IMPERIAL PALACE:
YOO JAE POV:
Hindi ko na mabilang ilang buwan na ba ang nakakaraan mula ng maganap ang hindi inaasahang kaganapan.
Hindi ko lubos maisip kung bakit kailangan pang mangyari.
Mula ng mawalan ako ng malay hanggang sa pagmulat ng aking mga mata ay hindi ko parin matanto ang naitakda.
Marami ang nagsasabi na sinadya iyon para kitilin ang aking buhay upang hindi ako maluklok sa trono na siyang mamanahin ko mula sa aking Amang Hari. Ilan sa mga ito ay sumang-ayon na kagagawan ito ng dating Celestial na si Bia.
Mula noon at magpahanggang ngayon ay inilihim sa buong kaharian ang mga nangyaring kaganapan. Tanging sa loob lamang ng Palasyo ang nakakaalam. Mahigpit ding ipinagbawal ng Amang Hari na magsalita pa patungkol doon.
Mula sa aking pagkakahiga kaninang madaling araw ay minabuti ko ng bumangon para mangabayo sa labas ng Palasyo. Ganito ako kapag gusto kong mapag isa sa panandaliang oras.
Nagpahanda na agad ako sa aking mga tagalingkod ng maligamgam na tubig na siyang gagamitin ko sa aking paliligo.
.
.
.
.
.FLASHBACK:
"Yoo Jae",
Ang huling boses na narinig ko bago ako tuluyang nawalan ng malay.
Boooooog!
.
.
.3 Days later:
Naalimpungatan ako sa aking mahimbing na pagkakatulog ng maamoy ko ang parang amoy mentol. Sino ba naman ang hindi eh ayoko sa amoy ng halaman na 'yon.
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Napakasilaw!
Sino ba kasi ang naghawi ng tela sa aking silid na siyang nakatakip sa bintana? Ang ayoko pa naman sa lahat ay ang liwanag na nagmunula sa labas kapag ako'y nagigising.
Ang sumunod kong naramdaman ay ang pagsuri sa aking likuran na siyang natamaan ng palaso.
Hindi ako nag-iisa sa aking silid.
Bakit parang pakiramdam ko ngayon ay para bang wala akong natamong sugat? Magaan ang pakiramdam ko at ni bahid ng kirot ay wala.
Nakakapagtataka.
Bumangon na agad ako sa aking pagkakahiga ng magsalita ang manggagamot na siyang sumuri sa akin.
"Mahal na Prinsipe, mabuti at nagising na kayo, kumusta na po ang iyong pakiramdam?", tanong nito
"Mabuti naman",
"Matutuwa ang Kamahalan dahil nagising na kayo",
"Bakit?anong ibig mong sabihin?",
"Tatlong araw po kayong hindi pa naalimpungatan sa iyong mahimbing na pagtulog. Nag aalala po ang lahat para sa inyong kalagayan",
Tatlong araw?
O_O?
Unti- unti akong bumangon
Nakakapagtataka ang tatlong araw..
"Mahal na Prinsipe,hindi pa kayo lubusang magaling, mabuti pa ay manatili muna kayong nakahiga", saad nito sa pag aalala na ako daw ay nanghihina pa.
Wala naman akong nararamdaman na ikakahina ko. At napaka imposible ngang isipin bakit ganun? Dapat may sugat pa ako at dapat nakakaramdam ako ng kirot at hapdi. Pero WALA!
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Historical Fiction"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...