YURIKO POV:
"Magandang araw sayo lady bia",
"Magandang araw din po",
"Inaanyayahan po kayo ng mahal na reyna na pumunta sa kanyang quarter ngayon",
"Ako? Bakit po?", takang tanong ko dito. Paparusahan na ba ako dahil sumagot ako sa kanya nun? >_<
"Malalaman niyo po mamaya pagdating niyo, pumasok na po kayo sa dala-dala naming palanquin",
Napatingin ako sa isang hugis bahay? Palanquin? Yun yung sinasakyan diba? Aba matindi!
"Diyan ako sasakay?", takang tanong ko pa din, nako mabuhat kaya ako nila? Kung sa bagay may apat na kalalakihang nakatayo doon.
"Opo lady bia", saad niya.
Nagtungo naman ako sa palanquin, pumasok doon, ang liit naman to, good for one person! Naupo na ako ng biglang isara ng isang lalaking ang parang pinto. Bakit kaya pinatawag ako? Nakakapagtataka
Ilang minuto lang siguro ang nilakbay namin ng magsalita ang heneral.
"Nandito na tayo ,maari na po kayong bumaba", saad niya.
Binuksan naman agad ng lalaking nagsara kanina sa palanquin, inabot ang aking kamay at lumabas ako doon.
Wow! Ito sa siguro ang quarter ng reyna."Dito po ang daan lady bia",sambit ulit ng heneral at naglakad.
Dumaan kami sa napakagandang tulay, sa ilalim kasi nun ay puro mga halamang namunulaklak ng ibat ibang kulay, anong tawag dun?. Hindi ko na pinansin kaya naglakad na lang ako.Nakarating na siguro kami dahil nakikita ko na ang daming kababaihang nakatayo sa isang silid sa labas,nakayuko ang mga ito. Hindi ba sila napapagod? Napahinto ako sa aking paglalakad ng huminto sa tapat ng pinto ang heneral.
"Mahal na reyna, si heneral ryuen po ito, at nandito na po si Lady Bia",
"Papasukin niyo",
Mandatory palang sabihin ang pangalan ano?
"Pumasok na po kayo Lady Bia" sambit ng isang babae malapit sa pinto.
Bumukas na kasi nun ang pintuan kaya pumasok na lang din ako. Napilitan pa ano!hahaha.
"Maupo ka", utos ngayon ng reyna!.
Nakatayo kasi ako! Nakaupo siya at grabe naka all red! O_O? Birthday?Ang dami din niyang mga hairpin sa kanyang buhok!hindi ba siya nabibigatan? Grabe siya..
"Maupo ka, wag ka ng mahiya", utos niya ulit
"Salamat po", tugon ko naman at naupo na.
Ang laki din pala ng silid nito! Ang taray ni ate!
"Gusto mo ba ng tsa-a?", alok nito sakin
"Sige po", tanging tugon ko.
Sinalinan niya ako sa isang napakaliit na baso at ibinigay sakin."Tikman mo,masarap yan", ngiti niya
Inabot ko yun,at inamoy,ang bango infairness, tinakman ko yun, ang sarap! Mahilog talaga silang mag tsa-a, gusto ko sana kape eh,yung frappe!
"Nagtataka ka siguro kung bakit kita pinatawag dito",
"Aaah,bakit nga po?", takang tanong ko habang nilalasap ang lasa ng tsa-a, masarap siya.
"May gusto lang kasi akong malaman tungkol sayo", saad niya ng matigilan ako . Napatingin ako sa kanya ng diretso. Lagot! May alam ba siya tungkol sa pagkatao ko?
"Ano po yun,mahal na reyna", tugon ko at nag iwas pakunwari ng tingin.
"Wala ka ba talagang naaalala simulang nahulog ka sa bangin ng mga panahong yun?",
Wow! Please lets not bring the past back anymore ate girl. Dahil hindi ko din alam! Jusmiyo!
