YURIKO POV:Mula sa pintong aking kinatatayuan ay kitang kita ko sa hindi kalayuan ang babaeng nagdala sa mundong aking ginagalawan.
Ang babaeng siyang pasimuno ng lahat kung bakit nasa isang sitwasyon ako ngayon.
Ang babaeng tunay na minamahal ng minamahal ko rin. Ang gulo diba? Pero kayo na ang bahala. Harhar!
Nakatayo ito sa silong ng malaking puno sa labas ng bahay na siyang tinitirhan namin.
Gulat na gulat ako! At last sa mahigit apat na buwan! Sabihin na lang natin suma total anim na buwan na akong naninirahan ng tahimik sa bayan kung saan ako ipinatapon ng Kamahalan.
Ang dami kong nais tanungin. Sana naman ay wag ng magpatumpik tumpik 'to ng wishes granted na peg ko.
Infairness maganda ang hairstyle nito. Yan ang bet at bentang benta sakin eh. Sa Palasyo palang ako. Lugay lang! Wag ipit nho! Chaka! Nakakatanda friend!
Ngumiti ito sakin.
Nakakaloka na nakakatakot!
Biruin mo? Nakakausap ko ang MULTO! Legit!Hindi ako ngumiti! Para saan? Ng iinsulto ba siya?
Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin.
O_O
"Bia", panimula nito.
Bia! Hello!
"Kumusta ka na?", panimula number two nito.
Tumikhim muna ako bago magsalita.
"Hay salamat nagpakita ka na sakin ano? Anim na buwan na kinailangan kita, ngayon ka lang nagpakita? Saglit! Kumusta ba kamo? Buhay na buhay pa naman ako,humihinga pa nga eh, ok ka na?", sarkastik kong tugon.
Tinignan niya lang ako na para bang walang nangyari.
"Salamat, batid kong nakuha mo na ang kapangyarihan na taglay ko", saad nito
Bakas mo sa kanyang mga mukha ang saya.
Wait lang!
Kapangyarihan?
Ay juice colored! Color pink!
Nakakaloka!
-_-
"Kapangyarihan? Wag ka ngang gagawa na naman ng bagong script! Tandaan mo ang hirap ng role ko dito! Hindi na ako matapos tapos!jusko Bia",
Bet ko ang kimono niya frend!
Dugyot kasi sakin.
Palit na lang kami please! T_T
Ngumiti lang ito ng isasagot.
Anong nakakatawa?
"Pangiti ngita ka dyan ah, nababaliw ka na",
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Narrativa Storica"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...