IMPERIAL PALACE:QUEENS QUARTER:
"KAMAHALAN NANDITO PO SI HENERAL RYUEN! MAY NAIS PO SIYANG IPABATID SA INYO!", sambit ng senior court lady ng Reyna.
Jejo sanggung ang tawag sa kanila na nag su supervise sa lahat ng court ladies sa loob ng Palasyo,maliban na lamang sa mga Royal Cuncubine. Makapangyarihan ang mga ito dahil sila mismo ang nagsisilbi direkta sa Mahal na Reyna at kay Reyna Dowager.
"PAPASUKIN SIYA!!!", sagot naman nito.
Wala ng sabi-sabi at pinagbuksan niya ito ng pinto upang makapasok sa loob kung saan naroroon ang Reynang kanina pa naghihintay na pumanhik ito.
Nakaupo lamang ang Mahal na Reyna sa kanya mismong hinihigaan. May hawak-hawak itong libro.
"Magandang Umaga sa iyo Kamahalan", panimula ni Heneral Ryuen.
Yumuko ito upang magbigay galang sa Kamahalan na noon ay nakatuon ang pansin sa hawak nitong libro.
"Gaganda lang ang umagang ito kung may maibabalita ka na sa'kin na tiyak ikatutuwa ko", saad nito.
"Mukhang ikatutuwa niyo Kamahalan",
Biglang tiniklop agad ng Reyna ang hawak nitong libro.
"Magsimula ka", utos nito at tinuon ang atensiyon sa Heneral na hanggang ngayon ay nakatayo pa rin.
"Nais ko pong ipabatid sa inyo na ang Celestial Shin Bia ay nasa huling hantungan na", saad nito
"Tsk! At papaano mo naman masisiguro na wala ng hahadlang pa sa mga plano ko? Ang Celestial na iyon ang magdadala ng kaguluhan sa Kaharian", nanggigilait nitong tugon.
"Maliban sa palasong tumama sa kanang dibdib nito ay may natamo rin itong mga sugat sa kanyang likuran,at ibang parte ng kanyang katawan, kaya nasisiguro kong hindi niya kakayanin iyon dahil ang ginamit kong palaso ay ginawa upang lasunin ang kanyang buong katawan", salaysay nito.
"Ang ibig mo bang sabihin ginamit mo ang walang lunas sa lason? Ginagamit lamang ito sa mga hayop,libo-libo na ang nakakaraan", tugon namn ng Reyna na bakas sa Kanyang mukha ang tuwa.
"Opo Kamahalan, tama po kayo, ito ay makamandag na lason na wala pang nakakagawa ng lunas mula noon",
"HAHAHAHA!!!!", malakas na pagtawa ng Reyna.
"Magaling kung ganun! isa na lamang ang kailangan nating puksain upang makamit natin ang tagumpay", ngiti nitong tugon.
"Kamahalan paano po ang Mahal na Hari?", takang tanong ni Heneral Ryuen ng mga oras na ito.
Tumingin lang sa kanya ang Reyna habang bakas pa rin sa kanyang mukha ang saya.
"Ako ng bahala sa bagay na 'yan, siguraduhin mong malinis ang mga ginagawa mong mga hakbang upang kunin ang nararapat sa atin", seryoso nitong tugon.
"Masusunod", sambit nito.
.
.
.
.
.
MUKANI:
.
.
.
.
.
"Jie Ni, lakasan mo ang loob mo! Nandito lang ako para sayo, wag kang susuko! Marami ka pang dapat sabihin sakin! Hindi ko maintindihan ang mga bagay bagay na nagaganap ngayon! Magpalakas ka!", salaysay ni Zeca habang hinahawakan ang dalawang kamay ng natutulog at walang malay pa ring si Bia.
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Fiksi Sejarah"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...