba. Hindi natin alam.

"Bagay si Kath at Daniel noh"

"Oo kaya nakita nyo ba yung ginawa ni Daniel kahapon nakakilig"

Yan ang mga sabi ng mga babaeng nadaanan namin papasok ng campus. Nakakairita lang dahil paulit ulit sila. Ngayon lang ba sila nakakita ng proposal na ganun. Inirapan ko lang sila saka kame dumiretso sa classroom.

Discuss.

Discuss.

Discuss.

Lunchbreak.

"Ate mauna ka na sa Canteen. May hihiramin lang akong libro sa library". Sabi ni Kath. Tumango naman ako saka lumabas at bumaba para pumunta sa canteen.

Pagpasok ko nasa pwesto na namin sila Miles. Nakangiti naman akong lumapit sa kanila. "Naka order na ba kayo".? Tanong ko saka umupo.

"Anong trip mo at sobra ka naman yata makangiti jan"?.  Seryosong tanong rin ni Sharlene.

"Oo nga. Nasan si Kath okay na ba kayo"? Baka gusto mo magkwento". Sabi ni Miles. Umorder muna kame ng pagkain at habang wala pa si Kath kinuwento ko sa kanila lahat.

"What do you mean".? Si Miles

"Pagkatapos nung nanyari okay ka na agad.? C'mon Julia hindi mo kame manloloko noh". Kaibigan ko nga sila. Dahil alam nila ang tumatakbo sa isip ko.

"Why not.!". Saka ako serysong tumingin sa kanila. "Kasama yun sa pagkukunwari ko. Akala ni Kath okay kame, pero ang di nya alam gagawin kong miserable ang relasyon nila. Sa tingin nyo ba basta basta ako papayaga na sya na naman ang bida?

"Julia kapatid mo si Kath. Wag naman umabot sa kelangan mong gumawa ng bagay para magaway kayo". Ngalalang sabi ni Miles.

"Siguro tama ang Mama mo, bilang ikaw ang nakkatanda dapat lang siguro na ikaw na ang magparaya". Dagdag na sabi rin ni Sharlene.

"Seriously? Kaibigan ko ba talaga kayo? So ganun na lang kelangan ako naman ang mgpakamartir ganun ba? Hindi. Hindi ko gagawin yun".  Saka ako tumayo at lumabas ng canteen.

Bakit ba lahat sila ganun ang gustong mangyari.? Hindi ba pwdeng kahit ngayon lang suportahan naman nila ko. Nakakasawa na palaging ako mali at kelangan umintindi sa sitwasyon.

Hindi ko namalayan na napunta ako sa parking lot. Sakto naman dumating ang isang pamilyar na sasakyan. At bumaba dun si Daniel nagkatinginan kame ng bumaba sya. Eto na siguro ang pagkakataon para magkausap tayo. Lumapit sya sakin at nakangiti ko syang hinarap.

"Julia im sorry". Seryoso nyang sabi. Bakit sya magsosorry dahil ba si Kath ang gusto nya. Dahil alam nya na mgkapatid kame kaya naguguilty sya dahil si Kath  at hindi ako.

"Dapat nga kame ang magsorry sayo eh". Nakita ko ang pagkagulat sa itsura nya. "Dahil masyado yata namin ginalingan ang pagarte namin ni Kath", dagdag ko pa.

"Anong pagarte? What are you saying"? Seryoso nyang tanong sakin.

"Hindi mo ba talaga alam?. Napangisi naman ako sa muling tumingin sa mata nya. "Lahat ng yun nakaplano. Palabas lang ang lahat. Pinagpustahan ka lang naman namin. Si Kath at mga kaibigan ko". Kitang kita ang pagkagulat sa kanya na halatang hindi makapaniwala sa sinasabi ko. "Hindi mo alam? Talagang sineryoso mo lahat? Hahha Grabe ka naman Daniel hindi ko alam na madali ka palang maloko". Nakagisi ko paring sabi sa kanya.

"Hindi totoo yang sinasabi mo".? Pagalit na sabi nya sakin. Ganyan nga magalit ka, magalit ka para patas.

"Eh bakit hindi mo tanungin si Kath o kaya man sila Miles. Lahat yun plano namin, akalain mong nahulog ka sa bitag. Hahha."

"Pwde ba Julia kung galit ka sakin. Wag mo na idamay si Kath dahil kahit anong sabihin mo hindi ako maniniwala sayo".!

"Eh di wag. Hindi ko naman sinabing maniwala ka eh, basta ako inaaware lang kita sa kalokohang ginawa namin. Ang pagkikita nyo ni Kath sa Vetafs, ang pagsali ni Kath sa Art Class para mapalapit sa kapatid mo. Ang pagiging magkaibigan natin, ang pagsali ni Kath sa cheering. Gets mo na? Lahat yun plano namin kasi nga pinagpustahan ka namin. Nkakatawa lang kasi siniryoso mo at wait may malala pa eh nahulog ka kay Kath". Dun ko na nakita ang totoong galit sa kanya. Hahha saka nya ko biglang hinawakan sa braso.

"Ganun pala. Congratz ang galing ng palabas nyo dahil naloko nyo ako". Saka nya ako tinulak at saka sumakay sa sasakyan nya pinaharurot yun palabas ng campus.

Congratz sakin dahil napaniwala kita. Hindi ko gustong gawin yun pero kung hindi ka mapupunta sakin. Mas lalong hindi pwdeng mapunta ka kay Kath. Meron akong dahilan kaya yun ang gusto kong mangyari satin lahat.

Hindi na ako bumalik sa canteen. Pumasok na ako sa susunod kong klase saka maya maya lang dumating narin si Kath. Tinanong nya ako kung anong nanyari, sinabi ko lang na hindi ako gutom kaya hindi na sya nagtanong pa. Sana lang walang sinabi sa kanya sila Miles.

Ganito na ba talaga ako kadesperada para lang hindi mapunta si Daniel kay Kath. Aminin ko man meron paring guilt kahit konti sa puso ko. Kinalaban ko ang kapatid ko, sinira ko sya sa taong gusto nya para lang sa makaganti ako. Makasarili na ba talag ako dahil sa mga pinaggagawa ko. Pero nangyari na eh kaya wala na akong dahilan para makonsensya pa. Ang dami kasing lalaki Kath bakit si Daniel pa ang nagustuhan mo.

TBC...

VOTE&COMMENT.
MARAMING SALAMAT.

MagKapatid Na MagKaribal(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon