YOO JAE POV:
"Sigurado ka na ba sa naging desisyon mo?", tanong sakin ni heneral nel na noon ay nakatingala sakin, sumampa na kasi ako sa aking kabayo. Babalik ako sa mukani kasama ng aking mga tauhan, kailangan ko ding palakasin ang aking hukbo at isa pa ay ayokong sundin ang aking ama sa pilit niyang ipakasal ako sa babaeng ni hindi ko mahal kaya nanaisin ko munang lumayo pati na din kay bia
"Sigurado na po ako heneral","Alam ba ng kamahalan ang tungkol dito?", tanong niya ulit ng tumingin ako sa kanya
"Marahil ay alam na niya", tipid kong sabi dito
"Kung ganun mag-iingat po kayo mahal na prinsipe",
"Kayo din, hanggang sa muli", saad ko ng nagbigay na ako ng signal upang lisanin ang palasyo. Malapit na kaming makalabas ng palasyo ng may biglang humarang sa harapan ko.
"YOO JAE! ANO BA SA TINGIN MO ANG GINAGAWA MO? ITO BA TALAGA ANG GUSTO MO? AALIS KA NA LANG NG BASTA BASTA?!", Sigaw nito ng mapatingin ako sa kanya
"Yonghye sayo ko na muna ipapaubaya si bia", sambit ko dito at pinatakbo na ang aking kabayo paalis doon.
"YOO JAE!! YOO JAE!!", sigaw nito pero hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin, bagkos ay binilisan ko pa ang pagpapatakbo hanggang sa makalayo na. Yonghye! Aasahan kita! Pinapaubaya ko na sayo si yuriko hanggang sa makabalik akong muli.
YURIKO POV:
"Po?", o_o? tulalang sambit ko ng magkasalubong kami ni Lady sonia papunta sana ng templo para sa pagtuturo ng ritual at mga dasal na sinasagawa ng mga celestial lady at kasama na nga ako dun,okay sige! Tanggap ko na! T_T
"Kanina ko lang nalaman kaya sinabihan agad kita", sabi niya sakon na para bang ano mang oras ay matutimba ako sa aking nalaman.
Excited?atat yatang magpakasal ang kumag na 'yon! Siya sige! Go! T_T
"A--san na po si-ya? Wala po ba si-yang iniwang sulat?o sina-bi?", sunod sunod na tanong ko sa kanya ng hawakan niya ako sa magkabilang balikat at niyakap! Sus kunwari pa ako nho!traydor na puso!
"Anak! Kanina pa siya umalis kasama ng hukbo niya, wala din siyang iniwang sulat at hindi din kami nagkita", saad niya habang yakap-yakap pa din ako, parang humina yata ang mga buto ko sa tuhod! Bakit ganun? Lintik!
"Lady sonia",
"Ano yun?", tanong niya sakin ng tingnan ko siya at kumawala sa pagkakayakap niya. Nakapag desisyon na ako! Bahala na si batman. Tsaka isa pa unti-unting napapalapit na sakin ang mga taong 'to.
"Tara na po sa templo, baka madami ng naghihintay satin",
"Sige, tara na", saad niya at naunang maglakad. Sumunod naman ako sa kanya pero bago pa ako nakahakbang ay lumingon akong muli! -_- paranv ginawa ko na ang lingon pose na 'to nung nakaraang araw ah. Ni wala man lang paalam? Ano ba yan! Wag kasi self assume ng assume! Pasaway!
"Yuriko",
"Andiyan na po", sabi ko ulit at sumunod na kay lady sonia patungong templo.
Mag-ingat ka sana yoo jae, maghihintay ako. O_o? Tama ba ang sinasabi ko? Maghihintay? Kung sa bagay! Tayong mga babae pwede ng bigyan ng award best in waiting! Waiting na hindi na binalikan! T_T.
Kung kayang hintayin ka ni bia, kaya ko rin. Kung kaya ka niyang alagaan,kaya ko rin. At kung kaya ka niyang mahalin, ihahanda ko na ang sarili ko na pagbigyan naman ang puso ko, hindi na ako magkakaila pa!hindi ko na i dedeny! Aamin na ako! Unti-unting nahuhulog ang traydor kong puso! Walang ibang sinisigaw kundi ikaw! Kaya ihahanda ko na ang sarili ko! My gas! This is it! NBSB pa naman ako! Dasal ko lang ay sana kapag dumating ang panahon na matuklasan mo kung sino talaga ako ay wag sanang mag-iba ang pagtingin mo! T_T Waaaaah!!
A/N: hi guys! Enjoy reading. Hihi
Votes and comments. Mwuah.^_^
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Ficção Histórica"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...