YURIKO POV:
Maaga kaming nagising para mag-aral ulit ng mga ritual at ka etchosan bilang celestial lady! Grabe na 'to! Buti na lang at nasa magandang mood ako ngayon! Hahaha!!
"BIA!! Bilis bilisan mo diyan!", pasigaw sakin ni Lady sonia
"Opo!", tugon ko naman habang tumatakbo
TEMPLO:
"Makinig kayo! Kailangan niyong masaulo at isapuso ang bawat hanggang na gagawin niyong ritual sa loob o labas man ng palasyo, at isa sa inyo ang gagawa ng ritual sa koronasyon ng prinsipe yoo jae", saad ni Lady sonia ng magbulungan ang lahat, syempre kasama na ako dun!hahaha
"Ano po?", tanong ni Mi rae na halatang nagulat din. Nakatingin lang ako kay lady sonia habang may kinukuha siyang mahabang papel na nirolyo at binuksan niya iyon tsaka nagbasa.
"Itinalaga ni haring jang yueng tae wo na ang susunod na magiging hari sa daynastiyang ito ay walang iba kundi si prinsipe jang yoo jae, nais din ng hari na ang gagawa ng ritual ay si Lady Suia", salaysay niya ng mapatingin ang lahat kay Suia
"Ako?", gulat na tanong nito ng mapatingin ako sa kanya
"Sus! Ayaw mo pa nun? Eh diba nga pangarap mo yan girl!", sabat ko ng mag taas na naman itk ng kilay, nakailang taas yta to ng kilay sa isang araw? Buti hindi nangangalay ang mga muscles niya sa noo ha! Taray!
"Oo Lady Suia ikaw ang naatasan na magsagawa ng ritual, at magaganap yun dalawang araw magmula ngayon", tugtong ulit ni lady sonia. Buti na lang at hindi ako! Kung ako yun jusko! Mag a our father na lang ako,hindi ko pa kabisado eh. T-T
Buti pa 'tong si Suia! Siya na lahat! Mali yata ang tinatakda ni Lady Bia. Buti pa Bia tigilan mo na 'to!
"Nagagalak akong malaman ang ibinalita mo sakin Lady Sonia", ngiting sabi ni suia ng magpalakpakan ang lahat.
Ilang oras lang kaming namalagi sa templo dahil na rin sa ibinigay na oras para sa pagsasagawa ng ritual ni Suia! Naglalakad na kami pabalik sa celestial quarter ng magsalita ang bruha!
"Paano ba yan Bia! Mukhang nasa sakin na ang pabor", ngiting saad niya ng tumingin ako sa kanya,hinarap ko siya, malditang 'to chaka!
"Tsk! Suia nagpapasalamat talaga ako na hindi napunta sakin yun", pa cross arm kong tugon
"Oo nga eh, dahil wala ka namang ala-ala hindi ba?", sarkastik niyang tugon at nag cross arm din, lumapit ako ng bahagya sa kanya at nagsalitang muli.
"Oo,wala talaga akong ala-ala at ayoko ding maalala pa! Baka kasi kapag bumalik ang ala-ala ko at ang kakayahan ko ay mapunta ulit sakin ang mga bagay na meron ngayon sayo", ngiti ko sa kanya ng itulak niya ako! Defensive ang Bruha!
"Hindi mangyayari yun bia! Dahil ang dapat na na saakin ay sakin lang", sarkastik nito ulit ng tumawa na ako... syet! Kala niya ba ay totoo? Noo way!
"Hahahaha! Siya sige na, sayo na yung sayo! Pero wag kang pakasisiguro", tawa ko pa habang naglalakad ng marinig kong .....
"Araaaaay! Tama na Bia!", saad niya habang hinihila ang sarili niyang buhok at ginulo gulo ang mga palamuting nasa kanyang buhok! Ang mga kasama naman namin ay nagtawanan sa inakto ni suia!
"BIAAAAAA!!", sigaw sakin ni Lady Sonia.
"Wala akong ginagawang masama", wika ko ng magtinginan kaming lahat. Oh ano ako na naman?
"Yung totoo bia? Diba hinila hila mo ang buhon ko!", sabat ni Suia na noon ay inayos ayos ang sarili!kapal nito
"Sus! Siya kaya ang humila hila diyan sa mukhang buhok ng mais!", ooops bahala na kayo diyan. >_<
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Historical Fiction"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...