"Wala po", tipid kong tugon. Bakit mo tinatanong sakin yan?
"Kung ganun, paano ka nakaligtas?", tanong ulit nito.
"Hindi ko alam kung bakit",
"Wag kang mag alinlangan na sabihin sakin ang lahat, matutulungan kita", ngiting sabi niya sabay hawak sa aking dalawang kamay.
Matutulungan niya daw ako?
"Matutulungan mo ba akong makabalik?", takang tanong ko ng kumunot ang kanyang nuo.
"Syempre naman, kahit ano pa yan", ngiting sabi niya
"Makapagkatiwalaan po ba kita?",
Isang panagilip lang ang nangyari, hindi totoong si bia ang susi. Gagawa ako ng sarili kong way para maka alis na sa mundong ito.
"Oo naman, basta bat tulungan mo din ako", ngiti niya
"Sige,tutulungan kita",
"Anong sinasabi mong tulungan ka para makabalik?saan?", takang tanong niya sakin.
"Hindi ako si Lady Bia, ako si Hanazaki, dinala niya lang ako dito,kaya kailangan kong makabalik sa aking mundo", salaysay ko ng kumunot ulit ang nuo nito.
"Hindi ikaw si Bia?teka! Saglit!nalito ako! Kaya wala kang maalala? Dahil hindi talaga ikaw si bia?"
"Tumpak! Nanggaling ako sa ibang mundo!!",
"Pero bakit? Ano--" putol niyang sabi ng bigla na lamang bumukas ang pinto at iniluwa doon si Yonghye. O_O? Anong ginagawa niya dito.
"Ina,ipagpatawad mo pero kailangan ko pong makausap si bia", sabi niya at bigla niya lang hinila ang kamay ko.
"Yonghye! Hindi pa kami tapos mag-usap", habol ng reyna pero kinaladkad na ako ni yonghye paalis doon.
"teka! Ano ba yonghye, dahan dahan nan, nasasaktan ako!", sabi ko ng bitiwan niya ako.
"Anong sinabi mo sa reyna!!!", sigaw nito sakin.
Ano bang problema nito? At first time kong nakita itong nagalit sakin. Nakakapagtaka.
"Anong sinabi mo!!", ulit nito at niyugyug ang balikat ko.
"Ano ba! Samin na yun", sabi ko at tinalikuran siya.
"Alam ko na hindi ikaw si bia", sambit nito ng ikinahinto ko naman sa paglalakad.
Ano? O_O? Alam niya na?pero paano?
"Anong sabi mo?",
"Hindi ikaw si bia! Kapag nalaman ng kaharian ito mabigat ang kaparusahan mo",
Bina black mail niya ba ako?
"Kanino mo naman yan? Ang alam ko kami lang ni..... saglit wag mong sabihin na",
"Patawad pero narinig ko ang pag-uusap niyo ni Lady Sonia, nung una hindi ako naniwala,pero nung kalaunan ay na kumpirma ko yun ng makita ko ang pulseras na kulay berde,hindi kasi nagsusuot si bia ng pulseras,at gray ang gusto niyang kulay", salaysay nito ng manigas ako na parang bato.
Hindi ako na inform. Katapusan ko na ba?"Kung ganun, alam mo na na hindi talaga ako si bia? Tsaka may alam ba dito si yoo jae?", kinakabahan kong tanong.
"Hindi, at wala akong balak na sabihin sa kanya yun",
Pero bakit?
"Ang akin lang ay wala na sanang may makaalam pa sa bagay na yun,kung hindi mapapahamak ka", sambit niya sakin at umalis na.
Naiwan akong napaupo na lamang sa lupa. Ito ba ang sinasabi ni Lady Sonia na hindi pwedeng ipagsabi ang tungkol sa pagkatao ko? Anong gagawin ko ngayon? T_T
A/N: Hi guys, don't forget to votes and comments.
Thank you. ^_^
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Historical Fiction"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...