Yengting POV:
Hindi ako makapaniwala na ni isang alala na mayroon kay Bia ay hindi niya maalala. Gaya nga ng sabi ni Yoo Jae ay dahil sa isang insidente noon, ano kaya yun?
Napagpasyahan kong mag lakad lakad sa hardin na madalas naming pinaglalaruan ng mga bata pa kami.
Napatigil ako ng mamataan ko kung sino ang taong nandoon, mga dapit hapon na din 'yon. Walang iba kundi si Yoo Jae na nakaupo sa gitna ng damuhan, at nakatingala ng malaya sa kalangitan.
Napalingon siya ng maramdaman niya yatang may taong papalapit sa kanya.
"Yengting ikaw pala, anong ginagawa mo dito? dapit hapon na", saad nito sakin.
"gusto ko lang bisistahin ang lugar kung saan tayo madalas maglaro nung mga bata pa tayo nila Yonghye, ikaw anong ginagawa mo dito?wag mong sabihin na iniisip mo na naman ang iyong yumaong ina",
"hindi mawawala yun, alam mo yun", tugon niya sa sinabi ko.
Ikinalulungkot ko ang nangyari sa Celestial niyang ina. Kahit ako ay nagulat din naman sa nangyari.
"kung sa bagay, alam kong si bathala na ang bahala sa kanya", sabi ko dito.
Umupo ako malapit sa kanya, at tinitigan ko siya. Hindi pa din kumukupas ang taglay niyang kagwapuhan kahit saang anggulo mo titigan.
"bakit? may dumi ba ako sa mukha?", tanong niya sa akin.
"wala naman, siya nga pala sinabi pala sakin ng iyong ama na ikaw ang kanyang tagapagmana, handa kana ba?",
"may iba pa ba akong pagpipilian? sa ngayon may parte sa akin na handa na ako, pero hindi mawawala yung mga tanong kung makakaya ko pa kung sakaling dumating ang mga mabibigat na problema ma mapapasan ko sa kasalukuyan", salaysay nito.
"Yoo Jae",
"ano yun?",
"gusto kung gawin mo akong crown princess", despirado kung tugon nito.
kitang kita ko kung paano nagulat ito, pero kalaunan ay naging ok na din ito.
"bakit mo naman biglang nasabi yan?",
"dahil ako lang ang may kakayahang malampasan mo ngayon at sa kasalukuyan ang mga darating na mga pasanin, wag mong kakalimutan na kailangan ng kaharian ng Kotoe ang kapangyarihan ng isa pang kaharian, kay---", putol kong salaysay ng tumayo siya sa kanyang pagkakaupo.
"Yengting, ang kapalaran ang magdidikta, kaya nais ko sanang wag mong pangungunahan ang dapat sa hindi dapat", salaysay niya habang naka tingin ng seryoso sa aking mga mata.
"si Bia pa din ba?", tanong ko dito
"bakit na sama si Bia?",
"lahat na lang ba na meron ako ay kinukuha ni Bia, hindi mo ba naaalala? gusto kung ipaalala sayo? nangako ka saki--",
"mga bata pa tayo nun, wala pa tayo sa tamang pag iisip, kung ibabalik mo pa ang nakaraan ay humihingi ulit ako ng kapatawaran",
"Yoo Jae!", sigaw ko dito , naiinis ako, nanggagalaiti ako sa galit
"Yengting, hindi ko alam kung ano man ang pinaplano ng aking ama, pero sana wag mong sirain ang pagkakaibigan natin",
"pero inuulit ko, gawin mo akong crown princess Yoo Jae", saad ko at tumayo na sabay alis sa kanyang harapan.
Hindi ako makakapayag na maagaw ka ulit ni bia, na ngayon nga ay walang maalala.
.
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Ficção Histórica"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...