YURIKO POV:"Jie Ni! Tumayo ka dyan, ano bang ginagawa mo? Kamuntik na akong atakihin sa puso kakahabol sayo, malalagot tayo kay Lady Rida kapag nalaman niya 'to. Ano bang nangyayari sayo?", takang tanong sakin ni Lela na maabutan akong nakahandusay sa lupa.
Bago ako tumayo ay pa simpleng pinahid ko muna ang aking natirang luha, saka ako tumayo at pinagpag ang aking kimono.
"Nais ko lang tiyakin kung sinong maharlikang bughaw ang nag aksaya ng panahon para pumunta dito", saad ko.
"Haist! Hindi ko din alam, at wala akong balak alamin, akala ko ano ng nangyari sayo, wag mo na ulit gagawin 'yon. Tara na, kailangan nating ibigay 'tong mga nabenta natin kag Lady Rida bago tayo maglibot sa bayan ^_^", saan niya.
Hinila na niya ako, at ako naman ay nagpatianod na lamang.
Gaya nga ng sabi ni Lela ay ibinigay namin kay Lady Gilda a.k.a Lady Rida ang mga salaping galing sa nabenta kanina.
Nagpaalam na din kami na maglibot libot sa bayan bago umuwi ng tahanan. Buti na lang at good mood siya ngayon. Pero may curfew ang aming paglilibot. Hahaha .
May pera naman na siya ah?
Hindi ko sinasabing mukhang pera siya, kayo na ang humusga hahaha.
Hindi na ako nag isip pa to the max. Nag enjoy na lang ako sa kung anong nakikita ko ngayon, mabuti na ito.
Matagal ko na ding walang ni isang nababalitaan magmula ng napadpad ako dito. Ito na ang bagong buhay na sisimulan ko.
Namimiss ko lang siguro ang buhay na meron ako noon. Ibang iba kasi ito sa buhay na meron ako ngayon.
Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang hindi mag relax sa nakikita ko sa paligid.
Lahat kasi ng punong kahoy ay may mga palamuti at mga ilaw na kulay asul, pula, berde, puti at dilaw.
May mga halaman ding iba't-iba ang kulay sa kalsada.
May nagsasayawan na mga tao na madadaanan mo kaya mapapa indak ka din samahan pa ng musika.
"Jie Ni, tara doon", yaya sakin ni Lela.
Ngayon lang ba 'to naka laya?hahaha grabe ang pananabik neto ah.
May mga kumpol kumpol kasing mga tao na nagtutumpukan sa lugar na 'yon kung saan kami naglalakad ng kasama ko.
May palabas pala.
Pinagmasdan ko lang ang palabas ngayon. May pa acting skills pala itong nalalaman.
Napukaw ang aking atensiyon ng umakting na ang mga "actor at actress" sa sitwasyon na sa palagay ko ay nakita ko na noon.
Ang babae sa kwento sa palabas ay isang dayuhan, na dumayo lang sa karatig bayan. Uhaw na uhaw at gutom na gutom ito sa kanyang paglalakbay.
May nakita siyang isang barong-barong, timing na nakaamoy ito ng lutong bahay. Kaya walang sabi-sabi ay pumasok siya doon.
Hinubad niya ang kanyang sapatos at umakyat na lang ng walang pasabi.
Nakita niya kaagad ang nakahaing pagkain sa habag kainan. Takam na takam siya ngayon.
Isa-isa siyang kumuha at kinain iyon. Hindi niya namalayan na nasa kanyang likuran na ang nagmamay ari ng pagkain na hinain doon.
Nasamid siya sa kanyang pagkakalunok ng sumagaw ang lalaking nasa kanyang likuran.
Nagtalo sila at sa bandang huli ay umalis na sa barong-barong ang dayuhang babae na nagmamaktol.Magaling na palabas ito. =_=
Pinapaalala lang nito ang unang tagpo ng buhay ko. Kainis! Hype!"Tara na Lela, walang kwentang palabas", sabi ko at hinila siya.
"Hindi pa tapos",
"Tara na, ang panget ng palabas,hindi makatotohanan",
"Hindi talaga makatotohanan, pero hindi pa tapos oh"
"Punta na lang tayo sa iba, may mas maganda pa dun, kaya tara na, tandaan mo may oras tayo sa pag gagala",
"Oo nga pala, sige na nga", pagsang -ayon niya.
Naglibot libot pa kami, hanggang sa maubos na ang palugit na ibinigay samin ni Madam Gilda. >_<
Hanggang dito ba naman ay may curfew!? Ang alam ko kasi sa panahon ko lang 'yon. Tsk-tsk.
.
.
.
.
.Baehye Quarter
↓
Imperial Palace:BAEHYE POV:
Bia, Bia, Bia.. unang maitataob sa plano. Tsk.
Mula noong bumalik ito sa banal na bundok, wala pa ding pinagbago ito.
Baka naman nagsisinungaling lang ito sakin. Pero kahit na ganun, wala akong pakealam. Bia noon o Bia ngayon.
Ang mahalaga ay wala na siya sa loob ng palasyo, isa lamang siyang sagabal sa mga plano ko.
Hindi ko hahayaan na masira ang nasimulan ko.
Ang kahariang ito ay UNTI-UNTING MAGIGING SA AKIN! HAHAHA!
A/N:
PS: Short update muna guys! At ako'y not feeling wishing well. Dapat last week pa ako nag Update para matapos ko na etetch! kaso walang nangyari. Haha. Kaya within this week kapag okay na okay na ako mag go Go Update ako okiedokie! Nakakaloka asin! HAhaha
BINABASA MO ANG
Love is True (COMPLETED)
Historical Fiction"saglit", sabi ko sa kanya pero wala siyang narinig, daig niya pa ang nagtetengang kawali, hinawakan ko ang kanyang kaliwang kamay dahilan para humarap siya sakin, kasabay non ang pagdampi ng aking labi sa mga labi niya, naramdaman kong para siyang...