Chapter 8

174 1 0
                                    

YOO JAE POV:

Nandito ako ngayon sa labas ng aking chamber, malayang lumalanghap ng sariwang hangin, nakangiting mag-isa, hahaha

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nandito ako ngayon sa labas ng aking chamber, malayang lumalanghap ng sariwang hangin, nakangiting mag-isa, hahaha. Inaalala ang nangyari sa ilog kahapon unang halik ba kamo? hahaha!kung maaalala mo lang bago ko lisanin ang palasyong ito sa pakikipagdigma noon,, hindi mo masasabing unang halik iyon. Hmp!


FLASHBACK:


Nasa templo ako ngayon at naghihintay na matapos ang ritual na isinasagawa ngayon ng mga celestial ladies dahil sa magaganap na pananakop, at isa doon ang aking kaisa-isang celestial, si yuriko bia. Una ko siyang nakita sa bayan ng ako at ang aking ina noon ay nagpasyang mag-ikot ikot, tandang tanda ko pa na kasa-kasama niya noon ay si lady Sonia, ulila na ito sa magulang kaya ginawa siyang isa sa mga celestial ng palasyo, 'yon ang unang araw na nagkakilala kami, at ang araw na malaman kong isa siya sa mga celestial lady, at ang nakatakdang maging akin. Ilang minuto pa ang nagdaan ng lumabas isa-isa ang mga celestial, nakita ko kaagad siya kasabay noon ay ang mahigpit nitong yakap sa akin.

"na miss mo na ako niyan?", tanong ko dito habang yakap ko siya

"oo, miss na miss po kita Prinsipe yoo jae", ngiti nito ng maghiwalay na kami sa pagkakayakap

"kamusta naman ang ritual? mukhang pagod na pagod ka",

"okay lang, kakayanin ko maging ligtas ka lang sa kapahamakan", sabi nito ng biglang batiin ako ng lahat ng tao sa templo

"magandang araw po mahal na prinsipe, nawa'y maging matagumpay po ang inyong paglalakbay", sabay nilang sabi

"maraming salamat po", saad ko ng hilahin ko si yuriko bia

"siya nga pala, may ibibigay ako sayo", sabi nito ng mapahinto kami sa paglalakad at hindi pa nakakalayo sa templo

"ano naman yun?", takang tanong ko ng kunin niya sa kanyang bulsa ang isang kapirasong tela at ibinigay sa akin

"ano naman ang laman nito?", takang tanong ko ng ngumiti siya

"buksan mo", ngiting sabi niya ng binuksan ko iyon, isang kumpol ng maikling buhok

"bakit mo naman ako binibigyan niyan?", takang tanong ko ng hawakan niya ang dalawa kong kamay

"tanda yan ng pagmamahal ko", sabi nito ng bigla itong nalungkot

"kahit hindi mo na ibigay sa akin ito, ikaw at ikaw pa rin", saad ko ng niyakap ko siya ulit, nakakapagtataka ang weirdo niya ngayon.

"pano, kailangan ko ng umalis, mag-ingat ka at alagaan mo ng mabuti ang sarili mo", ngiting sabi ko ng halikan ko siya.

"ma mimiss kita, mag-iingat ka", ngiting sabi niya sakin

"ako din, oo mag-iingat ako", sabi ko at umalis na na may ngiti sa aking mga labi.


END OF FLASHBACK:



Ang araw na nanalo ang aming hukbo sa pananakop ay ang araw ding iyon din na nahulog siya sa bangin, kailangan kong malaman kung sino ang nasa likod ng pagtangkaang kunin ang kanyang buhay. Dali-dali akong bumalik ng palasyo dahil na rin sa aking mga nalaman, ang tauhan ni heneral nel ang nagpadala ng mensahe sa akin. Una ko siya pinagmasdan ng araw na bumalik ako sa bahay pahingahan, ibang iba sa dating siya, kaya nagpasya akong wag ipakita ang totoong ako, kaya ko ginawa ang mga paggsusungit ko sa kanya,nakalimutan na niya ako, lahat nakalimutan na niya.  T_T

.

.

.

.

.

YURIKO POV:

Nakakulong lang ako sa aking silid ngayon, para akong mababaliw sa aking narinig at nalaman mula kay Lady Sonia, haist nakakatawa diba?nakatulala lang ako at hindi malaman kung matatanggap ko ba o hindi, mananatili ba ako o hindi,bakit kailangan k...

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nakakulong lang ako sa aking silid ngayon, para akong mababaliw sa aking narinig at nalaman mula kay Lady Sonia, haist nakakatawa diba?nakatulala lang ako at hindi malaman kung matatanggap ko ba o hindi, mananatili ba ako o hindi,bakit kailangan kong mabuhay sa katauhan ng ibang tao? magpapasalamat ba ako? dahil napunta ako sa mundong ni hindi ko lubusang namulatan,ikagagalak ko ba na ito ako, buhay na buhay,HAHAHA!!!! HINDI KO TANGGAP ANG LAHAT LAHAT!! T_T, hindi ko kayang mabuhay ng ganito!! Nabuhay ang aking systema ng kumatok at pumasok sa aking silid si lady sonia.

"magbihis ka na", utos niya sa akin pero parang wala akong narinig, wala din akong imik simula pa kahapon, at wala ding ganang kumain

"paano manunumbalik ang lakas mo kung ganya ka ng ganya yuriko!!!", ulit niya ulit pero wala akong pakialam

"YURIKO!!", sigaw niya ng hilahin niya ako, agad ko namang kinuha ang braso ko sa pagkakahawak niya

"WALA AKONG GANA, PABAYAAN NIYO NA LANG PO AKO", sabi ko na wala pa ring ka reak-reaksyon

"kailangan mong magtungo sa templo, araw-araw na magdasal, magsagawa ng ritual para manumbalik ang kapangyarihan mong magpagaling ng may mga sakit sa kahariang ito!!!!", saad niya ng ngumiti ako na parang baliw

"ANO KAMO?KAPANGYARIHAN? MAY KAPANGYARIHAN PALA ANG YURIKO BIA? HINDI AKO ANG  TAONG IYON AT HINDI AKO MAGIGING SIYA!! KAYA SANA PABAYAAN NIYO AKO!",  pagwawala ko ng tumalikod si lady sonia

"pakatandaan mo na ang lahat ng ito ay para din sayo", saad nito at linisan na ang aking silid. Para sa akin?O para sa inyo?? T-T grabe kayo sakin, sana pala pinabayaan niyo na lang ako!!!



A/N: Hello GUYS! dito na lang muna FOR NOW!hahaha. waaaaah! VOTES AND COMMENTS  na lang po. Thank you :)

Love is True (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon