IMPERIAL PALACE-QUARTER OF THE KING
7:30 P.M
KING YUENG TAE WO POV:
Panahon na siguro para maipamana ko na ang aking trono sa isa sa aking mga anak, tumatanda na din ako at hindi ko na kayang pangalagaan ang kaharian na ito.
Ipinatawag ko si Herenal Nel para ipagbigay alam sa lahat ang nalalapit na kaarawan ni yoo jae, alam ko na marami akong pagkukulang sa kanya bilang ama, kaya nararapat lang na mabigyan ko siya ng magandang kaarawan. :)
Ilang sandali lang at may kumakatok sa aking silid, sumagot naman kaagad ako, at pumasok na nga si heneral nel, malaki ang tiwala ko sa kanya.
"magandang gabi po kamahalan", magalang niyang saad habang nakaluhod na nakaharap sa akin
"umupo ka", utos ko sa kanya at agad niya namang sinunod iyon.
"ano po iyong kamahalan?",
"gusto kong ilathala mo sa buong kaharian bukas na bukas din ang nalalapit na kaarawan ni yoo jae, alam kong matutuwa siya, 24 na siya, kaya alam kong matutuwa siya", sabi ko ng ngumiti ang heneral.
"maganda po ang naisip niyo kamahalan, alam kong ikatutuwa ito ng prinsipe",
"siya, ikaw na ang bahala at ako'y magbabasa pa", saad ko at tumayo na din siya tsaka nagpaalam na saka lumabas sa aking silid. Tama magbabasa pa ako ng gabundok na babasahin,haaay....
YONGHYE POV:
8:30 P.M
Naglalakad lakad ako dahil hindi ako makatulog, nasa labas ako ng aking quarter, ganito ako kapag hirap akong makatulog, hmmm, ang sarap ng hangin na dumadampi sa aking mukha haayyy...........
"bakit nasa labas ka pa?", O_O? nagulat ako sa taong nagsalita mula sa aking harapan, napapikit kasi ako dahil dinadama ko ang hangin na dumadampi sa aking mukha.
"Yoo Jae", sabi ng makita ko kung sino ang nagsalita, hindi din ba ito makatulog?
"hindi ka din ba makatulog?", tanong niya sakin ng tumingala siya sa kalangitan, natingala na din ako.
"hindi, kaya lumabas muna ako", sabi ko ng lingunin ko siya. Wala pa ding pinagbago ito simula noon pa, ganito pa rin ito katulad ng dati. tsk.
"ikaw ba? bakit nasa labas ka pa?", balik tanong ko sa kanya ng makita kong nabaling ang kanyang atensyon sa ibang direksyon. Hmmmm
"may iniisip lang ako", saad niya ng sundan ko kung saan siya nakatingin. Nagulat ako ng makitang naglalakad si yuriko kasama ni Lady sonia, napaisip tuloy ako, bakit ginabi ang dalawang iyon. Nilingon ko si yoo jae saka nagsalita.
"matulog ka na, pupuntahan ko lang sila", saad ko sa kanya at naglakad papunta sa dalawa...
"Yuriko, Lady sonia, ginabi yata kayo. may nangyari ba?",pag-aalala kong tanong sa dalawa
"magandang gabi po prinsipe yonghye,wala pong nangyari, sadyang ginabi lang po kami galing templo," saad sakin ni lady sonia, pero napadako ang aking tingin kay yuriko.
"kamusta ng araw mo? mukhang pagod ka ngayon", sabi ko sa kanya ng mag-angat siya ng tingin sakin, aaah, naalala kong magkasama din pala sila ni lady sonia, baka mahala niya kaya tinanong ko din siya
"kamusta na din po ang inyong pagtuturo samga celestial ladies?", sabi ko kay lady sonia na halatang kanina pa papalit-palit ng tingin sa amin ni yuriko.
"aaah, ok naman po mahal na prinsipe, sa totoo niyan ay mabilis po silang turuan", sagot sakin ni lady sonia ng biglang magsalita naman si yuriko
"tama, hahaha, okay naman po kami, kaya ikaw magpahinga ka na", sabi niya sakin ng sawayin siya ni lady sonia, natatawa na lang ako sa kanya, sana lang ay sakin lang siya mag ganyan kung hindi, naku malaking problema..
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Historical Fiction"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...