Chapter 47- Dream(2)

72 4 2
                                    

A/N:
Hello bebes!
Nauna na po ang A/N >_<...
Salamat po sa mga na imbyerna sa tagal ng pag UP ko! HAHAHA!
Sana mapunan ko na naman ang kakulangan ko! HAHAHA!
Nag enjoy ang Lola Niyo sa Winter Season! Inuulit ko! At uulitin ko pa! Winter Season! HAHAHA

Malapit ng mag wakas ito yehey!! Wait lang! Ilang Chappy na lang! ayoko pang tapusin pero kinakailangan ng maka move forward tayo sa natengga ko sa kabila!HAHAHA

Anyways this Chappy!
I dedicate! (May ganern!) HARHAR!

To:
→gene000←

Love lots babies!

Enjoy! HIHIHI
.
.
.
.
.

IMPERIAL PALACE:

YOO JAE POV:

Kasalukuyang nagsasanay ako sa isang silid kung saan ang may mga dugong maharlika lamang ang pwedeng makapasok.

Hawak-hawak ko ngayon ang pana't palaso.

Nakailang asinta na ako pero ni isa hindi pa rin tumatama.

Natuon ang atensiyon ko ng makaramdam ng may mga matang nakamasid.

Yonghye?

"Kanina ka pa ba?", tanong ko habang ibinalik na ang aking atensiyon sa pana't palaso na siyang kakalabitin ko ulit.

"Mga dalawang minuto palang naman",

"Anong sadya mo?", saad ko ng kinalabit ulit ang pana pero hindi pa rin tumatama sa dapat na kalagyan nito.

"Mukhang wala ka yata sa iyong suwestyon mahal na kapatid", saad niya ng kumuha din ng palaso at pana.

Isang tira lang niya iyon at naasinta niya kaagad.

Ibang klase!

"Dapat kasi buo ang atensiyon mo. Ayos ba ^_^", ngiting sambit nito

Tsk

"Ayos", tipid kong tugon

"Siya nga pala nais ni Ama na magsalo-salo tayo mamaya sa hapag kainan, wag kang mawawala kasi ikaw ang sentro ng talakayan, alas syete, hihintayin kita ^_^",

"Talakayan? Para saan?", takang tanong ko dito ng humarap sa kanya

"Hindi ko alam, at ayoko ding maki esyoso sa mga bagay-bagay na magbibigay sakit sa ulo ^_^",

Patungkol kaya saan ?

"Sige, magkita na lamang tayo mamaya", saad ko ng ituon ko ang aking atensiyon sa aking ginagawa

"Hindi ka ba nag-aalala kay Bia?",

Hindi ko inaasahang marinig ito ng napakahabang panahon kay Yonghye

Mahabang panahon!

Oo!

Mahabang panahon na 'yon para sa'kin

Kahit na buwan pa lamang ang nakakalipas simula ng maghiwalay ang mga landas namin

Apat na buwan ba? O mas higit pa?

Hindi ko na din masyadong iniisip yun

May mas mahalaga akong misyon na kailangan maisakatuparan

Sa pagkakatanda ko ay hindi pa kami nag-uusap sa bagay na ito

Sino ba ang hindi mag-aalala hindi ba?

Walang taong hindi mag-aalala lalo na't wala siya sa paningin ko

Pero sabi nga nila, may panahon para diyan

Love is True (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon