2017...
Thirty katao ang sakay ng RRG bus pauwi ng manila, galing itong field trip tour na ginanap sa baguio. Isa sa mga sakay ng nasabing bus ay si Hanazaki Yuriko, ang presidente ng kanilang kupunan. Third year college sa San Beda, pure japanese, kasama nila ang kanilang professor na si ms. Claire Santos, ang best friend niyang si Anna Rose Gutierrez at ang kanilang mga ka klase.
7:00 a.m zigzag road baguio.
"ang dami ko talagang natutunan, nag enjoy talaga ako, ikaw ba?", tanong sa kanya ng katabing si Anna, ang best friend niya.
"nag enjoy din ako", tipid na sabi ni yuriko habang nakikinig ng music sa kanyang cellphone, habang nag so-scroll down ng iba pang music ay biglang nagsalita ang kanilang guro na si ms. Claire
"okay class, magpahinga muna, at mahaba haba pa ang ating lalakbayin pauwi ng manila", sabi niya habang nakatayo sa center aisle ng bus.
"Hay homeworks na naman ang madadatnan ko nito mamaya sa bahay", saad ni anna at kinuha ang neck pillow mula sa kanyang nike bag.
"wag kang mag-alala bes, may kasama ka, ganyan talaga ang buhay", sabi sa kanya ni yuriko at dumampot din ng neck pillow sa kanyang bag.
Ilang sandali lang ang nakalipas ng magsalita ang driver ng bus na kumapit ng mahigpit dahil nawawalan ng preno ang sasakyan. Nagulat at kinabahan ang lahat.
"huminahon kayo at kumalma higpitan ang seat belt, wag magpapanic", sabi ni ms. claire habang mahigpit ang kapit sa seat belt at sa handle ng upuan nito. Ang iba ay bitbit na ang kanilang bag at handa na sa ano mang mangyayari.
"gusto ko pang mabuhay ma'am, Lord, iligtas niyo po kami",iyak na sabi ng isa nilang kaklase
"mga bata kumapit kayo ng mahigpit babangga tayo sa malaking puno!!!", sabi ng konduktor na inihahanda ang sarili sa anumang mangyayari. Ilang sandali pa noon ay mabilis pa sa kidlat ang pagsalpok ng bus malapit sa bangin, buti na lang at may malaking puno na nakatayo doon, pero malabong mangyari na hindi ito bibigay dahil sa impact ng pagbangga dito.
"kailangan nating makalabas ng bus bago pa man bumigay ang punong naghaharang dito", sabi ng driver at dali-daling inalalayan ang mga estudyante na makalabas ng sasakyan
"mag-ingat ang lahat!", sabi ng guro na inaalalayan ang mga bata
"tara na, bilisan na natin", iyak na sabi ng isang kaklase nila habang bumababa ng bus. Lahat ay takot na takot, ng matiyak na wala ng tao ay isa-isang chineck ni ms. claire ang lahat ng kanyang estudyante. Nagtaka siya bakit kulang ng dalawa? sa mga sandaling lyon ay biglang bumuhos ng malakas na ulan kasabay ng pag dagundong ng kalangitan.
"nasaan si yuriko at anna? may naka kita ba sa kanila?", iyak na sabi ni ms. claire at patakbong pumunta sa bus
"yuri, gising!nanganganib tayo, kailangan na nating makaalis!", panic na sabi ni anna habang ginigising si yuriko na nauntog dahil sa lakas ng pagkakabangga ng bus.
PAK!!!!
"NASA BANGIN TAYO!!!", sabi niya sabay sampal sa pisngi ng kaibigan, noon lang naalimpungahan si yuriko at mabilis pa sa daga na tumayo. Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat.
"nasan ang iba pa nating kasama?", gulat at takot na saad niya dito.
"nasa labas na teh, bilisan na natin", sabi ni anna at hinila na si yuriko patungong pinto. Samantalang nagsisisigaw naman si ms. claire sa dalawa habang patakbo.
"anna!! yuriko!! bilis bibigay na ang puno!!", sigaw ng driver habang patakbong pinuntahan ang dalawa. Nakita niyang umaangat na ang mga ugat ng malaking puno.
"Anna, bilisan mo! Talon!!", sabi ni yuriko at tinulak si anna palabas ng sasakyan
"yuriko!!!!", iyak na sabi ni anna ng unti-unting bumibigay ang punong nakaharang sa sasakyan.
"lumayo ka sa sasakyan, tatalon ako!", sabi niya ng hindi inaasahang hindi na nakayanan nang ugat ng puno at nahulog na nang tuluyan pati ang sasakyan......Tangay ang dalaga..
"Annaaaaaaaa!!!!", iyak na sabi niya habang inaabot ang kamay sa kaibigan
"yuriko!!! HINDIIIIIIIIII!!!!!!!!", hagulhul ni anna habang inaabot din ang kamay ni yuriko, pero sa kasamaang palad ay hindi na nailigtas ang dalaga at pabagsak na tumilapon sa rumaragasang tubig.
.
.
.
A/N: Please check this out guys! :) Sana magustuhan niyo, although hindi ko pa natatapos ang isa,hahaha, tatapusin ko pa rin ang Believe :)
Feel free to:
Share
Votes
Comments
^_^
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Tarihi Kurgu"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...