Chapter 41- Maskara Festival (1)

98 4 0
                                    


LADY RIDA POV:

Apat na buwan na ang nakakaraan ng makarating sa bayan ng Nahanagi si Lady Bia. Kung sa bagay, kung hindi lamang ito na aksidente sa bangin. Ibang iba sa dating ugali at pagsasalita niya, ni kilos din.

Hindi ko lubos maisip na nawalan ito ng ala-ala.

Pagbaba ng Palanquin na sinasakyan nito ay iniabot kaagad ng isa sa mga Kawal ng Palasyo ang isang scroll na papel. Binasa ko iyon.

Talagang si Sonia, ginagawa niyang sanggol 'tong batang ito

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Talagang si Sonia, ginagawa niyang sanggol 'tong batang ito.

Wala naman din akong magagawa kundi sumunod sa kanya.

Binuksan ko ang palanquin para masilayan ito.

Aba! Pag bukas ko, ang himbing ng pagkakatulog sa loob. At para bang nangungusap na wag siyang istorbohin.

Wala naman akong ibang choice kundi ipabuhat ito sa kawal na nag abot ng scoll sa akin, hindi ko na kayang mag buhat ng batang ganyan kalaki! Baka kumurba kurba na ang buto ko sa likuran! Jusko!

May isang silid na bakante kaya doon na ako nag tungo. Iyon ay ang magiging silid na niya.

Kawawa naman ang batang ito kung tutuusin. Pero mas kaawa awa ang Kahariang ito.

Nawa'y manumbalik ang kanyang ala-ala.

Tatlong araw na at hindi pa rin ito nagigising. Natutulog lang ng mahimbing. Nakakatakot pala kapag ni isang mulat ng mata ay wala ito.

.
.
.
.
.

Nasa loob at labas kami ng templo upang mag linis, isabay na ang pag aayos ng ititinda na nalikom naming mga produkto na siyang ibebenta mamayang gabi sa bayan, ngayong araw kasi ang festival dito sa nahanagi.

"Madami pa tayong aasikasuhin, bilisan ang pag kilos!", sabi ko sa kanila.

"ANO BA YAN JIE NI! IHAWALAY MO YANG PANGGATONG SA MALAKI!", sigaw ko dito.

Medyo may katigasan si Bia.

"Ibebenta din naman po yan Lady Gilda",

"Hinihiwalay kasi ito iha! Iba ang presyo ng malalaki kesa sa maliliit",

"Pera pa din naman yun",

Sumasagot diba?
Mahusay!

"Dun ka! Maligo ka at aalis na tayo",

Kung hindi lang dahil kay Sonia! Nako saan ka na pupulutin pag tapak mo ng bayan.

Sa madaling salita, tapunan ng may kasalanan ang bayan na ito! Pero hindi naman lahat.

YURIKO POV:

"Dito kayo ni Lela pumwesto!Mamaya madaming mga dayunan sa iba't ibang bayan ang makiki salo sa pagdiriwang", saad ni Lady Gilda sa amin.

Love is True (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon